Chapter 19: Stupid Life

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uh- sige... ano? Balik na tayo sa condo mo?" tanong ng kuya niya.

Tumango nalang siya na parang wala na siyang ganang mag-libot.

"Okay... sorry, girls but we have to go." sabi ng kuya nila.

"Okay! See you again soon!" sabi ni Kyla.

Si Heidi naman nakangiti lang.

"Sige, malapit na din naman na kaming umuwi eh, see you next time nalang." mahinhin kong sabi.
Sabay ngiti.

Nginitian nila kami...

"Bye!" sigaw ni Dwayne bago sila lumakad paalis.

Si Jake...

Wala paring kahit anong emosyon ang mukha niya.

Teka, bakit ba alalang alala ako sa kaniya? Dahil ba pareho kami ng mga pinag-dadaanan?

"Uy! Jamie! Kanina ka pa tulala diyan, ano bang iniisip mo? Tara na nga..." natatawang sabi ni Heidi.

Teka, bakit nag-bago ang aura niya? Kanina ang lungkot lungkot niya tapos ngayon natatawa na siya... ano kaya yun?

Sumunod na ako sa kanila...

"Ate, may gusto ka na kay kuya Jake noh?" pang-iinis ni Kyla.

"Anong pinagsasasabi mo diyan? Tumigil ka nga." pag-tataray ko.

"Wushuu! Kunyari ka pa, aminin mo na kasi na nagugustuhan mo na si kuya Jake." pang-aasar niya.

Talagang gusto niya akong inisin ah..

"FYI, hindi ko siya gusto. Baka ikaw yun" mataray kong sabi.

"Oo, crush ko siya, diba fan girl niya din ako? Kaming dalawa ni ate Heidi, diba ate Heidi?" aba! Humanap pa talaga siya ng kakampi.

"So what?" mataray kong sabi.

Natatawa si Heidi sa aming dalawa, madalas kasi kaming nag-iinisan.

"Tara na nga, kayong dalawa talaga oh." natatawang sabi ni Heidi.

Parang siya ang pinaka ate namin dahil siya ang pinaka matanda, pero madalas mas isip bata pa siya kaysa sa akin, haha!

Lumakad na kami habang nag-iinisan parin kami ni Kyla.

=x=x=x JAKE x=x=x=

"Uy, sabi nga pala ni Mariel kanina, gusto niya din daw ako." masayang sabi ni Dwayne habang nag-lalakad kami papunta sa kotse ni kuya.

"Oh, so? Kayo na?" nakangiting tanong ni kuya.

Napangiti si Dwayne.

"Hindi pa, pero balak ko na talaga siyang ligawan." sabi niya.

Tahimik lang ako habang nag-uusap sila, iniisip ko kasi si dad.

Nilagpasan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala. Namuo ang galit sa puso ko, sasabihin ko pa ba kila kuya na nakita ko siya?

Pumasok na kami sa sasakyan ni kuya hindi parin sila tumitigil sa pag-uusap, ang tagal na din kasi naming hindi nag-kikita. Masaya na sana ako pero... nung nakita ko talaga si dad...

Aish! Sana hindi ko nalang siya sinundan.

"Jake? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." pag-aalala ni kuya.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon