Chapter 34

2.8K 51 0
                                    



"Meron akong nahanap na home study program. Special course dahil sa online lang. Hindi ko kailangang pumunta sa school. Medyo may kamahalan ang tuition fees pero sulit naman dahil iaakma sa bilis o bagal kong mag-study."

"I see. Modern na pala talaga ngayon, ano? Hmm, ano kaya kung mag-world tour naman kami ni Dina?"Ang tinukoy ay ang kasambahay na mahigit limampung taon nang kasama.

Brilliant! Maganda ang ideyang naisip mo, Tita Ana. Pihong matutuwa siya. Mas maiging asikasuhin n'yo na ang traveling papers n'yong dalawa. Ikuha n'yo na agad ng passport si Aling Dina."

"Oo nga. Ipapaasikaso ko na nga agad 'yan sa sekretarya ko."

"Good. Puwede po makisabay ng kaunting pabor, Tita?"

"Sure. What is it, iha?"

"Gusto ko sanang padalhan n'yo ako ng buong wardrobe ng mother-and-baby teddy bears na idinisenyo ko."

"Alin doon?"

"Yung mayroong malaking 'S' sa front ng baby teddy bear."

"A, oo. Isa sa mga bestsellers 'yon, a? Baka ubos na ang stocks."

"Kahit hindi po makumpleto ang isang set, paki-ipon n'yo na lang po ang mga natirang items. Ipapa-courier po papunta dito. Baka bukas ko maibigay ang address."

"Okey. Tatawagin ko na agad ang secretary ko ngayon. Anything else, iha?"

"Wala na po muna sa ngayon. Salamat po, Tita Ana."

"It's nothing. Basta palagi ka lang mag-iingat d'yan. Huwag ka nang magpapalipas ng gutom, ha?"

"Hindi na po talaga."Palaging nasa top priority ni Mia ngayon ang mga healthy foods. At healthy habits. Hindi na siya magpupuyat. "Babay na po. Tawag po uli ako bukas."

"Okey. Babay."

Eksaktong sumapit ang alas sais ng gabi, pumasok ang approval email ng isa sa mga unibersidad na nagbigay ng online entrance examinations sa kanya kanina.

Hihintayin niya ang response ng ikalawang unibersidad hanggang bukas ng umaga.

Matapos mag-shut down ng laptop, nagtimpla siya ng isang basong gatas at dinala sa loob ng banyo. Sinimsim niya ang mainit-init na likido at kumain siya ng ilang pirasong crackers habang nag-iipon ng tubig sa bath tub.

Matagal siyang nagbabad sa maligamgam na tubig at mabangong bula para ma-relaks ang mga kalamnan. Pumikit siya at pinilit na mag-isip ng mga magaganda at masasayang bagay.

"Kakayanin natin ang lahat ng mga pagsubok kahit tayong dalawa lang, Baby." Hinimas ng mga palad ni Mia ang tiyan na pipis pa.

Nakatulog uli siya nang mahimbing.

Kinabukasan, habang nag-a-almusal ng gatas at crackers uli, nag-enrol si Mia sa unang unibersidad na nagpadala ng verdict. Ginamit niya ang credit card kaya inabot lang ng ilang minuto ang proseso.

Matapos mag-shower, nag-ayos na siya ng sarili para sa pagpunta sa ob-gyne clinic. Isinuot niya ang maluwang na blusa at garterized na slacks para kumportable. Mababa lang ang takong ng sandalyas niya.

Nagpahatid siya sa taksi sa pinakamalapit na private ospital. Dahil maaga pa, kaunti pa lamang ang mga pasyenteng nakapila kaya madali siyang naasikaso.

"Congratulations, Miss Samonte. You have a healthy body. Kaunting ingat lang palagi, everyday na pag-inom ng vitamins, at regular monthly check-up – garantisadong magiging okey na okey ang baby mo."


"Thank you, Doctora."Hindi pa rin makapaniwala si Mia. Almost six weeks pa lang ang baby niya, ayon sa computation ng doktora. Hindi pa halata pero dapat nang mag-ingat sa pagkilos.

"Tuloy pa rin ang exercise pero huwag nang sobrang strenuous para hindi mapuwersa ang katawan mo. Puwede pakonti-konting wine. No smoking. And, of course, no drugs."

"Of course!" Medyo napabulalas si Mia. Hindi siya kailanman nakaisip sumubok manigarilyo at lalo na ang tumikim ng kahit na anong droga.

"Very good. You'll be a good mother, Miss Samonte."

Kunwari'y hindi naaapektuhan si Mia sa tuwing mababanggit ang 'Miss Samonte'. Ngunit hindi naman niya gustong magsinungaling, lalo't baka naririnig na siya ng magiging baby. Hindi na naman stigma ang maging single mother ngayon.

"My number is on the prescription paper. Call me anytime you need answers to any pregnancy questions."

"Yes, I'll keep that in mind. Thank you once again."

"Well, that's all for now. See you next month!"

"Yes. Nandito po uli ako next month."Halos wala nang maisip sabihin si Mia dahil sa sobrang kaligayahang umaapaw sa kanyang kalooban.

Mula sa ospital, dumiretso siya sa shopping mall. Sa department store naman siya namili. Kailangan niya ng maluluwang na damit para palaging presko at kumportable ang pakiramdam.

Pinuwersa niya ang sariling umiwas sa baby section. Uunti-untiin niya ang pagbili sa mga munting damit at mga gamit ng sanggol. Nanamnamin niya ang saya.

Napapangiti si Mia sa sarili nang may marinig na pamilyar na boses.

"Well, look who's here! Akala ko ba bumalik ka na sa lunggang pinagmulan mo?"

"Miss Alexa..." Iyon lang ang nagawang sambitin ni Mia nang makaharap ang babaeng nakapameywang habang nakatingin nang paismid sa kanya.

"Sagutin mo nga ang tanong ko, Miss Promdi. Kulang ba ang pamasahe mo pauwi sa bundok na pinanggalingan mo kaya nandito ka pa sa Manila?"

Bahagyang namula ang mga pisngi ni Mia nang mapuna ang paglinga sa kanila ng mga tao sa paligid. Mabuti na lang, sobrang aga pa kaya madalang pa ang mga kustomer sa department store.

"Please, don't make a scene, Miss Alexa."

"Aba, mabuti naman at marunong kang mapahiya." Lalong inilakas ng babae ang pagsasalita nang mataray. "Magkano ba ang ticket sa eroplano? Ako na ang bibili para sa 'yo."

"Excuse me. I have to go."Minabuti na lang niyang umiwas na kaysa hintayin pang lumaki ang gulo. Tila nakahandang magwala si Alexa.

"Kinakausap pa kita, yaya!"Mariin ang pagsambit sa katagang 'yaya', sabay padaklot na hinawakan ang isang braso ni Mia.

"You're hurting me, Miss Alexa." Bumaon ang mahahabang kuko sa malambot na parte ng bisig niya pero hindi siya nagpumiglas. Tiningnan lang niya nang diretso ang babae.

Ngayon lang napagmasdan ni Lara nang malapitan ang mukha ni Alexa. Gumanda lang pala dahil sa makapal na pahid ng make-up. Tila medyo banlag ang mga matang malalaki. Ang ilong ay masyadong matulis. Ang bibig ay makipot pero tila maga. Hindi siya magugulat kung tinurukan lang ng gamot kaya mapintog ang mga labi.

........................................................................................................................................................................

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon