Thirty Four

37.6K 751 6
                                    

Daddy immediately contacted Karen as soon as we arrived back in the Philippines. "Karen, this is Piero Godorecci."

"Sir, I didn't expect to receive a call from you. But what can I do for you?" I heard Karen said, since daddy set the loud speaker on.

"Is Brinx Bardoquillo still visiting the hacienda?" Wala talagang patumpik-tupik itong si Daddy, he directly asks what he wants.

"No Sir. He stopped visiting almost five months ago. Si Miss Lizzie at Miss Alexa ang pumalit sa kanya." Napalingon sa akin si Daddy at agad na sinuklay ang buhok ko. He mouth the words, 'don't worry, I got this' before saying goodbye to Karen.

"Daddy I think we should go back to Italy. Maybe he did that because he's taking c-care of his....w-wife." I whispered, retreating. But my mind kept shouting that I should be as strong as daddy and papa. They wanted him for me now, isn't this what I wanted on the first place?

Papa sighed before he clipped the loose strands of my hair on my ear. "The only one he'll be calling his wife is you anak ko. Hahanapin namin siya, for the mean time magpahinga ka muna. The stress isn't good for you and the baby anymore, we'll give you an update ASAP."

Wala na akong nagawa dahil nagmadali silang umalis ni Daddy. I wanted to tell them that they should rest too, pero mukhang hindi sila titigil hangga't hindi nila ako nakikitang ngumiti ulit tulad ng dati.

I sat by the bed inside the hotel room we rented. Kinuha ko sa hand carry ko ang journal ni Brinx. Kung magiging kami pa rin sa huli, siguro itong mga sinulat ni Brinx ang babasahin ko gabi-gabi sa mga magiging anak namin. 'Mga', because Brinx wants a big family and if I were to be his wife, I'll be most willing to give it to him.

I opened it again, still not tired of reading and sobbing because of his words.

"Alam mo baby sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag sa iyo. Kung sa pinaka-una bang nangyari o sa mga nangyayari ngayon.

Pero masaya na ulit tayong dalawa, natatakot ako na kapag nagsimula akong halungkatin ang nakaraan lumayo ka sa akin at iwan mo ako. Alam kong makasarili iyon pakinggan, pero masisisi mo ba ako dahil sa takot kong mangyari nanaman ang nangyari noon?

Mahal na mahal kita Rina, hindi yun nagbago.

Alam kong itatanong mo sa akin kung anong kinakatakutan ko. 'Yun ay ang pagdudahan mo ako kapag nagsimula akong magsabi ng totoo sa iyo, katulad ng ginawa kong pagdududa at pamimintang sa iyo noon. Naisulat ko na dito noon pa, apat na taon na, pero isusulat ko ulit. NAGAWA KO IYON DAHIL SA KAGUSTUHAN KONG SUMAYA KA, kahit kamuhian mo ako, basta masaya ka.

Rina, I wish my words are enough for you to hold tight while we're in this rocky relationship. Sana sapat na iyon para hindi ka bumitiw, kasi Rina ako kahit anong mangyari hindi ako bibitiw, hindi ako susuko. Hindi kita susukuan."

Napasinghap ako bago ako napahawak sa tiyan ko. I caressed my belly who seemed to be hardening from his daddy's words. "Wag kang magalala baby, gagawin ni mommy lahat para makilala mo ang daddy mo." Bulong ko.

Hindi rin ako nakatulog kahit tatlong oras na ang nakalipas ng umalis sila Daddy. Nakalimutan ko ngang sabihin na puntahan na lang nila sa hospital si Natasha baka sakaling andoon si Brinx, o kaya naman sa opisina niya, sa bahay rin nila, pwede. Kaso wala pa rin silang text o tawag at nababagabag na ako. Baka hindi na gusto ni Brinx magpakita, baka sawa na siya kakahabol sa akin, baka sawa na siya sa akin.

Pero sabi niya hindi niya ako susukuan diba? Na mahal na mahal niya ako?

Inakap ko ang notebook niya ng mahigpit, sana hindi pa rin taliwas sa laman ng journal na ito ang nararamdaman mo Brinx. Sana ako pa rin. Sana tayo pa rin.

I almost chuckle at my lines. He said the very same lines to me too. Ngayon ako na ang nagmamakaawa sa kanya na balikan niya ako. Napapunas ako sa mga luhang naiipon nanaman sa gilid ng mata ko. Hindi, hindi pa panahon para sumuko Q. Hindi pa naman confirmed kung kasal na sila ni Tasha diba? Hindi pa. May pag-asa pa ako, may pag-asa pa tayo baby.

30 mins din ang ginugol ko habang nakatingin sa dingding ng kwarto bago ko napagdesisyunan na magpunta muna sa bahay ampunan. I texted daddy and papa that I'll be leaving, pero hindi rin naman nila ako sinagot.

I sighed heavily when I got inside a cab. Kailangan ko na rin i-ready ang sarili ko sa mga pwedeng mangyari. Hindi naman lahat ng bagay papabor sa akin. Kung uuwi ako ng talunan sa Italy, kailangang handa na ako para hindi na gaanong masakit.

I again ran my hands up and down my belly. Baby, hindi ka ba magagalit kay mommy kung hindi natin makakapiling ang daddy mo? Okay lang ba sa iyo na si mommy lang ang kasama mo habangbuhay?

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon