Chapter 4

136 4 0
                                    

Chapter 4

Si Lovely at si Z at ang Choir

Everything feels like it just happened yesterday. Everything feels very fresh, na hanggang ngayon, dinig na dinig ko pa din ang tunog ng kakalaglag lang na patten.

Ilang buwan pagkatapos ng pangyayari, na-suspend daw si Father Romano. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba iyon sa akin o ano. Sabi kasi ng iba, may nag-record daw na Sacristan ng usapan namin noon sa meeting at ipinarinig kay Archbishop Villania ang lahat.

Kaya raw siya na-suspend dahil masyado nang masama ang kaniyang mga sinabi, hindi niya na alam ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.

Nalaman ko lang ito dahil kay Ate Macey. Si Ate Macey, Altar Server pa din siya dun sa Parish namin. Pero ako, lumipat ako ng parish sa kalapit na bayan at naging Lector/Commentator na doon, paminsan-minsang nag-choChoir.

At ang kasa-kasama ko? Si Ate Lovely at si Kuya Z. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga tao dito. Halos lahat sila, nabalitaan ang pangyayari, at nadama ko ang kanilang pagmamalasakit sa akin dahil imbes na i-judge nila ako, sinamahan nila akong umahon.

Si Ate Lovely talaga ang naging mentor ko, mula sa paglelector na noong una ay nahihiya ako dahil alam kong marami ring nakakakilala sa akin dito dahil sa di inaasahang pangyayari, pati na rin sa paminsan-minsang pag-choChoir ko.

"Mary Lou, gusto mo bang mag-Choir na rin?" isang araw tinanong niya ito sa akin.

"Eh? Ate Lovely, pwede ba dun yung ganitong boses?"

"Mary Lou, seryoso. May boses ka kaya! O sige, pa-minsan minsan umattend ka sa mga practice ha? Kahit na sabay na lang tayo pumunta."

"Sige, Ate, sige.

"Wait, Mary Lou, tatawagin ko si Kuya Z kasi best friend niya yung magtuturo ng choir. Bago daw eh. Ka-text niya ngayon."

"Oh? Eh asan na yung dating nag-tuturo? Bakit bago na?" Hindi ko talaga maiwasang magtanong mga bagay-bagay. Lalo na pag-sobrang nakaka-curious.

"Teka lang, Mary Lou ah. Ayan na siya! Kuya Z! Kuya Z! Lika dito!"

May kausap pa sa telepono si Kuya Z nung makalapit siya sa amin ni Ate Lovely. "Oh, Mary Lou, Lovely, ano yun?"

"May balak kasi akong ipasok si Mary Lou sa choir."

Sumang-ayon naman si Kuya Z. Basta't pumunta na lang raw ako sa praktis nila, wala daw magiging problema. Laking pasasalamat ko sa mga ganitong klaseng taong nakapaligid sa akin. Sobra-sobrang pagpapala ang ibinigay sa akin ng Diyos.



Against Usحيث تعيش القصص. اكتشف الآن