Chapter 33

3K 58 20
                                    

AMBER's POV

Sinag ng araw ang nakapagpagising sa akin. Pagmulat ko ng mata ko, wala na si leigh. Agad akong napatayo at nagtungo sa banyo sa pag aakalang naliligo siya but to my disappointment, wala siya.

Lumabas ako sa kwarto at hinanap siya sa loob ng unit niya pero wala din.

Where the hell did he go?

Naiinis akong bumalik sa kwarto niya at kinuha ko ang cellphone ko. I dialled his number. Napapitlag ako ng may tumunog sa kabilang table.

Kunot noo akong lumapit dun at nakita ang cellphone niya.

Amber

Yan ang nakasave sa phone niya. Naiinis akong pinatay ang tawag at pumasok sa banyo.

Bakit ba ako naiinis? Porket amber lang ang nakasave dun? Ano naman eexpect ko? E sasave niya ang babe? Hello! 1 week rule nga lang e and now until sa bumalik na ako sa NY! I took a deep breath bago naghilamos!

Isinuot ko na din ang damit ko at kinuha ang cellphone niya bago umalis sa condo niya.

Umuwi muna ako sa bahay para maligo bago pumunta sa office niya.

"Dashelle amber! Saan ka na naman natulog ha!" Bungad agad sa akin ni kuya pagkapasok ko sa bahay.

"Good morning too kuya" i smiled at him.

"Namimihasa ka ng natutulog sa condo ni leigh ha" he crossed his arms.

"Paano mo nalaman?" I raised my brow.

"Eh saan ka pa matutulog kundi dun sa boyfriend mong hilaw" naglakad ito papunta sa kitchen. Sinundan ko siya at naupo sa dinning. Breakfast is ready.

"He's sick kaya ayon, binantayan ko muna" kumuha ako ng pagkain ko.

"Concern?" May iba sa ngiti nito. I just rolled my eyes.

"Naiinlove ka na naman" mas lalo itong ngumiti.

Naiinlove?

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi iyon pwedi! Iisa lang ang dahilan kung bakit ko siya inalok ng 1week relationship at ngayon beyond that. It's all because of my revenge!

"Pinagiisipan kong naiinlove na ba talaga o talagang inlove na noon pa" tukso ni kuya nung hindi pa ako nagsalita.

"Will you please shut up kuya!" Lalo lang siyang natawa.

"Amber, piece of advice. Itigil mo na yang laro mo. You can play with anyone but not Leigh"seryoso siyang nakatingin sa akin.

"And why would i not?" Taas kilay kong tanong.

"Believe it or not, mahal mo pa siya at kahit anong galit ang nasa dibdib mo, mangingibabaw pa din ang pagmamahal mo sa kanya"

"Pwedi ba kuya! Wag mo akong pangunahan. Ako ang nakakaramdam at hindi ikaw. Hindi ko na siya mahal!

Inis akong napatayo at umakyat na sa kwarto ko.

Fuck!

I slammed the door and i decided to take a bath para makapunta na sa opisina ni Leigh.

I was about to put on my clothes ng tumunog ang cellphone ni Leigh.

Napakunot noo ako ng makita ko kung sino ang caller.

Stacie? Yong Girlfriend ni Leigh dati

Bakit ito tumatawag kay leigh. Nakikipagbalikan ba ito? Wala sa sarili kong sinagot iyon.

SWEET REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon