Chapter 13

2.9K 55 0
                                    




Hindi na namalayan ng dalaga ang pagtatapos ng misa pero napukaw ang pansin niya ng matinis na awitan ng mga ibon sa hardin at sa bubungan ng simbahan. Parang nagising mula sa pagkakahimbing ang pakiramdam ni Mia dahil medyo kumakalam na ang sikmura niya.


Sumakay uli siya sa taksi para magpahatid sa MOA, o Mall of Asia. Pumasok siya sa fastfood restaurant na paborito ni Bella. Kinain niya ang paboritong pagkain ng bata habang patuloy na nag-iisip.

Ano ang gagawin niya? Kagabi, buo na ang desisyon niyang tanggapin ang mistress proposal ni Idan.

Pero kaninang nasaksihan niya ang bangis ng lalaki, parang natatakot na siya. Ang pagdududa ng walang basehan ay palatandaan ng kawalan ng pagtitiwala. Parang walang pag-asang magkaroon ng pagmamahalan...


Ngunit may bago ba sa sitwasyon kanina? Mula pa sa umpisa, wala nang tiwala sa kanya si Idan.

Napabuntonghininga uli si Mia nang maalala ang madilim na reaksiyon ni Idan pagkakita kay Bella habang nakayakap sa kanya.

Ngayon ay natiyak niyang hindi si Karlo ang pinagseselosan ng lalaki. Ayaw ng ama na mapalapit at mahulog ang loob ng anak sa yayang pansamantala lang.

Lalong sumikip ang dibdib ni Mia sa napagtanto. Pero tama naman ang gusto ni Idan. Mas maiging magkaroon ng limitasyon ang pagyabong ng relasyon sa pagitan nila ni Bella.

Hindi sila masasaktan nang husto kapag naghiwalay na ang mga buhay nila.

Medyo tuliro pa din si Mia nang magsimulang mag-stroll sa mall. Kusang humihinto ang mga paa niya kapag napapatapat sa mga tindahan ng laruan at pambatang kagamitan.

Napahanga siya sa isang white frock na nakasuot sa isang batang babaeng manikin. Pihong babagay kay Bella. Gusto sana niyang bilhin ang damit pero nakapagpigil siya.

Ngunit nawala ang kontrol ni Mia nang makita ang isang malaking teddy bear na naka-display sa harap ng isang toy store.

Siya mismo ang nagbinyag ng mga pangalang: Mama Bear and Baby bear sa over-sized na stuff toy.

Siya rin kasi ang nagdisenyo sa laruan. Pinalaki lang naman niya ang paboritong regalo ng mga magulang nung bata pa siya. At dahil malapit nang mag-asawa, idinagdag niya ang munting teddy bear.

"Hello, ma'am. Naka-sale na po 'yang mommy-and-baby teddy bear. Gusto n'yo pong makita? Isang grasyosang saleslady ang lumapit kay Mia. Napuna agad ang interes niya sa display window.

"Gusto ko nga silang bilhin,"sang-ayon ni Mia.

"Pasok po tayo sa loob. Nag-iisa na po 'yan kaya napakalaki ng discount na makukuha n'yo."

Hindi napigil ni Mia ang mapangiti nang muling mahawakan ang malambot na laruan. Imported ang karamihan sa mga materyales kaya mataas ang kalidad.

Matibay rin ang pagkakayari kaya safe na maging laruan ng mga bata. Wala sa loob na hinaplos ng mga daliri niya ang ginintuang letrang 's' na nakadikit sa harap ng jumper ng munting teddy bear.

"Hindi po basta-basta naalis ang kahit na anong accessories ng teddy bear na ito, ma'am. Pang-export po kasi ang quality."

"Oo nga."Mas natural na ang ngiti ni Mia.

Tumataba kasi ang puso niya sa mga papuring tinatanggap ng isa sa mga likha niya. "Sige, bibilhin ko na sila."


"Cash po ba o credit?"

"Magkano ba ang price?"Nag-alangan si Mia dahil baka kulang ang dalang cash. Hindi pa niya nabuksan ang pay envelope.

May kamahalan pa rin ang presyong sinambit ng saleslady kahit malaki na ang diskwento. Nagpasiya si Mia na gamitin na ang credit card na nakasiksik sa loob ng wallet.

"Ma'am, kung may pupuntahan pa po kayo, puwede n'yo pong iwanan dito sa baggage. Heto po ang claim stub para sa pagkuha n'yo mamaya." Nag-suggest ang saleslady nang matapos na ang transaksiyon.

"Salamat." Talagang bilib na si Mia sa pagiging thoughtful ng empleyada.

"You're welcome po, ma'am."

Mas magaan na ang mga hakbang ni Mia nang magpatuloy sa pag-i-stroll. Nakapamili na siya ng ilang personal na bagay nang mapadaan sa mga posters ng mga pelikula. Naisipan niyang manood ng sine para makapag-relax.


Medyo nailang ang dalaga nang maaninag sa dilim ang mga parehang magkayapos habang nanonood sa malaking screen. Siya lang yata ang nag-iisa. Niyapos na lang niya ang shoulder bag na pinatambok na ng mga pinamiling inilagay sa loob.


Napaidlip marahil si Mia dahil nang muling dumilat ang mga mata, nagsisimula na naman ang pelikula.

Tila kumonti na ang mga taong nanonood. Nagulantang siya nang masulyapan ang oras sa suot na leather wristwatch. Gabi na!

Papalabas siya sa pinto ng sinehan nang kumuriring ang celfone sa loob ng shoulder bag. Si Bella ang caller.

"Hello, Bella?"

"Mia."

Napalunok si Mia nang marinig ang boses ni Idan. Nangatog ang mga tuhod niya kaya pabagsak na napaupo sa isa sa mga bench na nakahilera sa gilid.

"S-sir..." Wala siyang malay na nakabahid sa tinig ang pangamba.

"I'm sorry sa magaspang na ugaling ipinakita ko sa'yo kanina. Nabigla lang ako."Malumanay at mababa ang tono ni Idan pero nandoon pa rin ang likas na awtoritismo.

"N-nabigla rin ako, sir."

"Idan."Tila bumuntonghininga ang lalaki. "Tayong dalawa na lang ngayon."

"Celfone ni Bella ang gamit mo ngayon?"

"Yes. Hiniram ko para matawagan ka. I'm worried dahil gabi na, wala ka pa dito."

"Papauwi na ako."

"Nasaan ka?"

"Nandito ako sa MOA."

"Pumunta ka sa favorite fastfood ni Bella. Susunduin kita."

"Huwag na. Magta-taxi na lang ako."

"Please, wait for me there, Mia. I need to talk to you."

"Sige..." Hindi nakatanggi si Mia sa kahilingang tila tigib sa pagsuyo.

Masigla pa rin ang saleslady nang bumalik si Lara sa toy store. "Come again po, ma'am."

"Yes, I will," pangako niya. Isasama niya dito si Bella sa susunod na pagpunta sa mall.

Hindi na pumasok sa loob ng fastfood restaurant si Mia. Sa labas na siya nag-abang. Ilang minuto pa lang siyang naghihintay, natanaw na niya ang paparating na kotseng minamaneho ni Idan.

Kumakabog na agad ang dibdib niya nang maupo sa passenger's seat matapos ipasok sa likuran ang nakabalot na laruan.

"For Bella?"

Tumango si Mia. "Stuffed toy para kay Bella."

"A toy that big is expensive. Hindi mo dapat ibinili ng laruan ang anak ko, Mia. Give me the receipt. Babayaran ko 'yan sa'yo."

Namula ang mga teynga ni Mia dahil biglang sumulak ang pagkayamot. Umirap muna siya bago tumugon.

........................................................................................................................................................................

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon