CHAPTER 38 - THE BOOK

Magsimula sa umpisa
                                    

"Samahan mo ako sa mall." Sabi niya sabay crossarms ulit. Walanghiya tong asungot na to! Balak pa ata akong gawing bodyguard o tagabuhat ng mga pinamili niya ehh! Pero syempre, ayoko. Dahil unang-una, tinatamad ako. Pangalawa, inaantok ako at gusto kong matulog. At pangatlo, ayoko ngang kasama itong asungot na ito na siniraan yung best friend ko. Hayyy.

"ANO!? Sabi mo kanina may klase pa ako diba??? Tapos yayayain mo ako mag-mall???" No way. At pagkatapos ko sabihin yun ehh tumalikod na ako at akmang aalis pero iniharap niya ulit ako sa kanya tapos hinawakan ulit yung kwelyo ko. Seriously!? Pangalawang beses na ito ah! Sino ba siya sa inaakala niya!? Malulukot yung damit ko dahil sa ginagawa niya ehhh! Ugh! Nakakaasar siya!!! "AHHHHHHHH!!!"

Parang wala siyang narinig dahil hindi pa niya binibitawan yung kwelyo ko tapos patuloy pa siya sa pagkaladkad sa akin papunta sa hindi ko alam kung saan. Nakakahiya tuloy. Nako po. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid pero parang wala lang yun sa kanya. Nakangisi pa nga ang asungot eh. Tae! Sigurado akong pagtatawanan ako g mga kaibigan ko kapag nakita nila ako sa ganitong kondisyon. Wag lang silang magpapakita oh pleaseeeeeeee. Sana ehh nasa classroom na sila ngayon.

 

"Wag ka nang umangal. Sasama ka sa ayaw o sa gusto mo." At talagang ngiting-ngiti ang asungot. Bwisit! Humanda ka! Sinisigurado kong pagkatapos ng araw na ito ehh isusumpa mong hinding-hindi ka na lalapit sa akin! Bwisit! Bwisit ka talaga!!!

**********

JAM'S POV

"Wag ka nang umangal. Sasama ka sa ayaw o sa gusto mo." Sigurado akong isinusumpa na ako nitong si Jason sa sobrang inis sa akin. Pero pakialam ko? Minsan ko lang ma-under itong gunggong na ito kaya sasamantalahin ko na. Ang sarap pala sa feeling na pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa mga pinaggagagawa ko sa kanya. Okay lang yan, minsan lang naman mapahiya ang isang Jason Laurino. Swerte ko lang at ako ang kauna-unahang nakagawa nito sa kanya! What an achievement! Nakakatuwa talaga. At hinding-hindi ko bibitawan ang kwenly niya hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan. Hindi ko hahayaang makawala pa itong gunggong na ito noh! Wag niya akong susupladuhan, dahil mas suplada ako sa kanya. Hahah! Siguro iniisip niya na I am such a bitch, well, okay lang, aminado naman ako eh. Hahahah! I know this day would be fun!

Don't get me wrong okay? I am not in love with Jason Laurino. Sadyang interesado lang ako sa kanya. Gusto ko lang mag-enjoy sa buhay, is all. At gusto niyo malaman kung paano mag-enjoy ang isang Jam Reyes? Simple lang, ang pagselosin si Celyn na girlfriend ngayon ni Dane. I am a bitch, kaya alam ko kung anong feelings meron si Celyn para kay Jason and since inagaw niya sa akin si Dane, aagawin ko rin sa kanya lahat-lahat ng pwede kong maagaw. Hindi ako yung tipong basta-basta na lang sumusuko. Hindi ako papatalo. I always get what I want. Yan si Jam Reyes. Bitch? Yes, I am a bitch. Ilang beses niyo pa ba gustong marinig na isa akong bitch??? Ang sarap kaya pakinggan. Hahahahahahah!

Wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumama sa akin. At kagaya nga ng sinabi ko, nang makasakay na kami sa sasakyan ehh binitawan ko na siya.Todo ayos naman siya sa damit niya. Hahahaha. "Ughhhh! Nalukot na tuloy itong damit ko!!!"

Akmang akong lumapit sa kanya. Yung sobrang lapit tapos hinawakan ko yung pisngi niya gamit yung point finger ko pababa sa chin niya, pababa nang pababa hanggang sa...leeg. Oo, grabe naman noh. Leeg lang muna! Chos! Ehem. Late na yung mas sensual. Bwahahahahah! Sinasabi ko na nga ba. Today I'll have so much fun!

COLLEGE LOVE STORY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon