Chapter 8

3.3K 64 13
                                    

AMBER's POV

Ilang minuto din kaming nagyakapan. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya. Nanatili na lang ako na nakayakap sa kanya without saying any word.

"Thank you Amber" mahinang sabi niya sa akin. Ganun siya naapektuhan sa pag alis ng nakakabatang kapatid.

"Hey! Would you like to see a movie or spend the day somewhere else?" Out of nowhere bigla ko na lang natanong habang nakayakap pa din sa akin.

Gosh! pwedi bang dito na lang ako sa dibdib niya tumira.

Naisingit ko pa iyon, nag eemote na nga siya e.

Amber! behave ka muna.

Hindi ko alam kong papayag siya, wala siyang imik e.

"Niyayaya mo akong magdate?" Bigla niyang sabi.

Napabitiw tuloy ako sa pagkakayakap sa kanya. Hinarap ko siya. Ayon nangingiti ang mokong.

Kung sa ibang pagkakataon lang, nasungitan ko na naman siya pero this time, this day magiging mabait ako sa kanya, magiging sweet as possible. Ngumiti ako sa kanya ng matamis.

"Oo sana kung papayag ka" nabigla siya.

Halata sa mukha niya at ewan pero nakita kong parang nag blush siya. Gusto ko tuloy matawa sa mokong na ito,


LEIGH's POV

Hindi ko alam kong nagbibiro siya. Bigla bigla na lang kasi siyang nagyaya ng date. Lalo akong nagulat ng sabihin niyang seryoso siya about dito.

"Libre mo ko?" Yon ang nasabi ko.

Gusto ko tuloy matawa sa sarili ko, siya pa talaga paglilibrehin ko.

Langya naman.

She smiled at me.

Anong nangyayare dito? Hindi niya ako sinusungitan o tinatarayan.

Damn it! Mas lalo siyang gumaganda pag nakangiti.

Aminado ako na para siyang lalaki kong magsalita, kumilos o manamit. Tulad ngayon, naka skinny jeans siya, fitted black blouse na may markang skull, tapos vans pa yong shoes na may skull print din. Above the shoulder lang ang haba ng hair niya na itinali pa niya, ang messy lang ng pagkatali pero ang ganda pa din niyang tignan.

"Oo ba, libre ko" bigla niyang sabi sa akin.

Natigil tuloy pag mumuni ko. Sana araw araw siyang ganito, hindi yong panglilibre niya kundi yong pagiging mabait at sweet niya sa akin.


AMBER's POV

Pinagtritripan ako ng loko na ito ha.

Pasalamat talaga siya ginagawa ko ito para sa kanya. Sige! Okay lang! nakikita ko naman na kahit papaano gumaan ang loob niya. Ayoko lang kasi na nakikita siyang ganun, hindi ako sanay. Mas okay pa na asarin niya ako minu minuto kaysa yong tahimik lang siya.

"Tara na" yaya ko sa kanya. Hinawakan ko na din ang kamay niya para hilain. I don't know where i got my guts to do that.

He intertwined our fingers which made me turn red.

Anak ng tinapa!

Mistula kaming couple ah. Pinagtitignan pa kami ng mga tao specially mga teen agers girls.

Masisisi ko ba sila, ang gwapo naman kasi ng ka HHWW ko. Halata sa mga mata nila ang inggit!. Sige! Ako ng kinaiinggitan. But seriously, ang sarap pala ng feeling na ganito, lalo na kahawak kamay mo e yong taong nagpabago sa boring na buhay ko. I smiled because of that thought.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon