Chapter 2

118 6 0
                                    

'Jezer'

"Guys! Linya na, linya na, by height ha! By height! Sa harap ka na lang, Mary Lou! Ikaw na lang ang maghawak nung incense boat, sunod ka na lang doon sa mga Seminarista!"


"Sige, Kuya Angelo! Pero ngayong entrance lang ha? Kayo na 'pag-dating sa ibang parts ng misa."


Maayos naman ang naging flow ng misa, pati na rin ang kilos namin! Kaya niyo 'yan, Mary Lou! Malapit na rin naman matapos! Aja! Fighting!


Kasama ako sa mga magpa-patten, at doon pa ako kay Archbishop na-assign. Medyo nakakakaba nga pero gaya nga ng sinabi ko kanina, kaya 'yan!


Dumoble ang aking kaba, dahil kaharap ko ang isa sa mga Seminaristang dala ni Archbishop Villania sa pag-papatten.


At dahil kaharap ko siya, hindi ko maiwasan na mapatitig sa kaniyang mukha. May hitsura kasi siya!



Napadpad ang aking mga mata sa kaniyang suot na sutana, at ako'y nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa aking nakita, may nakita akong nakalagay na nameplate sa kaniyang uniform, ibig sabihin, hindi ko na kailangan tanungin ang kaniyang pangalan! Yes!



Pero ang nakalulungkot ay hindi ko mabasa ang kaniyang pangalan dahil sa liit ng pagkakalagay. Parang maraming detalye ang nakalagay roon, hindi lamang ang kaniyang pangalan. Ang kaniyang buong pangalan na maliit na inilagay na may kasamang year o taon niya na sa High School? O college? At ang pangalan ng kaniyang pinag-aaralan na school.



Unti-unti kong nilapit ang aking ulo, upang mabasa iyon, nang hindi nagpapahalata. Ninja moves!


'Jezer' iyon ata ang nakalagay, hindi ko lamang sigurado dahil nga ang pagkakalagay ay maliit, paulit-ulit ko iyong binanggit sa aking isipan, at hindi ko rin namalayan na na-estatwa ako sa aking kinatatayuan kaya ang kaniyang kamay na nagpapatten ay inaabot na rin ang linyang dapat na pinagpapattenan ko.


Pwede naman na tumayo lamang ako doon, habang tinititigan ang kaniyang perpektong panga, ang kaniyang perpektong mukha, pero siyempre hindi naman 'yon maaari, mayroon akong trabahong dapat gampanan. At ako ay nandito, dahil doon.


"Jezer!" Iyon ang aking naisigaw nang marinig ko ang umaalingawngaw na sobrang tinis na tunog ng kakalaglag lang na patten sa loob ng Simbahan.



PATAY! Nagkatinginan kami nung taong nasa harap ko gamit ang nanlaki naming mga mata, dali-dali ko namang pinulot ang aking patten at tahimik na itinuloy ang aking ginagawa, itinuloy na parang walang nangyari.

xxx

fictien: Hello and thank you simplicity_cherry18 & white-headed.

Against UsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang