Chapter 34

2.8K 60 30
                                    

LEIGH's POV

Ang sarap sa pakiramdam na nagseselos siya. Ibig lang bang sabihin nun, may nararamdaman pa din siya sa akin? O baka naman she's only acting?

No!

I can feel it! Totoo siya sa pinapakita niya. Totoo ang inis niya, yong galit niya and i find it so cute. Ito ang isa sa mga namiss ko sa kanya. Ang pagtatampo at pagseselos niya, tapos lalambingin ko siya.

"Babe! Ano bang iniisip mo?" napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses niya.

"Huh? Wala. Bakit?" i smiled at her.

"Phone mo, kanina pa tumutunog" she pinched the tip of my nose. Tumutunog nga ang cellphone ko.

"Mich! Bakit?" bungad ko ng sagutin ko ang tawag.

"Sir! Asan na po kayo? The meeting is about to start in 15 minutes" bakas ang pag aalala sa boses niya

"Meeting?"

"Meeting niyo po kay Mr. Dizon sir" crap! I totally forgot it dahil sa kakaisip kung anong gagawin ko kay amber.

"Okay! I'll be there. Bye" i ended the call.

"Babe! I forgot i have a meeting to attend to" baling ko kay amber.

"Eh ano pang hinihintay mo" sabi niya.

"Kiss ko" i grinned.

"Namimihasa ka na mr. Aragon ha" she pouted.

"Dashelle amber Aragon! Bagay" tinaas baba ko ang kilay ko na nakatingin sa kanya. I can see the shockness in her face.

"Naku! Umalis ka na nga. May meeting ka pa" pagtataboy niya sa akin.

"Opo" i kissed her.

"Sige! Ingat ka"

"Teka! Matutulog ka ba sa condo ko?" I asked. I don't know pero gusto ko lagi ko siyang katabi sa pagtulog.

"At bakit? May sakit ka pa ba?" Nakataas kilay niyang sabi.

"Wala na. Baka kako-"

"Okay! Sunduin mo ko sa bahay after your work." Putol niya sa sasabihin ko.

"I will! Umuwi ka na din."

"Oo nga. Halika na" yakag niya sa akin at sabay kaming lumabas sa restaurant.

Inihatid ko siya sa may kotse niya na hindi naman kalayuan sa kotse ko.

"Babe! Ingat sa pagdridrive" i reminded her.

"You too" she said. I gave her a quick peck bago isinara ang pinto ng sasakya. She waved goodbye bago pinatakbo ang sasakyan niya.

Agad din akong nagtungo sa kotse ko at pinatakbo iyon. I need to hurry up. I still have a meeting to catch up.

The moment i parked my car, agad akong sumakay sa elevator hanggang sa bumukas iyon sa Floor kung nasaan ang conference room.

"Sir! You're just in time" bungad sa akin ni mich.

"Ready na ba lahat?"

"Yes sir!" Tumango ako at pumasok na sa conference room.

AMBER's POV

"May balak ka bang magpatayo ng supermarket?" Tanong agad ni kuya ng maabutan niya akong inaayos ang mga pinamili ko.

Bago ako umuwi, namili muna ako ng mga lulutuin ko for dinner. Right! I decided to have a dinner here with leigh and kuya.

"I'll cook for dinner" i smiled.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon