Chapter 3

129 9 1
                                    

Chapter 3

Careless

Sa loob ng anim na taon kong pagsisilbi dito sa simbahan, ngayon lang ito nangyari sa akin. Marami na akong nasaksihan na ganung pangyayari; marami nang kasamahang nakasubok. At simula pa lang, mga panahong bago pa lang ako rito, binuksan ko na ang aking isipan na maaring masubukan ko rin iyon.

Ngunit ang hindi ko lamang napag-handaan at matanggap, ay sa ganitong selebrasyon pa nangyari.

Ilang ulit nang nangyari ang mga eksenang ganito...Mapagsasabihan lang naman na mag-ingat at mag-focus ang bawat isa sa amin sa bawat galaw na aming ginagawa. Pero sa pagkakataong ito, iba.

Napaka-importanteng pagdiriwang, samahan mo pa ng napaka-importanteng mga tao, iba talaga ang maabot ko.

Hindi ko mapaghandaan, dahil hindi ko talaga alam kung paano ko haharapin sila Ate Dada, Kuya Angelo, si Bishop, lalong lalo na si Father.

Ang hindi ko lang masabi ay kung bakit iyon nangyari? Bakit ngayon pa? Bakit sa ganito pa?

Siguro, dahil nawala ako sa focus, o di kaya nadulas sa aking kamay 'yung patten na hawak ko, o pwede rin namang dahil sa hitsura noong taong kaharap ko.

Na hindi naman maaari. Tatanggapin ko ang kahit anong rason maliban lang doon sa rason na nasa dulo. Hindi iyon maaari, hindi iyon katanggap-tanggap.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, tulala ako at pinipilit kong mag-isip dahil hindi ko talaga alam kung ano ang haharapin ko, kung paano sila haharapin.

Bago ko pa marinig ang mga kung ano-anong salita mula kina Kuya Angelo, Ate Dada, o maging mga salita na magmumula kay Father, uunahan ko na sila. Uunahan ko nang papagalitan yung sarili ko.

Alam ko sa sarili ko, na ngayon, makakarinig ako ng salitang... Hindi ko inaasahan.

Hindi ko na nagawang makalapit kay Archbishop Villania pagkatapos ng misa, mahalikan ang singsing niya at makapag-bless, 'yong mga dapat gawin kung makikita mo ang isang Archbishop. Nakakahiya dahil sa kaniya pamandin ako nag-patten.

Dumaan lang ng dumaan ang aking mga kasamahan sa harapan ko, kasama ang pagtitig sa akin ng sobrang sama.

At least, nakabalik na si Ate Macey, nandito na ang best friend ko na isang taon lang naman ang aming agwat at alam kong siya lang ang tao na makakapag-palubag ng loob ko.

Kahit na hindi siya nakapag-serve ngayon, paniguradong kasama rin siya sa mga mapapagalitan. Dahil parte pa rin naman siya ng aming ministry, nagbakasyon nga lang siya.

Dumiretso kami sa aming office upang makapag-usap, ang dapat na selebrasyon namin na gaganapin pagkatapos ng misa kasama si Father at iba pa, ay naudlot na.

Rinig na rinig ko ang paghila ng upuan ng mga kasamahan ko upang ilipat ang kanilang upuan sa ibang puwesto. Tila ayaw nila akong tabihan, pero ayos lang 'yon, ayaw ko rin namang madamay sila sa kung ano man ang ibabato sa akin.

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa aming tanggapan, nabasag lamang iyon nang pumasok si Father, kasama si Kuya Angelo, at ang tatlong bitbit ni Archbishop Leo na seminarista.

Walang gana namin silang binati. Alam naman na namin ang kahihitnatnan namin. Ba't pa kailangang maging masaya?

"Unang-una sa lahat, salamat dahil maganda ang inyong ipinagsalubong sa amin, kitang-kita naman namin 'yun, base sa ipinakita ninyo sa misa, sa aming pagdating, at napakaganda ng inyong selebrasyon." Nagawa pang ngumiti ni Jezer, na nakasabit pa rin ang kaniyang nameplate sa kaniyang uniporme, hindi kagaya nung iba niyang mga kasama na inalis na iyon.

"Best! You're safe," Nginitian naman ako ni Ate Macey.

Hindi na ako aangal diyan sa kaniyang sinabi, mas matagal ako dito sa aming ministry at siya ay halos mag-iisang taon pa lamang. Baka may mga bagay pa siyang hindi nalalaman dito sa aming ministry, at kabilang na ito doon.

Nagpatuloy naman kami sa pakikinig kay Jezer, at napag-alaman naming na napag-utusan lang pala siyang basahin ang mensahe ni Archbishop Villania sa amin.

Hanggang sa naabot niya ang puntong, " 'Yan po 'yung pinapasabi ni Archbishop, kaya ipagpatuloy lang po natin ang ating ginagawa, ako nga po pala si Jezer dela Vega." Oh, tama Jezer. Jezer nga ang kaniyang pangalan.

"At may gusto naman akong ibilin sa inyo, kung maulit man ang pangyayaring ganun, pwede kayong sumigaw, basta huwag lang ang aking pangalan." Siya ay ngumisi at lumipad naman ang tingin ng aking mga kasamahan sa banda kung nasaan ako.

"Nga pala! Muntik ko nang makalimutan, Miss, sorry sa aking salitang gagamitin, pasensiya na kung masasabi ko ito, napaka-careless mo kasi."

Kahihiyan. Dumobleng kahihiyan. At alam ko, alam ko. Huwag kang iiyak, Mary Lou. Huwag kang iiyak. Nakakainis dahil sa panahong ganito, sarili mo lang talaga yung kadamay mo, sabihin nating mayroon nga tayong mga kaibigan, ngunit ibang iba pa rin iyong sarili nating nararamdaman. Direkta sa atin eh, direkta sa akin.

"Oh, may katanungan ba kayo?" Pagwawala ni Jezer sa pinag-uusapan.

Narinig ko naman ang mumunting tawa mula sa likod, 'tila may gusto silang itanong na hindi nila masabi. Kaya 'yun ang sanhi ng kanilang pag-tawa.

Nagulat kami ng biglang tumayo si Pierre, na tinatawag rin naming Cherry Pie, iyong baklang observer na kasa-kasama nung batang kanina'y tumatawa na ngayon ay namumula na.

"Uy, kasi upo ka na, joke lang naman 'yun eh." Nagmamakaawa na sabi nung kaniyang katabi.

"Hindi! Itutuloy ko ito! Kuya Jezer! Kuya Jezer!"

"Hmmm?"

"Ano po, ako po si Pierre, at may gusto pong tanungin 'yong katabi ko, at hindi niya po masabi. Mahiyain po, kaya tila kamatis na 'yung mukha niya..." Patigil-tigil siya kung magsalita dahil tatawa-tawa siya.

"... Kuya Jezer, may girlfriend po ba kayo?" tumatawa tawa pang sambit ni Cherry Pie.

"Ano ba! Magsitahimik nga kayong lahat! Parang hindi mga Sacristan itong kaharap ko! Aba! May lakas pa nang loob na magtanong ng ganiyan, eh alam naman nilang magpapari ang kaharap nila!"

"Eh, ikaw parang hindi pari." Bulong-bulong naman ni Ate Macey na nasa gilid ko.

"Oh! Madam Macey! I-share niyo naman 'yang pinag-uusapan ninyo ng katabi mong nanlalaglag ng patten! Tsk tsk."

Sa loob ng anim taon kong pagiging Sacristan, ganun din kahaba ang pakikisalamuha namin sa mga tao dito, mapa-simbahan man o kumbento. At ibang-ibang Father Romano ang kaharap namin.

Kung ano ano na ang sinasabi niya at hindi mo 'yun maintindihan dahil napaka-haba at paulit-ulit naman.

Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon, iiwan ko na ba itong ministry?

Dahil alam kong, magbabago ang pakikitungo ng mga tao sa akin dito.

xxx

fictien: Sorry sa medyo mabagal na update, salamat sa pag-aantay. 

Tuloy ang storya o hindi? :)

Against UsWhere stories live. Discover now