Chapter 9

79 2 0
                                    

Chapter 9

I will be here

Ito na ang gabing pinaka-aantay ng lahat, ang Easter Vigil. The Mother of all Vigils. Magkakasama kami nila Kuya Kleng, Ate Viella at Brother Zed para daw sana makapag-praktis pa kami ng isang pasada pero umayaw naman si Ate Viella. Sabi niya'y kaya naman na daw namin iyon, at baka mapaos pa kami kung magpa-praktis pa.

"Oh sige..." Pag-sang ayon ni Brother Zed.

Napa-tingin naman ako kay Kuya Kleng at bigla niya naman akong tinanong, "Ayos ka lang ba Mary Lou? Kaya mo 'yan. Kung makalimutan mo man 'yung tono, i-chant mo na lang."

"Eh ako, Kleng? Walang 'Good luck?'" Nang-aasar na tanong ni Ate Viella, parang may napapansin ako dito sa dalawa, pero hahayaan ko na muna. Hindi ngayon ang tamang panahon upang pag-usapan ang mga ganoong bagay.

Nginitian ko na lamang sila.

"Ay, Mary Lou, diba ikaw 'yung unang responsorial? Makiramdam kang maigi ah. Huwag kang mag-madali. Tapos si Brother Zed lang ang tignan mo. Huwag masyado mag-glance sa mga ibang tao, kasi baka masyado ka lang kabahan..." Patuloy naman akong binibigyan ng advice ni Ate Viella, ramdam na ramdam kong expert na talaga siya, pagdating dito.

Maganda ang naging flow ng misa, hindi ko nga namalayan na ang binabanggit na ni Father ay ang dasal na "Let us pray..." Senyales ito na kailangan na naming umakyat sa Sanctuary kasama ang mga lector para mag-basa at kumanta.

Sabay-sabay kaming nag-bow at sa bawat rinig ko ng "The Word of the Lord" mas lalong dumo-doble ang aking kaba.

"A reading from the first book of Genesis..."

Binasa nya ito at narinig ko na ang, "The Word of the Lord."

Parang ang bilis naman matapos ng lector na ito.

Ako na ang susunod.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Nakipag-eye contact na ako kay Brother Zed nung nakarating na ako sa lectern, at narinig ko naman na tumugtog ang pamilyar na tunog ng piano na ilang araw ko ring pinag-praktisan.

Habang kinakanta ang response na "Lord send out your Spirit, and renew the face of the earth...", naka-tingin ako sa mga tao at ang mga mata nila ay nagmimistulang naka-abang. Nag-aantay ng aking pagkakamali.

Mas lalo akong kinabahan.

Inulit naman ng mga ka-choir ko ang response. At naka-tingin na ako sa mismong lectionary nito, naka-tungo. Pagkatapos nila, inangat ko ang tingin ko sa kung nasaan ang piano, at nakita ko si Brother Zed... At may isa akong namumukhaan, si Jezer.

Nag-sesenyas si Brother Zed ng naka-taas ang kaniyang hinlalaki, parang "thumbs up" ang pinapahiwatig.

Kailangan kong tapusin ito, kahit na andiyan 'yung taong nagpa-baba ng self-confidence ko.

Maayos naman ang pagkakanta ko doon sa unang line hanggang sa huli.

Ngunit hindi na ako sumusulyap sa lugar kung nasaan ang aking mga ka-choirmates. Baka may iba pa kasi akong makita.

Nag-response na ang mga ka-choirmates ko, at aantayin ko na lang sila matapos upang kantahin ulit 'yung response. At 'yun matatapos na.

Natapos nga.

Pero may sablay.

Pumiyok ako, kung saan 'yung huli na.

Nakaka-hiya.

Ako pa naman 'yung pinaka-una, tapos susundan ni Ate Viella, na napaka-expert na? Nakakatakot. Nakakahiya. Alam ko ako'y mapapagalitan. Alam ko ako'y mapapag-sabihan. Tanggap na tanggap ko naman na 'yun. Pero hindi ko na ata kakayanin na maalis dito sa grupong ito... Dito sa parokyang ito...

Tulala ako hanggang sa matapos ang misa, hindi ko nga namalayan na nag-papalakpakan na ang tao, at nag-babatian na ng 'Happy Easter'.

Nginitian ako ng mga katabi ko, at binati rin nila ako. Ngunit wala akong maisukli. Easter Sunday na Easter Sunday, Biyernes Santo pa rin ang mukha ko.

Nag-takip ako ng mukha at dali-daling tumakbo palabas ng simbahan.

Gusto kong mapag-isa. Maglalakad-lakad na lang ako, nang kahit papaano mabawasan ang sakit at bigat na aking nararamdaman.

Ang sakit sa dibdib. Ilang beses akong nasabihan ng 'Ang galing galing mo talaga', 'Kaya mo 'yan!', at iba pang mga mabubuting salita. Pero wala eh, ito ang naisukli ko sa tiwalang ibinigay nila sa akin, isa lang ang dapat na sisihin dito, wala nang iba.

Ako 'yun.

Ako ang dapat na sisihin.

Bakit kaya sa tuwing may pinapagawa sa akin na isang napa-kalaking bagay, lagi akong pumapalya? Ganun na ba talaga ako ka-tanga? O ang careless careless ko lang talaga?

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. Pero nung tumingin ako sa taas, parang nabuhayan ang loob ko. Nag-ninining ang mga bituin, taliwas sa kung ano man ang pinapakita ko sa lugar na ito.

Openfield ang lugar na ito, ang sarap gumulong. Ang sarap sumigaw. Ang sarap ilabas lahat ng bigat ng damdamin.

"Waaah! Ayoko na! Inis na inis na ako sa sarili ko!"

"LORD! Bakit?! Alam ko pong wala akong karapatang tanungin ka kung ba't nangyayari ang mga bagay-bagay na ito, pero bakit sa tuwing may gagawin akong makabuluhan at napaka-importante sa simbahan, laging epic? Laging fail?"

"LORD, hindi po ba sa akin ang pag-seserve na ito? Mayroon pa bang ibang paraan, para mapag-silbihan ka? Teach me your ways, Lord! I will always be listening."

Napa-luhod ako at napahagulgol sa may damuhan.

Grabeng breakdown ito.

"LORD, I hope you will give me enough strength, to face all of them. Enough time, to make it all right... And a right person to lean on, while I face this suffering."

That's what I shouted with all the strength that I have. At saka ako humiga sa damuhan. Bago ako pumikit, may narinig akong nag-salita.

"Don't worry, I will be here..."

Against UsWhere stories live. Discover now