Four

52K 1.1K 33
                                    

Natapos ng i-present sa akin ni Brinx ang mga bagong batch ng lupa nila. Actually, hindi ko na siya pinakinggan simula pa ng nagsimula siya. I don't want his voice echoing inside my head. Dahil sa tuwing nangyayari yun, bumabalik ako sa gabi pinagtulakan niya ako palabas ng bahay nila. Nung gabing pinagbintangan nila ako dahil alam nilang wala akong laban sa kanila.

"Miss Q?" Tawag sa akin ni Karen. Nakatitig kasi ako sa kawalan, kanina pa pala ako kinakausap ni Brinx. All eyes are on me. I cleared my throat to compose myself. "Actually, I had my eyes fixed on a land presented to me by Miss Bardoquillo yesterday."

"Then why did you still request for another presentation kung may nagustuhan ka na pala? Halos hindi na matulog si Kuya-"

"Elizabeth!" Hindi na natuloy ni Lizzie ang sinasabi niya dahil biglang nagtaas ng boses si Brinx. I saw Lizzie's face contort to a frown bago siya humalukipkip at sumandal sa upuan niya.

I shook my head, still the same Lizzie as before. Hindi ko na pinatulan, walang sense kung papatulan ko pa siya. "Karen, you know what to do." Sambit ko, napatango naman ang sekretarya ko sa akin.

"So when are we going to visit the area?" Tanong ni Fritz.

Brinx was shifting on his feet as he slowly lifted his eyes to stare at me. "I-It's not up for me to decide. Si Ri- umm Miss Q ang magdedesisyon para doon, okay naman ako sa kahit na anong araw." He muttered in a soft voice. Yung boses niyang malamnya na ginagamit niya dati para lambingin ako kapag nagkatampuhan kami. I felt goosebumps on my nape habang pinapakinggan ko siya. Calm down Q. Kumalma ka muna.

"Pero kuya hindi tayo pwede sa Tuesday at Wednesday next week. May meeting tayo kay Mr. Eugenio remember?" Inosenteng tanong sa kanya ni Alexa.

I grinned. "Okay, I want to see the area either Tuesday or Wednesday next week."

"H-Ha? Kakasabi lang ni Alexa na hindi kami pwede on that day pero dun mo gusto?" Iritableng tanong sa akin ni Lizzie.

I raised my brow at her for the second time this morning. I leaned back on my chair before I started to tap my pen on the table. "That's not my problem Miss Barqoduillo. The most convenient day for me is on the 12th or the 13th. Now, if you can't come on the day I requested, then I guess-"

"H-hindi okay na. We'll be good to go on the dates you wanted. Wala namang problema doon. D-dad can cover the meeting with Mr. Eugenio. Diba dad?" Brinx stuttered. I saw his cheeks flare ng nginitian ko siya. This doesn't mean okay tayo Brinx. Natutuwa lang ako on how you easily give in to my demands. Looks like I have you wrapped around my finger.

"Good. Just email my secretary the map or directions going there. Doon na lang tayo magkita-kita." Utos ko as I fix my things.

"How about the contract?" Graciella asked. Wow, akala ko napipi na siya.

Tumigil ako sa paglalagay ng gamit sa bag ko at napatingin sa kanya. "I need to see the land first before I sign any damn contract." I answered nonchalantly before I stood up. "Karen ikaw na bahala rito. I have to go." Sambit ko bago ako lumabas ng conference room. Hindi ko na muli pang nilingon si Brinx na nakatayo parin sa harap. Hindi na rin ako nagpaalam. They don't deserve it. Tama na yung pagtiyatiyaga kong makita ang mga mukha nila.

After lunch na ako nagpunta sa opisina ng asawa ni Ate Gie. I have to meet him today para mafinalize na namin ang mga kakailanganin ko kapag nagumpisa na ang construction ng hacienda.

Kinakabahan nga ako dahil akala ko si Kuya Lev lang ang makakausap ko, first time ko kasi siyang makita sa personal. Pero nung pinapasok na ako ng sekretarya niya sa opisina, sinalubong na ako ng pulang buhok ni Ate Gie.

"Ate." Tawag ko sabay sara sa pinto. Sabay silang nagtaas ng tingin sa akin. Ate Gie was sitting comfortably at Kuya Lev's lap at si Kuya naman busy magtrabaho na para bang wala lang sa kanya ang bigat ng buntis niyang asawa.

"Baby girl!" Tili ni Ate Gie bago niya ako kinulong sa akap.

"Baby, baka matapilok ka." Suway sa kanya ni Kuya pero umirap lang siya.

"Yang asungot na yan yung asawa kong laging umeepal kapag nagvi-video chat tayo." Pakilala ni Ate Gie sabay irap.

Kuya Lev just grinned, "Wag kang maniwala sa kanya. Patay na patay yan sa akin." Kuya countered. I saw Ate Gie's brow rising in irritation. "Joke lang, ako pala ang patay na patay sa kanya." Bawi ni Kuya.

I giggled dahil ang cute kasi nilang dalawa. "So ikaw pala ang pangatlong miyembro ng trolls. Baby, dapat tinawagan mo rin si Ate Amy, para kompleto na kayo." Kuya Levi kid. Dinampot ni Ate Gie yung unan sa sofa sabay tapon sa asawa niya. Sakto yung tama nun sa mukha ni Kuya, before I heard him laughing.

Natawa na rin si Ate Gie, para silang mga bata. "Anyway, natapos ko na ang rough draft nung mga binilin mo sa maganda kong asawa. Wait, teka andito." Saka siya nagtungo sa drawers niya. "Here we go. Basahin mo na lang, kung may gusto kang ipabago, ibawas o idagdag wala namang problema sa akin." Sambit niya sabay abot sa akin ng mga papeles. Napatango lang ako bago ako hinatak ni Ate Gie umupo.

Ang gwapo naman pala ni Kuya Levi sa personal. Lalo na kapag malapitan. Ilang beses nga akong napakurap nung nasa harap ko na siya. I bet magiging gwapo at maganda rin ang kambal, since they are having fraternal twins.

"Kapag natapos na ang hacienda, saan ka maghahanap ng mga magtratrabaho doon Q?" Ate Gie asked while she runs her hand up and down her belly.

I stopped reading bago ko siya nilingon, napansin ko rin napahinto si Kuya Lev sa ginagawa niya at mukhang makikinig sa sasabihin ko. "Actually, nakahanap ako ng foundation na nagbibigay ng trabaho sa mga kapos pero pursigido naman sa buhay. Mostly ng mga tao doon ay mga walang pamilya, tulad ko...dati. Nakipag-coordinate kami nila daddy sa may-ari kung pwede ko bang i-hire, if not all, yung iba kapag natayo ko na ang hacienda. They agreed naman."

"Yang puso mo talaga Marina, napakabusilak." Bati ni Ate Gie, malamlam ang mata niya habang nakatingin sa akin. Not minding kung tinawag niya ako sa pangalang tawag niya sa akin dati pa.

Nagkibit balikat lang ako. "I just don't want them to suffer the same experiences as I did. We all deserve a better chance in life." I said.

Silince enveloped us after what I said. Alam kong naghahanap ng pwedeng isagot si Ate. She knows what happened to me. Alam niya lahat ng pinagdaan ko dahil bata palang ako siya na ang takbuhan ko kapag wala akong makain o wala akong matuluyan.

"Nakakaagaw ng pansin yang accent mo Q. Pwede bang i-train mo ang future inaanak mo kapag lumabas na sila?" Pagbabago ni Kuya Lev sa usapan.

Ate and I laughed at his remark. "Sira ulo ka baby!" Natatawang sagot ni Ate sa asawa niya.

I went on reading Kuya's draft proposal for the equipment and man power I would need for the hacienda. Habang si Ate Gie nagpaalam na matutulog daw muna, oras na raw kasi para sa afternoon nap niya. Nahiga lang naman siya sa tabi ko sa sofa.

"Kuya kailangan ko ng mas maraming tao. Hindi lang 130 contractors." I said as I skim through the documents. Kahit nga yung mga trucks at machine mukhang kulang.

"Well rough draft lang naman yan Q. Hindi mo raw kasi nabanggit sa asawa ko yung laki ng lupa kaya hindi ko alam kung ilan ang ipapalagay ko diyan."

"The land is 3,670 hectares." Napapito si Kuya Lev. Ganoon ba talaga kalaki yung lupa? Yung isang winery namin sa Italy approximately 5,600 hectares. Yun na ang pinakamaliit.

"Ang laki pala, anong balak mo ipatayo diyan? Isang buong bansa?" Biro niya, I bit my lip to suppress my laughter dahil baka magambala ko ang mahimbing na tulog ni Ate Gie.

"Team up ba yang lupa o binili mo?" Muling tanong niya.

I shook my head. "Team up." Maikling sagot ko, dodging the question. Hindi kasi alam ni Ate Garnet na kila Brinx yung lupa. For sure magagalit siya. Buti na lang hindi na nagtanong ulit si Kuya Lev, hiningi niya na lang yung rough draft para ipapaayos niya raw sa empleyado niya. Sana lang hindi niya rin mabanggit kay Ate Garnet ang tungkol dito.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon