Chapter 17

3.2K 61 2
                                    



Bakit ganito katindi ang epekto ng isang simpleng ngiti lang mula kay idan? Kahit kailan, hindi pa nagbaga ang pakiramdam niya kapag kasama si Jerome.

Wala nang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sa destinasyon. Sumaludo ang security guard na nakaabang sa may bukana ng basement parking lot.

"Sinisante mo nga ba si Karlo?"Naalalang magtanong si Mia nang makitang ibang guard ang naka-duty.

"Sino'ng Karlo?" Kumunot ang noo ni Idan. Tila naputol ang iniisip."A, ang suitor mong security guard?"

"Hindi siya nanliligaw."

"May relasyon na kayo?Tila nambubuska na lang ang lalaki. Wala nang bahid ng galit.

Nandilat si Mia. "Ni, hindi ko nga siya nakakausap!"

"I know. Inamin ng guard na wala kayong relasyon."

Parang hinipan ng hangin ang inis ni Lara."I hope, hindi siya nawalan ng trabaho?"

"Ipinalipat lang siya sa ibang destino ng agency niya." Kumibit ang isang malapad na balikat ni Idan.

"Salamat at hindi siya nawalan ng trabaho," ang seryosong sambit ni Mia.

Inihinto ni Idan ang sasakyan sa reserved parking space bago bumaling sa gawi niya.

"You speak like you really care."

"Of course, I care. Paano kung may pamilya palang nakaasa sa kanya?"

"You know what? I admire you more for that show of concern. Isa kang magaling na employer kung may sarili kang kumpanya."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Mia sa narinig na papuri.

"I doubt it," bawi niya habang dinadampot ang shoulder bag na nasa sahig.  "Madaling malulugi ang kumpanya ko dahil sobrang idealistic ako." Iyon ang palaging pinupuna ni Tita Anabelle sa kanya.

"Sometimes, idealism is better than cynism. Kung masyado sinikal, nagiging sarado ang isipan."  Pagkatapos magsalita, pinindot ni Idan ang button para mabuksan ang mga pinto ng sasakyan."Let's continue this interesting debate upstairs, Mia."

Napaisip si Mia sa sinabi ng lalaki. Naging sinikal na ba siya dahil nasaktan kay Jerome? O sobra pa din ang pagiging idealistic niya? Bakit hindi niya tingnan sa ibang anggulo ang magiging relasyon nila ni Idan? Dalawang tao silang malungkot dahil nawalan ng minamahal...

''Life is short, Mia. Make the most of it,"utos ng isang matatag na tinig sa likod ng utak. Iyon na marahil ang kaluluwa niya kaya nasimot na ang lahat ng pag-aalinlangan sa kanyang kalooban.

Nang muling tumingin ang dalaga sa matangkad na lalaking nakatayo sa tabi niya, buung-buo na talaga ang kanyang desisyon.

"Idan... My answer is yes." Nakasakay na silang dalawa sa loob ng elevator nang pabulong na nagsalita si Mia.

"Thank you." Ginagap ni Idan ang isang kamay niya at hinagkan. Ang mga matang tila may mainit na mensahe ay nakatitig nang buong pagsuyo sa kanya. "You won't regret our time together."

Ngumiti na lang si Mia. Tumingkayad siya para magawaran ng isang halik ang bibig ng lalaki.

Hindi na binitawan ni Idan ang kamay niya. Nagpatianod siya hanggang sa makarating sa loob ng tahimik na penthouse. Ngunit kusang huminto ang mga paa nang tila didiretso sila sa master's bedroom.

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon