Nineteen

45.1K 830 16
                                    

We were both struggling for air when we broke the kiss. Iyak-tawa ako habang nakakapit ng mahigpit sa suit coat niya. He started wiping my tears away with his thumb while giving me tiny, bite size kisses.

"Iyakin pa rin ang baby ko." Bulong niya. Pinalo ko siya ng pabiro saka niya ako inakap. "I love you so much Rina, I never did stop loving you." He again murmured.

I was in a state of euphoria that I wasn't able to answer him. I just hugged him tighter, letting myself remember the warmth of his embrace.

"Stay for the night?" Tanong ko sa kanya ng kumalas na ako sa pagkakaakap niya.

"Kahit hindi mo sabihin, hindi talaga ako aalis." Mayabang na sagot niya. I again playfully smacked him on the chest making him chuckle. "What? Kailangan kitang bantayan, baka kasi layasan mo pa rin ako." Pabirong sagot niya.

Isa-isa niyang ibinalik sa cabinet yung mga damit na inimpake ko kanina. Sabi ko 'wag na pero para lang daw sure siya na hindi na ako aalis. Kaya habang busy siya roon, naisipan ko na lang na mag-paakyat na muna ng makakain namin.

"Akala ko kare-kare nanaman ang uulamin natin." Biro niya ng naihatid na ng room service ang order ko. Inakma ko siyang hahampasin nung table napkin na hawak ko ng umupo na siya sa tabi ko.

"Alaskador ka talaga! Kanina ka pa!" Inis na tugon ko sa kanya pero natawa lang ang loko bago ako hinalikan sa gilid ng ulo.

"Sorry na po. Masaya lang po ako." Malambing na sagot niya kaya 'yung inis ko nawala. Napatitig ako sa kanya ng matagal, hindi ko alam na miss na miss ko na rin pala siya. Miss na miss ko na ang Brinx ko.

"Kain na tayo baby." He said, putting a scoop of bulalo soup on my bowl.

"Ang bilis mo namang natuto ng Italian Brinx. Parang isang session palang ata 'yung pinapasukan mo, samantalang ako ilang buwan bago ako nakapagsalita ng tuwid na Italian." Sambit ko habang pinapanood siyang ipaglagay ako ng makakain.

Umiling siya pero nakangiti parin. "Matagal na akong ang-aral ng Italian baby. Two years ago pa, refreshing course na lang 'yung ina-attend-an ko ngayon."

"Two years ago? Ibig sabihin naiintindihan mo 'yung mga sinasabi ko dati?"

"Yup, two years ago. 'Yung iba kaya kong intindihin, pero kapag mabilis na ang panananalita niyo hindi ko na kayang sundan."

"Bakit ka nag-aral?"

Huminto siya sa paglagay ng pagkain at hinarap ako. "Kasi umaasa ako na magkikita tayo ulit. Nangyari naman." Sagot niya bago niya ako hinalikan sa noo. "Kain na tayo." Muli niyang aya.

Marami siyang kwinento, lahat ata ng nangyari sa kanya sa apat na taon na wala ako naikwento na niya. Pero hindi namin napagusapan ang tungkol sa pangyayaring iyon. Natatakot din kasi ako na baka masira ang naming magandang mood kapag pinag-usapan namin 'yun. Marami pa namang panahon para doon.

Brinx decided to crash in my room for the night. Bigla nga akong kinabahan, unang beses naming magtatabi sa iisang kama. Nauna akong nag-shower bago siya. Kaya 'yung kaba ko talaga lampas ulo na habang hinihintay siyang matapos maligo.

I started to flick through the channels of the television when Brinx came out of the bathroom. He's only wearing his boxers and my eyes automatically landed on those sweet six pack abs he has.

Nagpupunas siya ng buhok habang nagbabasa ng text sa cellphone niya. I can still see the steam of the bathroom behind him, which doesn't even help. "Huy bakit yan lang ang suot mo?" I croaked.

Stonehearts 3: AquamarineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon