"Itatago mo pa? Huling huli ka na" Tumabi siya sa kapatid at hinaplos ang likod. "Mamaya na ko magtatanong, iiyak mo muna yan" mapang unawang saad niya sa kapatid. Base sa itsura nito ngayon alam niyang hindi maganda ang pinagdadaanan nito. Kailangan muna nitong umiyak para mabawasan kahit papano ang bigat sa dibdib nito.

Dahil sa sinabi ng kapatid biglang napahagulgol si Ronchie. "Ate---" humihikbing yumakap ng mahigpit sa nakatatandang kapatid.

Naaawang hinaplos haplos ni Rochelle ang likod ng kapatid "Shhhhh andito lang si Ate"

Puro hikbi lang ng kapatid ang naririnig niya mula sa kapatid. Maya maya ay nagsimula itong pahikbing nagkwento sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong ipapayo ko sayo dahil ako mismo ang pruweba ng taong naging tanga sa pag-ibig. Hindi ko inisip ang sakripisyo nila tatay at nanay. Ipinagpalit ko ang magandang kinabukasan ko sa taong hindi naman ako pinanindigan. Pero isa lang hindi ko pinagsisihan. Ang isilang si cheche sa mundo. At laking pasasalamat ko sa inyo nila nanay dahil hindi niyo ako iniwan. Sabi nila lilipas din ang sakit, tama nga naman heto ako ngayon."

"A--nong gagawin ko Ate?"

"Sabihin mo sa kanya ang nakita mo sa School"

"Pe--ro paano kung mali lang pala ako?"

Hinawakan ni Rochelle ang mukha ng kapatid at itinaas "Yucckkk! ang pangit mo na nga pumangit ka pa!" umiling iling na saad nito ng makitang mugto na ang mata ng kapatid at namumula ang ilong "Para ka ng girl version ni Pinocchio. Pero hindi pa naman malabo ang mata mo diba?"

"Pe---"

Napaigtad si Ronchie ng bigla siyang kurutin ng kapatid. "Nagtatanong ka tapos.... ewan ko sayong babaita ka! Hala maligo ka at ng mahimasmasan ka! Darating na maya maya sila Nanay galing sa brithday sa kabilang bayan. Kapag nakita ang itsura mo baka mabayagan ni Nanay ang Poging yun!"

"Ate naman!" nabawasan na ang bigat na kanina kanina ay nakadagan sa puso niya. Nagpapasalamat siya dahil nandito ang kapatid upang damayan siya. Pero ang bayagan ng Nanay niya si Quen? Huwag naman! My precious Anaconda!

Buang ka Ronchie! Heto ka na nga at halos maglulupasay sa kakaiyak pero kapakanan pa rin ng Anaconda nito ang iniisip mo? Inis na sigaw sa kanya ng isang bahagi ng isip.

Titigil muna siya sa kakaiyak... Think positive! Baka may importante talagang inasikaso ang binata.

Eh yung babae?

Baka naman...

shut up!

Ginalaw galaw niya ang ulo para tumigil na sa pagtatalo ng kanyang isipan.

"Nabaliw ka na babaita?" nanlalaki ang mga matang tanong sa kanya ng kapatid. Eksaherado pa itong napahawak sa bibig "Hindi maari.. ang kawawa kong kapatid" OA pa itong humagulgol.

Napangiwi si Ronchie "Baliw pala hah!" itinulak niya ang kapatid pahiga sa kama at pinagkikiliti niya ito.

"Ahhhhh! Isa tigilan mo ako!" nagpupumiglas na hiyaw ni Rochelle

"Sinong baliw ngayon?" hindi niya tinigilan ito sa pagsundot sa tagiliran.

"Aahhhhhh!" nakabawi ito at siya naman ang napailalim. Pinagsusundot din siya ng kapatid sa tagiliran.

"Tehhhh! Tamaaaa na! hahaha! Tama na ayoko naaaaaa!"

Kung kanina hikbi niya ang naririnig ngayon ay puro halakhak nilang magkapatid ang pumuno sa kanyang silid.

Maya maya ay pareho na silang nakatihaya sa kanyang kama at kapwa humihingal habang may ngiti sa labing nakatitig sa kisame.

"Salamat Ate..." madamdaming pahayag ni Ronchie sa kapatid. Minsan nakakatulong din pala na meron kang luka lukang kapatid. "Kahit hindi ka maganda maswerte parin akong kapatid kita" natatawa niyang wika.

"Okay na sana eh.. Kung hindi ako maganda ano nalang tawag sayo? Hala tumingin ka nga sa salamin ng kilabutan ka sa pinagsasabi mo!"

Tumawa lang siya. Sanay na silang magkapatid na nag lalaitan. Ganito sila magmahalan.

"Sige na... Maligo ka na!" tumayo ito at binato sa kanya ang unan. Bago nito tinungo ang pinto palabas ng kanyang kwarto.

Unti-unting nawala ang kanyang ngiti ng maisara na nito ang pinto at naiwan siyang mag isa.

Paano kung totoong may relasyon nga ang babaeng yun at si Quen?

Tatanggapin ko parin siya! sigaw ng kanyang puso.

Napangiti si Ronchie ng mapait at nagsimulang bumalong ulit ang kanyang luha.

Napakadaling manghusga ng ibang tao at sabihan sila ng tanga. Pero kapag ikaw na pala ang nasa ganitong sitwasyon hindi mo na pakikinggan ang matinong bahagi ng isip mo.

Tanga na kung tanga! Mahal ko siya......

***

Wahhhh! Feeling ko uhmm sabaw hihi

Pagpasensyahan niyo na...

Ito lang talaga ang naisingit ko sa work.. hihi

Shy___



Quen Hades: The Mysterious LoverWhere stories live. Discover now