Chapter 5

96 4 0
                                    

Chapter 5

God-given talent

Andito ako sa sala, inaantay ang isa sa mga pinakamabait na taong nakilala ko sa buong buhay ko, si Ate Lovely.

Medyo maaga akong nagising kaya, naghanda nalang ako para sa practice ng choir mamaya. Ngayong ready na ako, kumuha na lang ako ng Candy Magazine, my bestfriend magazine, at nagbasa-basa.

"Putting talent at the top of the agenda" – ang title ng first article na agad sumalubong sa akin pagka-buklat ko ng Candy Magazine. Nagpatuloy ako sa pagbabasa at hindi naman ako nagsisi duon. Dahil nakakuha ako ng tips na maaari kong magamit, anytime! Lalo na mamaya! Tips for singing, dancing, and acting!

Candy Magazine even said that we should not be afraid to try something new. We should not be afraid to step out of our comfort zone because there is an amazing world waiting for us there.

Nasa may bandang gitna na ako ng pagbabasa ng magazine, nang bigla kong narinig ang pagkatok sa gate namin at ang pagsigaw ng "tao po!"

Si Ate Lovely na ata. Parang boses niya eh.

"Wait lang po!"

"Pakidalian po sana!"

"Wait lang Ate! May date?"

Nang buksan ko ang gate, mali ang inakala ko. Ang akala kong si Ate Lovely ay delivery girl pala ng LBC. Natawa ako pero hindi ko pinahalata. Kaya nakangiti kong tinanggap yung parcel hanggang sa pag-sign sa form na binigay.

Kaboses nung delivery girl si Ate Lovely. At ang weird lang kasi first time kong makakita ng babaeng nagdedeliver ng mga padala, house to house!

Yung laman nanaman siguro nun, bagong damit na binili na naman siguro ni Mama galing sa online shop.

Pagkapasok ko ng bahay, napatingin ako sa relo.

8:36 AM

Ang sabi ni Ate Lovely, 8:30 niya ako dadaanan. Pero wala pa rin siya.

Makalipas ang sampung minuto, wala pa rin siya...

Ano na, Mary Lou? Pupunta ka pa ba? Tuloy pa rin ba?

Okay, nakapag-decide na ako. Huminga ako nang malalim at humarap sa salamin, kaya ko 'to! Pupunta ako to show my God-given talent in singing that came from the Lord, I will use it for Him.

Against UsWhere stories live. Discover now