Chapter 8

81 2 0
                                    

Chapter 8

Response

Holy Tuesday na kaya puspusan na ang aming pagpa-practice, voicing dito, voicing doon. Ang daming bagong piyesa na ibinigay sa amin. Pero kung titignan mo, ang pinaka-nahihirapan dito ay si Ate Viella at si Brother Zed. Si Ate Viella kasi, siya ang naatasang kumanta ng mga responsorial psalm sa Easter Vigil. Medyo marami-rami iyon, kaya ang ginagawa namin ngayon ay 'one step at a time'. Pansin ko ring kailangan na talaga naming mag-dagdag ng mga bagong miyembro, lalo na't aalis na ang nakararami sa amin.

Natigil ang aking pagmememorya ng kanta dahil bigla akong tinawag ni Kuya Kleng, "Mary Lou!"

"Yes, Kuya Kleng?" Tugon ko sa kanya.

"Mayroon kasing hindi masyadong makuha si Ate Viella mo sa responsorial psalm, napag-usapan namin ni Fr. Mesa na kahit sa'yo na lang 'yun. Isa lang 'yun. Please? Alam naming kaya mo 'yun. Ikaw pa!" Pagsusuyo ni Kuya Kleng.

"Kuya? Paano 'yan? Eh..." Sagot ko sa kanya na mukhang nakuha niya agad kung ano ang pinapahiwatig ko, kaya inunahan niya na ako.

"Kung ang sasabihin mo ay ang tungkol sa pagli-lector mo sa Easter Vigil, napag-usapan na namin 'yan nila Father, at wala iyong kaso sa kanya. Sabi niya, kahit na ako na lang daw ang magbasa ng i-rereading mo."

"Eh, Kuya, sobrang haba kaya noon. Ako na ang magbabasa. Huwag lang kumanta ng solo." Hindi naman sa ayaw ko kumanta ng solo, natatakot kasi ako. May tiwala ako sa sarili ko kapag grupo kaming kumakanta, pero kapag solo na, ibang usapan na 'yan. Bigla na lang lulubog ang self-confidence ko, kahit na alam kong kaya ko naman talaga mag-solo.

"Kuya, pwede naman sila Ate Celine. Si Kuya Jason, kahit na lalaki, sobrang taas ng boses! Uhm... sino pa ba? Si Ate Nikki! Si Kuya Toffee din! Ang dami kayang iba, Kuya."

"Bago ka nga talaga dito sa choir! Matagal ko nang narinig ang mga rason na iyan, paulit-ulit na nga eh. Paano ba 'yan, Mary Lou? Hindi na 'yan makaka-lusot sa akin eh. Ang pini-pinpoint lang namin dito ay, oo. Maraming magagaling sa ating grupo. Pero siyempre ang titignan natin ay 'yung mga opinion ng ating mga parishioners, gusto rin nilang makarinig ng bago, gusto nating makarinig ng bago at makapag-bigay ng bago. Oo, bago, kagaya mo. Yung bago na alam kong sa ngayon, ay sa'yo lang manggagaling, ikaw lang ang makapag-bibigay. Yung bago na tatagal dito sa ating grupo..."

Paulit-ulit akong pinapangaralan at binibigyan ng tips at advice ni Kuya Kleng. Huwag daw ako magpadala sa kaba, mag-focus, at siyempre humingi ng guidance sa Kanya, bago gawin 'yung naka-assign na gawain sa amin.

Ngiti pa lamang ang aking isinukli kay Kuya Kleng noong umaga na iyon. Mag-dedecide na lamang muna ako, at alam kong irerespeto at irerespeto naman nila iyon, kung ano man ang maging pasya ko.

O baka naman, hindi ko na talaga kailangan mag-decide, hindi ko lang masabi dahil napapangunahan lang ako ng takot.

Patuloy akong sinuyo ni Kuya Kleng, at wala akong nagawa kung hindi umamin at pumayag sa plano nila ni Father Mesa. Bago niya ako pinapunta kila Brother Zed ay patuloy niyang pinalakas ang aking kalooban na kahit papaano'y nagpagaan sa aking nararamdaman.

It's now or never!

Aja! Fighting!

It's my time to shine!

Pumunta ako doon sa kinaroroonan ni Ate Viella kanina, at binati si Brother Zed.

"Hello Brother Zed!"

Against UsWhere stories live. Discover now