Chapter 1

151 3 0
                                    


KLOA


"Magandang buhay, Knights and Ladies of the Altar! Alam niyo naman na siguro kung bakit tayo pinadiretso dito 'diba?" Nakangiting bati ni Kuya Angelo sa amin.


"Nakikinig naman kayo sa announcements and reminders na binabanggit bago matapos yung mass kanina 'diba? Isa kasi doon ang paghahandaan natin, at ano na ulit iyon," "Hmmm... Mary Lou?" Mabilis na lumipad ang tingin sa akin ng lahat ng aming mga kasamahan dito sa ministry dahil sa tanong ni Ate Dada sa akin.


"May... Ano kasi eh, magmimisa kasi dito si Archbishop Villania, tapos... Ayun! Sa unang pagkakataon pa lang iyon, tapos isasabay pa sa fiesta ng ating bayan." Ano ba iyan, sa dinami-dami namin dito, ako pa talaga ha? Ate Dada nga naman talaga.


"Oh! Ayun na nga! Magkakaroon ng misa dito si Archbishop Leo Villania, at first time 'yun! Tapos kasabay pa iyon ng ating fiesta. Kaya ngayon, pipili kami ni Kuya Angelo ninyo ng mga Altar Servers, kung sino-sino ang mga makakapag-serve. Lahat naman tayo, deserving. Pero siyempre, alam niyo na, medyo maliit ang Altar, baka hindi tayo ma-accommodate lahat. Hayaan niyo guys, kasi sa susunod na pagbalik ni Bishop, yung ibang Altar Servers din naman."


Sumang-ayon kaming lahat sa gustong mangyari ni Kuya Angelo at Ate Dada, ngunit pansin kong natagalan sila sa pamimili. Talagang pinagdidesisyunan ata nila Kuya Angelo at Ate Dada ang mga dapat gawin, mga gagalaw at kung sino ang mga mapipiling Altar Servers.


Isang malaking pribilehiyo ang makasama doon sa kanilang mga mapipili. Aba'y siyempre! Archbishop na 'yun eh! Tsaka sabay pa sa Fiesta, ito kasi yung mga sinasabing 'highlights' pagdating sa buhay Altar Server. Ang mga pagkakataong kahit 'di na ulit makapag-serve, masubukan lang iyon. The best experience sa buhay Altar Server kumbaga.


Nagsimula na silang mag-announce ng mga pangalan at laking tuwa ko nang narinig ko ang aking pangalan!




Yes! Thank God! Gusto kong magtatalon dahil sa tuwa ngunit hindi ko na rin iyon ginawa tanda na rin ng respeto sa mga hindi napiling kasamahan. Ngunit alam kong nakabakas aking mukha ang galak na aking nararamdaman.


Sa loob ng anim na taon kong pagsisilbi sa Simbahan, ngayon ko lang ito ma-eexperience, at gagawin ko ang lahat para lang maging maayos at masasabing pinaka-"the best" na performance namin ito.

Against UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora