Chapter 6

100 2 0
                                    

Chapter 6

Adjusted and Stronger

Ilang buwan na akong lumipat na mag-serve dito sa St. Clare of Assisi Parish pero namamangha pa rin talaga ako sa disenyo ng estruktura at ugali ng mga taong nakakasama ko dito.

Tinanggap ako ng mga tao dito nang parang walang nangyari, at inalagaan nang sobra-sobra hanggang sa maging okay ako sa pag-aadjust at pakikitungo ko sa kanila.

Kahit na karatig-bayan lang namin ang simbahan na aking pinagsisilbihan ngayon, madalang akong makabisita dito, pero dahil bakasyon na, ibig sabihin I have more time for the Lord at mayroon din akong bagong sinalihang organisasyon / grupo sa Simbahan, kailangan ko nang magpunta dito araw-araw.

Pangatlong beses ko nang makipractice sa choir at hanggang ngayon, 'di pa rin talaga nagpaparamdam si Ate Lovely at Kuya Z, siguro nga busy sila sa mga requirements dahil pareho na silang magsi-second year college.

Nung pinaka-unang araw ko dito, pinagpawisan ako ng sobra sobra dahil sa aking hiyang nararamdaman. Unang araw palang, late na ako at ang unang sumalubong sa akin ay iba't-ibang mga tingin.

Tinging nakakatunaw, tinging tagos hanggang buto, tinging 'bakit ka nandito?', tinging 'ano meron sa'yo?' at marami pang iba.

Naka-hinga lang ako nung nakita kong ngumiti yung nagpakilala sa aking president / in charge sa grupo noon. Ngingiti na rin sana ako pabalik kung hindi niya lang dinugtungan yung ngiti niya ng mga salitang "Sige, tuloy ka! Kanta ka na!"

Napa-nganga ako nang medyo matagal dahil hindi ko talaga inasahan na yun ang isasalubong niya sa akin.

Sinagot ko siya ng tanong, "Ako kakanta?"

Tumango si President, naka-ngiti na.

"Sure ka po? Gusto mo umulan? May dala kang payong?"

Bigla namang may isang choir na sumingit, akala ko sasakyan niya ako sa aking trip na mga sagot pero bigla niya lang sinabi, "Ay! Bawal 'yan dito. Talent lang ata pagsagot sagot, 'di naman talented!"

Napatingin ako dun sa nagsalita at naabutan ko pa talaga siyang nag-roll ng eyes.

Hah, Ate.

Hah, President.

Hah, St. Clare of Assisi Parish Youth Choir.

Abangan niyo 'to.

Breathe in.

Breathe out.

Breathe in.

Breathe out.

"Okay.

1...

2...

3..."

Bigla akong bumirit ng, "Sayang na sayang naaaa! Ang pag-ibig ko!"

Pumikit nalang ako kasi ayaw kong makita ang mga mukha nila habang jinujudge ako, baka kasi masaktan lang ako.

With that 'hugot' singing and feel na feel plus papikit-pikit effect, I kept on whispering to myself, "This too shall pass. Para di mapahiya yung nag-recruit sa'yo, Mary Lou! Alalahanin si Ate Lovely! All for the Lord!"

Pero, ang kinalabasan... Wala pala talaga doon yung Choir President at napag-tripan lang ako ng mga SCoAPYC. Pero vinideo na lang daw nila ako para hindi na ako kumanta ulit 'pag nandiyan na yung President. 'Yun nalang daw ipapakita.

Dahil duon sa pinaka-unang meeting ko, kasama sila, naging magaan talaga ang pakikitungo ko sa kanila, 'yung tipong akala mo sobrang banal kung titignan habang kumakanta sa misa, grabe din pala yung kakulitan na itinatago nila. Wala akong kaso doon, as long as kayang ilugar nung tao 'yung ugali niya, kung ano yung nararapat na ipakita at hindi dapat.

Dito sa third practice, malalaman ko na daw kung saan ako mapapabilang, kung sa grupo ba nila Ate Viella (Soprano) o sa grupo ba nila Ate Celine (Alto).

Niloko ko muna si Kuya Kleng bago niya sabihin kung saan ako makakasama, sabi ko sa kaniya, "Kuya! Mezzo-Soprano nalang ako! Magtatayo ako ng sariling grupo."

Pero sinagot niya lang ako ng poker face sabay sabing, "Okay, Mary Lou. 'Dun ka na lang kila Ate Celine mo. Alto ka. Nung napanood ko kasi yung nag-'viral' mong video na kumakanta, unang dinig ko palang pang-alto ka talaga."

"Ay oh! Kuya? Seryoso? No to high notes ako! Yehey! Thank you!"

"Anong no to high notes? Pakantahin kita diyan ng solo eh."

"Eh? Ayaw! Joke lang Kuya! Sana masanay ako agad at hindi ako malito 'pag may mga voicing na."

Bago matapos 'yung practice namin sa Choir, pinuntahan kami ni Father Mesa at nag-bigay ng mga kantang kakantahin daw namin para sa Holy Week, medyo na-ilang ako noong una dahil habang binibigay iyon kay Kuya Kleng, naka-tingin sa akin si Father Mesa. Mukhang may practice ulit kami bukas dahil medyo makapal ang binigay ni Father Mesa kay Kuya Kleng na lyrics at listahan na mga kanta. Mabuti nang magpaalam kila Mama at Papa nang maaga na kailangan kong maging active ulit sa Simbahan.

Against UsWhere stories live. Discover now