Chapter 16

3K 61 1
                                    



"Pero yon ang ipinangako mo sa akin kagabi... Tutulungan mo akong makalimot..."Naninigas na ang dila niya. Halos hindi na mabuo ang mga pangungusap.

Marahang kinuha ni Idan ang baso ng tubig mula sa pagkakahawak niya bago ginagap nang buong pagsuyo ang isang kamay niya.

"I'll make you forget the painful past."Isa-isang hinagkan ng mainit na bibig ang mga daliri niya. "I promise to be your attentive lover, Mia."

"I — I accept your offer..." Eratiko na ang kanyang paghinga.

"Thank you." Isinapo ni Idan ang palad ni Mia sa isang pisngi habang buong pagsuyong ngumingiti ang maskulinong bibig. "Can we have a toast now?"

"Okey."Binawi ni Mia ang kamay para damputin ang kopitang puno ng red wine.

"To our affair... May it remain a secret to Bella..."


Tila binabasa ni Idan ang mga mata ni Mia kaya maagap niyang ibinaba ang paningin.

"Cheers..." sambit niya. Parang nakikipaghabulan sa kabayo ang pagtibok ng puso niya.

"Look at me, Mia."

Tumingin si Mia sa kaharap.

"Don't be afraid. I'll take care of you."

Tumango lang siya. Hindi na kasi makapagsalita dahil sa dami ng mga emosyon sa loob ng dibdib. Pakiramdam niya kasi, tumalon siya sa isang mataas na bangin—at hanggang ngayon ay hindi pa umaabot sa ibaba.


"C'mon, let's eat. Baka isipin ni Gio, hindi masarap ang mga niluto niya para sa hapunan natin."


Pilit ang ngiti ni Mia nang muling tumango.

Inabot ng dalawang oras ang hapunan na iyon. Para mapagaan marahil ang atmospera at marelaks si Mia, nagkuwento si Idan tungkol sa maraming karanasan sa paglalakbay.


Nag-world tour pala ang magkaibigan matapos maka-graduate sa college. Pareho silang anak ng mga maykayang pamilya, binigyan ng tsansang makapaglagalag sa iba't ibang bansa sina Gio at Idan sa loob ng isang taon. Nagustuhan nilang manatili nang ilang buwan sa Paris, Venice, at Japan.


Nang magbalik sa Pilipinas, nagsimula na sa kanya-kanyang negosyo ang dalawang binata. Makalipas ang ilang taon, nag-asawa at nagkaanak naman. Pahapyaw lang na nabanggit ang pangalan ni Ella, ang ina ni Bella.


Padalaw-dalaw pa si Gio kaya lalong naging mabilis ang paglipas ng mga sandali. Isang espesyal na dessert ang ipinadala sa waiter nang makitang papatapos na ang kanilang hapunan.


"Pasensiya na kayo, ha? Maraming turista ngayon. Hindi ko kayo maasiste nang husto."

"It's alright, Gio." Nakangiti si Idan. "Thank you for the delicious dinner."

"Nagustuhan din ba ni Miss Mia ang luto ko?"

"Napakasarap mong magluto, Gio. Lalo na ang carbonara."

My All [KathNiel]{Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon