Chapter 13

66 1 0
                                    

Ruin

Sobrang saya ko sa araw na ito na ngayon ko lang na-realize na pitong araw na lang, magde-debut na ako. Pero mas pinili kong hindi na lang mag-celebrate ng magarbo.

Mas pinili kong mag-celebrate kasama ang mga batang lagi naming binibisita noon sa Charity for Peace, Charity for Love, malapit lang sa bayan naming iyon.

Tingin ko'y dito na kami magpapalipas ng gabi dahil gabing-gabi na at parang prepared naman yata si Zedward.

Hindi ko na muna siya tatanungin kung paano niya ako ipinagpaalam. Ang importante'y maayos na kami ngayon.

Minsan naiisip ko kung tama nga ba itong pinasok ko? Na more than friends kami ng isang seminarista. Hindi lang pala more than friends, mayroon pala talagang 'kami.'

Minsan naiisip ko kung ano ang mangyayari sa kinabukasan? Anong patutunguhan nito?

Napag-pasiyahan kong ngayong gabi, kukumprontahin ko siya kung ano nga ba ang plano niya sa buhay. At para sa akin, tatanggapin ko ang lahat ng kaniyang sasabihin, gaano man kasakit.

Kahit na ditto kami matutulog, magka-iba pa rin kami ng kwarto. Kaya't lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa may restaurant tabing-dagat kung saan siya naghihintay.

Nasa malayo pa lang ako, tanaw na tanaw ko na kung gaano siya ka-gwapo.

Parang tinititigan ko ang mundo kong napakalinaw sa loob ng napakalabong kapaligiran.

Ganun nga rin kaya ang nararamdaman o nakikita niya kung ako naman ang kaniyang nakikita?

Kinalabit ko siya nang naka-lapit na ako. At ngumiti naman siya.

"Magandang gabi, aking iniirog."

Natawa ako sa kaniya.

Hindi niya talaga bagay na mag-tagalog. Nabanggit niya kasi sa akin na sinanay na daw siya ng kaniyang mga magulang na mag-Ingles kaya napaka-tatas niya magsalita ng Ingles.

"Good evening." Pag-sagot ko sa kaniya.

Tinignan naman niya ako ng masama, ngunit ngumiti pa rin siya.

"Bale, baby, umorder na ako ng meal para sa ating dalawa. Para hindi na tayo matagalan sa pag-aantay."

Napa-tingin siya doon sa counter at sabay sabi, "Ayan na pala."

"Ilan tayong nandito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam, Baby, tanungin ko si Kuya, saglit."

"No, I mean, ilan tayong kakain? Tayong dalawa lang ba? Bakit ang dami?"

Napatawa naman siya sa akin. "Chill ka lang, baby, mauubos natin 'yan."

"Kung sa bagay, masarap talaga ang libre 'noh?"

"Mary Lou. . ."

Tawag naman niya sa aking pangalan. May kakaiba akong naramdaman.

"13 ngayon diba?"

"Oo." Sagot ko sa kaniya.

"Happy Monthsary!" Bati niya.

Kung wala siya, hindi ko iyon maalala. Kung ano-ano na talagang pumapasok sa isip ko na pati ang mga mahahalagang bagay, nakakalimutan ko na.

"Happy Monthsary din!" Bati ko sa kaniya.

Nag-reminisce kami habang kumakain hanggang sa nag-lakad lakad kami sa tabing-dagat at napa-higa.

"Remember that time, nung tumakbo ka after ng Easter Sunday Mass?"

"Oo naman. Who wouldn't forget?" I answered him.

"That was the time, I started falling for you. I started falling for you that time, kasi nakita kong sobrang real mong tao. Walang arte, pero puno ng kagandahang ipinapakita. It just takes a moment to observe you, and everyone would stare because of your charm. Almost how many years na pala ang naka-lipas. Tas ngayon, mag-i-eighteen ka na."

"Zed..."

"Yes, baby?"

Okay. This is it. "Can I ask you something? I don't wanna ruin this night pero..."

Napa-titig lang siya sa akin. Nag-rereflect yung pag-titwinkle ng stars sa kaniyang mga mata.

And yes, I am not just staring to my world. I am staring to my whole universe together with the stars and the sea as our loving witness.

"Saan nga ba ito patungo?"

It was a moment of silence. No, not that awkward one. It was one of the sweetest silence I heard.

"My baby, My Mary Lou, ever since I met you, I knew you were the one for me. For me love, isn't enough to prove that you really are the one for me. Because I've found not only love but also compatibility in you. And with that I am grateful..."

Tears started to stream on my face.

Hindi ko na ata kaya pakinggan 'yung mga susunod niyang sasabihin.

"Mary Lou, Baby, look at me."

I shook my head.

He lifted my head, and I absentmindedly stared at him.

"Baby, alam ko na sa simula pa lang, mahirap itong pinasok ko, pinasok nating dalawa. But please, trust in me. It will take a long ride, but hold on and keep your faith. I love you. I will always love you."

And with all the stars twinkling together with my eye, I responded a kiss – the sincerest one I could offer.


Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon