Christmas Special Part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

"I told you, I won't do it! That's so gay!" inis na wika niya. Napalingon ako sa kanya habang hinihila pa rin siya. Napansin ko na namumula ang mukha niya na ikinangiti ko. Ang cute niyang tingnan. Nahihiya ba siya?

Pumasok kami sa loob ng isang room na walang katao-tao.

"Ngayon mo lang naman ito gagawin. Saka mukhang sabik na sabik ang mga batang makita si Santa Claus. Although, hindi mo siya kasing katawan, at least, napasaya mo sila, 'di ba?" sabi ko habang pinipigilan ko ang sarili na matawa. Really. I can't imagine him being Santa Claus.

"No!" he said and he's dead serious. No choice but to make a deal with him. Lumapit ako sa kanya at ikinawit ang kamay ko sa batok niya. I have to do this. This guy was really hard-headed. Hindi siya makikinig sa pakiusap lang. I reached for his lips. I could feel that his muscles tensed because of shock. But, he gladly accept my kiss. When he's already responding, I pulled away and he protested as expected.

"What?" inis na sabi ni Clauss. He tried to kiss me again but I didn't allow him. Iniiwas ko ang mukha sa kanya.

"Will you do it, now?" bulong ko sa kanya.

"Ah! You're so unfair!" frustrated na sigaw niya. Napangiti ako. Mapapapayag ko rin siya. Konting push pa!

"Fine! You can't kiss me until the end of this year," I said. Lumayo na ako sa kanya at naglakad na patungo sa pinto pero pinigilan niya ako sa braso. Lihim akong napangiti. Mukhang kakagat na siya.

"Damn, naughty girl! Fine! I'll do it! Mukhang alam mo na kung paano ako mapapasunod sa'yo, ha?" he smirked. Mahina akong natawa sa sinabi niya. Halatang napipilitan siya. Nabigla ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya at walang babalang hinalikan sa labi. He even used his tongue to invade inside my mouth. Napapikit na lang ako habang tinutugon ang halik niya. He pulled away when we were already out of breathe.

"Don't play games with me, it's dangerous. As punishment, I can kiss you, whenever and wherever I want," he whispered. Kinabahan ako sa sinabi niya. Mukhang wrong move ako. Daig ko pa ang na-check mate sa maling ginawa ko. I sighed when he held my hand. Bumalik na kami sa room na pagdarausan ng party. Siya na rin ang nagkusang magsuot ng costume at iniwan ako kina Claudette. Nagsisimula na ang party nang pumasok kami.

"Ano'ng ginawa mo kay Kuya? Paano mo siya napapayag?" takang tanong ni Claudette habang inilalagay niya sa isang malaking pulang bag ang mga regalo na ipamimigay ni Clauss mamaya. Napansin kong may mga pangalan na ang mga regalong iyon.

"Wala naman," kinakabahang sagot ko na sinabayan pa ng mahinang pagtawa. Makahulugang ngumiti si Claudette sa'kin. Sina Troy at Felicity ang host sa Christmas program. Sina Xavier at Akira naman ang nag-aassist sa mga batang nagpe-perform. Sila rin ang bahala sa sound system. May mga kumakanta at sumasayaw.

"Nasaan pala ang lola't lolo niyo?" pag-iiba ko sa usapan.

"May inaasikaso pa. Mamaya darating din sila," nakangiting sagot ni Claudette. Pagkatapos ng mga performance ng mga bata ay nagpalaro naman sina Troy at Felicity. Nakakatuwa dahil halatang masayang-masaya ang mga bata habang naglalaro. Tuwang-tuwa sila kapag nananalo sa game. Napansin ko si Nicole na nakangiti sa isang tabi kahit hindi naman siya nakakapaglaro. Nakaramdam ako ng awa pero natutuwa ako dahil nakakangiti siya ngayon.

"That girl. She's adorable," nakangiting wika ko habang nakatingin kay Nicole. Napalingon din si Claudette sa tinitingnan ko at napangiti rin.

"Right. Siguradong matutuwa siya sa regalong matatanggap niya ngayong pasko," excited na wika ni Claudette. Takang napalingon ako sa kanya. Na-curious ako sa regalong tinutukoy niya kaya tinanong ko siya.

"An eye donor. May nakita na kami. Maooperahan na siya," naluluhang wika ni Claudette. Kahit ako gusto ko ring maluha sa tuwa. I know, it will be the most wonderful gift that she'll receive. She'll be able to escape darkness now and see the light. Natapos na ang game kaya oras na para kay Santa Claus. Nahihiyang lumapit si Clauss sa'min ni Claudette. Nakasimangot siya habang nakayuko at napapahimas sa ulo. Walang malaking tiyan pero nakakatuwa ang balbas niya. Nang-aasar na hinawakan ko ang balbas niya na ikinainis niya. Tawa naman ng tawa si Claudette maging sina Akira na nakakita sa kanya.

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon