Chapter 18

3.2K 59 2
                                    




Kapwa sila hinihingal nang matapos ang maalab na pagtatagis ng kanilang mga damdamin.

"I want you, woman. I've been wanting you for so long." Pagaril ang pagtatapat ni Idan habang pinagagapang sa leeg ni Mia ang mapusok na bibig.

Nagsimulang bumigat ang mga talukap ng mga mata niya hanggang sa tuluyang napapikit. Hindi na siya dumilat nang maramdaman ang pagdausdos ng roba pabagsak sa sahig. Kusang pumulupot ang mga braso niya sa palibot ng leeg ng kaniig.

Nakalatag na sa kama ang likod ni Mia nang muling magsalita si Idan.

"Look at me, love. I want to see if you're sure..."

Kusang nagmulat ang mga mata ni Mia. Nakatunghay sa kanya ang lalaki. Nakalantad ang mga balikat na malapad at ang dibdib na makinis. Namula ang mga pisngi niya nang maramdamang pareho silang walang suot na saplot.

"I'm very sure, Idan," bulong niya. Para patunayan ang sinabi, sinapo ng mga palad niya ang likod ng ulo ng lalaki at hinapit palapit hanggang sa maghinang muli ang kanilang mga labi.

"I need you, love."

"Take me. I'm yours."

Wala nang maraming salita ang kailangan para tuluyang makumbinsi si Idan. Hindi na naampat ang lagablab na nililikha ng bawat halik at haplos sa kanyang katawan. Ginaya ni Mia ang lahat ng mga ginagawa ng lalaking nakatakdang maging lover.

Sumisidhi ang luwalhating nadarama niya sa tuwing naririnig ang mahinang pag-ungol ng lalaki dahil nabibigyan niya ng kasiyahan.

Naudlot sandali ang kabaliwan ni Mia nang balutin ng lamig ang hubad na balat dahil lumayo ang init ni Idan.

"I-idan...?"Pinilit niyang imulat ang mga matang parang inaantok para hanapin ang lalaki.

"Wait for a second, love."Isang hugis kuwadradong foil packet ang kinuha ni Idan sa bulsa ng robang dinampot sa sahig.

Pumikit na lang uli si Mia nang makita ang malinaw at manipis na protective rubber. Bukod sa napahiya, parang may namatay na isang sikretong pangarap sa likod ng utak niya...

"Here I am again," anas ni Idan habang muling sinasakop ng matipunong katawan ang kalambutan niya.

Muling idinuyan ng maiinit na halik ang kamalayan ni Mia. Ngunit nabawasan ang nakakahibang na mga sensasyon nang punitin ng isang matalas na hapdi ang delikanteng kalamnan niya.

Pero dahil inaasahan nang masasaktan, kinagat niya ang gilid ng isang palad para maimpit ang pagdaing.

Ayaw niyang madiskubre ng katalik ang pagiging inosente. Para bang nahuhulaan niyang hindi ikatutuwa ni Idan ang isang mahalagang bagay na iningatan nang husto...

Nakapikit nang mariin si Mia at pigil-pigil ang paghinga habang patuloy ang masuyong pag-angkin ni Idan sa kanyang katawan. Tila nararamdaman ang tensiyon niya dahil marahan lang ang bawat pag-indayog. Para bang nakikiramdam.

"Relax, love," bulong ng lalaki habang inaalayan ng mga mumunting halik ang mga mata, pisngi, at bibig niya.

"S-sorry..." Pinilit lunukin ni Mia ang nakabara sa lalamunan para makapagsalita.

"Say my name, love."

"I-idan..." Pinilit rin niyang imulat uli ang mga mata nang maramdamang huminto ang pag-inog ng munting daigdig nila.


"Ako lang ba ang nakikita mo ngayon, Mia?" Seryoso ang tanong ni Idan habang nakatitig nang tuwid sa kanya. Gumiti ang mga butil ng pawis sa intelihenteng noo dahil sa sobrang pagtitimpi.

"I-ikaw lang... Bakit — ?"

"Gusto ko lang masigurong hindi natin kasama si Jerome ngayon. Naiisip mo ba siya ngayon, Mia?"

"Oh, Idan!" Hindi alam ni Mia kung ano ang dapat maramdaman nang mapagtantong nagseselos si Idan. "Of course not!"

"I'm glad." Sinapo ng dalawang palad ang mga pisngi ni Mia bago sinisid ng maalab na halik ang mga labi niya.

Parang muling nagsimula ang yugto ng mainit na pagtatalik. Nawala na ang kirot. Nagbalik na ang mga sensasyong makatunaw-buto. Nang magpatuloy ang pag-angkin ni Idan, wala nang naging sagabal para isuko ni Mia ang buong sarili.

Nang sabay silang ibinulusok sa isang matayog na kasukdulan, niyakap nila nang mahigpit ang isa't isa. Nayanig ang buong pagkatao ni Mia. Parang may nag-alis ng piring sa kanyang mga mata. Parang ngayon lang niya nakita ang matitingkad na kulay ng daigdig. Parang ngayon lang siya nagkamalay magmula nung isilang.

Hindi na siya inosente...

Luminga si Mia sa lalaking nakahiga sa tabi niya. Nakapikit si Idan. Bahagyang nakabuka ang bibig dahil hinihingal pa. Nakapatong ang isang braso sa noo at nalambungan ng anino ang mukha kaya hindi niya mabasa ang ekspresyon.

Tanging ang lampshade na lang ang nakasindi kaya malamlam ang liwanag sa palibot ng silid. Ni hindi niya namalayang na-switch off ang ilaw sa kisame.

"Idan?Nag-alala si Mia nang magsimulang humaba ang katahimikan. Nabigyan ba niya ng kasiyahan ang bagong lover?

"Were you a – ?"Saka lang luminga sa kanya ang lalaki. Tila bahagyang nakakunot ang noo. Ang mga mata ay tila nagtataka. "No, never mind. Please, excuse me." Maliksing bumangon si Idan. Dinampot ang roba at isinuot habang maliksing lumalakad patungo sa banyo.

Ibinangon ni Mia ang sarili kahit parang sumasakit ang iba't ibang bahagi ng katawan. Dumukot siya ng nightshirt sa katabing drawer at isinuot bago tumindig. Dinadampot niya ang sariling roba sa sahig nang bumalik sa silid ang lalaki. Parang ipu-ipo nang lumapit sa kama para haklitin ang manipis na kumot na ginulo ng mga katawan nila.

Napasinghap ang dalaga nang lumantad ang matingkad na mantsang kulay pula sa kubrekamang kulay puti.

"You're a virgin!" Napabulalas si Idan. Parang hindi pa rin makapaniwala.

"Y-yes..."Niyapos ni Mia ang hawak na roba kahit hindi sapat na pansalag iyon sa panunumbat na singtalas ng balaraw. Hindi rin niya maikawala ang mga mata sa mga titig na nang-uusig.

"What do you expect to receive in exchange to your damned virginity gift?"Malumanay ang tono ni Idan pero ang bawat kataga ay sarkastiko.

Hindi makapagsalita si Mia. Wala siyang mahanap na sagot sa loob ng nalalabuang isipan.

"Sinadya mong ilihim ang pagiging inosente mo, hindi ba?"

Napilitang tumango ang dalaga.

"Ano ang plano mong gawin?"

"W-wala..." Ipinilig niya ang ulo bago huminga nang malalim. "G-gusto mo ba akong umalis?"

"No."Walang gatol ang tugon ni Idan."Hindi puwedeng maapektuhan si Bella."

"S-salamat..." Yumuko siya bago muling nagsalita. "E-excuse me..." Hindi na siya naghintay ng tugon. Nagdumali na siyang humakbang patungo sa banyo.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon