Twelve

44.1K 951 75
                                    

                  

Brinx brought me to Mangan to satisfy my Filipino Cuisine craving. He even ordered sea food and pork kare-kare just to be sure raw na hindi ako mabitin.

"Brinx ako na, kaya ko namang gawin yan." Suway ko sa kanya ng pinaglalagay na niya ako ng pagkain sa plato ko. Nginitian niya ako sabay sagot, "Gusto kong gawin baby. Ako na lang."

There's something about him calling me baby that makes me give in to his demand. Namumuo na ang pawis ko sa noo, this is not a good sign.

"Hindi mo naman alam kung gaano karami ang kakain ko eh." Muling ani ko.

Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa paglagay ng pagkain sa harap ko habang nagsasalita. "Kare-kare kaya ito. Alam ko kung gaano ka kalakas kumain kapag kare-kare ang ulam, kaya ako na baby okay?"

I was about to say something again but he continued, "Ako na lang ulit." Bulong niya.

I stopped breathing momentarily as I continue to gawk at him. His cheeks turning to a shade of pink and red before he slowly lifted his gaze.

"Tayo na lang sana ulit." He murmured.

Wala ng umimik sa aming dalawa basta nagtitigan lang kami. Damn you Brinx! Stupido! Stupido!

Saka siya dahang-dahang lumapit at inilapat ang labi niya sa labi ko. It was sweet, soft, and lingering. Definitely not like the kiss we shared inside the bathroom.

He rested his forehead on mine before rubbing both of our noses together. "Ikaw pa rin ang para sa akin Marina, sana ako pa rin ang laman ng puso mo."

Why is he doing this? Like right here? Right now?

I wanted to slap him hard with the things he accused me. I want him bruising with it. I want him black and blue with the same words he choked me four years ago.

But I can't.

I couldn't.

Because a little space in my heart says that I should give him enough time until he's ready to tell me why he did it. Kung bakit ganoon naging kadali sa kanya ang patalsikin ako sa buhay niya noon.

He smiled, the heart-melting smile he has before he kissed me on the forehead. "Kain na tayo. Alam kong hindi ka na makapaghintay sa kare-kare mo." Aya niya.

I don't have anything to say. My mind is still in a state of chaos because of that disorienting kiss.

"Umm n-nagkaroon ka ban g b-boyfriend when you're still in Italy?" He suddenly asked. Napababa ako sa pagkain na isusubo ko sana. "No, don't stop eating. Forget what I said." Biglang bawi niya kasabay ng pamumula ng pisngi niya.

"I dated some guys, yun lang." I said with a shrug before I popped the glorious spoonful Kare-kare inside my mouth.

I felt him going stiff beside me. Akala ko nga titigil na siya sa kakatanong pero nasundan pa. "By some, you mean how many?"

Nagkibit balikat ako muli. " I don't know. I don't count them and I definitely don't keep tabs on them. If someone asks me out and I kinda like him, I'll go. But if I don't, then I simply decline. Saka four years yun Brinx. Hindi naman ako naglilista ng mga lalakeng dine-date ko."

I caught him pursing his lips on my peripheral vision. Stupid! Magtatanong ka ng ikagagalit mo. I was telling him the truth! Hindi ko gawa-gawa ang mga yun.

"So when you agreed to go out with me, that means you just 'kinda like' me. Just like the pile of Italian dudes you dated." He remarked in irriation.

Binitawan ko ang kutsarang hawak ko bago ko siya hinarap. "FYI, hindi sila lahat Italian. Some of them are Filipino dahil anak sila ng kaibigan nila Daddy."

"Why did you go out with them?! You should've said no."

I looked at him in dismayed confusion. "What? Why would I say no? It's not like it's illegal. Wala naman akong boyfriend."

"Eh anong tawag mo sa akin?!" Sagot niya. He's breathing heavily with anger, namumula na nga ang mukha niya.

"Ano bang mayroon tayo?" I questioned him back with one arched eyebrow.

"Aba malay ko sa iyo!"

I was appaled with his sudden flip of mood. Ilang taon kami hindi nagkita, I almost forgot na may ganito pala siyang ugali. Yung bigla siyang magagalit kahit kasalanan niya. Parang ngayon, kinalkal niya ang buhay ko sa Italya tapos magagalit siya dahil may mga di-nate ako nung andoon ako.

"Whatever." Sagot ko. Nope, hindi kita susuyuin tulad ng dati Brinx. He huffed in resignation bago siya tumayo at umalis ng restaurant.

I almost pulled my hair out in fury. Buti na lang ginawa niya ito ngayon. Buti na lang talaga. Kundi baka nahulog nanaman ako sa patibong niya. Baka sumemplang nanaman ako dahil sa katangahan ko sa kanya.

Mabilis akong kumain at umalis na ng restaurant. Ni hindi nga nagtext o tumawag sa akin yung lalakeng yun. Akala niya hahabulin ko siya? Manigas siya!

I lazily dragged myself out of my bed the next morning, magkikita nga pala kami ngayon para sa hacienda. Pero hindi sa site, sa office niya lang. Nag-iisip na tuloy ako kung kailangan ko ng magpatayo ng sarili kong opisina dito sa Pinas, para hindi iniisip ng lalakeng yun na ako ang lapit ng lapit sa kanya.

Agad naman akong sinalubong ng receptionist niya tulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing nagpupunta ako dito sa building ng mga Bardoquillo.

"Miss Godorecci, good morning po. May kinakausap lang na importanteng kliyente sila Sir Brinx. They are expecting you to arrive after 11 am po kasi." She explained.

Importante? Sino namang mas importante kesa sa tie-up namin?

"So you're saying that it's my fault for arriving earlier than the time they estimated even though your boss didn't establish a concrete time we should be seeing each other?" Masungit na tugon ko.

Nakita ko siyang lumunok, "Teka lang po umm sabihan ko na lang sila na andito ka na po." She retreated immediately.

"I'm coming with you." Sambit ko. Wala na siyang nagawa, kahit bakas sa mukha niya na wag ako munang sumama. Gusto ko lang makita kung sino ang pinagkakabusyhan ng Brinx na yun at hindi niya ako nagawang i-text o tawagan man lang pagkatapos niya akong iwan sa restaurant kahapon!

She knocked three times before she made a small space, enough for her head to poke in. "Sir, si Miss Godorecci po andito na." Rinig kong tugon niya.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Brinx, I pushed her aside bago ko itinulak ang pinto para magbukas ng malaki. Patingin ako ng importanteng kliyenta na yan!

Hindi lang pala si Brinx ang andoon, they're all there. Complete set. Saka naglakbay ang titig ko sa kasama nila, sa importanteng kliyenteng sinasabi nila.

"Aqui amore." He said, I saw that familiar smile spreading on his face.

"Gio my love."

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon