Chapter I

38.7K 1K 125
                                    


Chapter I

"Ay, Ateng! What happened to you?" salubong sa kaniya ng kaibigan na si Jecca. Hindi niya ito pinansin at naupo lamang siya sa kaniyang cubicle.

"May kape ka? Inaantok pa ako," she said pouting as she massages the back of her neck.

"Malamig na, eh. Sa pantry mayroon pa. Gusto mo ipag-timpla kita?" tanong nito at umiling naman siya.

"Ako na," sabi niya sabay tayo.

She felt her friend follow her inside the pantry. Pasalamat siya at wala pa ang ibang katrabaho nila dahil kung nagkataon, alam niyang mag-uunahan ang mga ito para magtimpla ng kape. Hindi naman kasi kalakihan ang office pantry nila at ang ayaw niya sa lahat ay ang makipagsiksikan sa loob.

Araceli Felices works in the most prestigious advertising company. She is under the accounting department as one of the accountant. It was just six months ago when she graduated in college. Ni hindi pa nga siya nakakapag take ng CPA exam which she plans on taking next year.

"Ito, oh, three in one coffee," itinuro sa kaniya ni Jecca ang mga pakete ng kape pero hindi niya ito pinansin.

"Gusto ko ng brewed. Inaantok talaga kasi ako," sagot niya rito habang iniinit ang kape sa coffee maker.

"Okay ka lang ba, Ara? Ano ba'ng ginawa mo kagabi?"her friend asked frowning.

Ngumiti ng pilit ang dalaga at tumingin sa kaibigan. She knew na hindi sanay si Jecca na ganito siya. After all, Jecca is her friend since first year high school. She actually consider her as her best friend dahil wala naman siyang kaibigan noong high school na kaibigan niya pa rin ngayon. Si Jecca lang talaga ang nagtatiyaga sa kaniya.

"Okay lang ako. M-medyo napuyat kasi ako kagabi panunuod ng palabas sa TV," she said casually as she averted her eyes down the tiled floor.

She's not used to lying even the white lies. At lalong hindi siya sanay na may tinatago sa kaibigan. Pero itong bagay na itinatago niya ay hindi niya maaaring i-kuwento sa kaibigan o kahit na sino man.

"Haay, naku. Nanuod ka na naman ng PBB. 'no?" natatawa nitong sabi.

"Oo nga, eh," pagsisinungaling niya sabay na ngumiti.

White lie. Hindi naman iyon masama, 'di ba? Dahil para kay Ara, mabigat na para sa kaniya ang mga ganitong klaseng pagsisinungaling.

Araceli was raised by a religious family. And for her, a lie is a lie despite how heavy the lie is. Kaya tutol ang dalaga sa ginagawa niya o maging sa nangyayari sa kaniya.

***

Natapos ang araw ni Araceli ng maghapon na nakaupo sa kanyang cubicle habang nakaharap sa kaniyang computer. She knew, hindi naging productive ang araw niya ngayon. Bukod sa hindi niya ma-balanse ang ledger niya, ay lagi niya ring naiisip ang panaginip. Pilitin man niyang maging abala sa trabaho pero wala 'atang minuto na hindi ito papasok sa isipan niya.

"Ara, let's go na? Ang lakas pa naman ng ulan," Jecca said peaking on her cubicle. Magkatabi lang kasi ang cubicle nila.

"Umuulan sa labas?" gulat niyang tanong.

"Duh?" pa-taray nitong sabi sabay turo sa likod niya.

Lumingon ang dalaga sa malaking bintana sa likod. Ala singco pa lang ng hapon pero ang kulimlim na ng langit kasabay ng malakas na ulan. Mabuti na lamang at dala-dala niya ang kaniyang payong.

"Hindi ko napansin," sabi niya.

"Halata nga," sabi ng kaibigan niya sabay tingin sa mga papeles na nakatambak sa harapan niya. "Need my help?"

INCUBUSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang