5 - Please Be Mine...

1K 31 2
                                    

Chapter Five

PARIS POV

     It's been 2 months since my debut naging sobrang busy ako sa pamamahala ng hotel na niregalo sa akin ni Dad, and it's been 2 long months since I heard the news... Since that day, hindi ko na sya masyado kinikibo...

FLASHBACK....

     "Engagement nino?" nabiglang sabi ko, nagulat silang napatingin sa akin dahil tumaas ang boses ko.

    "My engagement sweetheart! I proposed to her last night and she said yes! Yung engagement namin 2 months from now... and the wedding wala pang exact date pero soon... right babe?" sabi ni Liam at hinalikan pa ang kamay ni Samantha, ngumiti ang babae at tumayo. I can see that they love each other, lalo na kay Liam... yung matagal ko nang gustong makita sa mata nya nakikita ko na, pero hindi para sa akin... and it hurts so damn much!

    "Ohhh... Ah! Congratulations to the both of you... Excuse lang ha punta lang ako ng restroom..." sabi ko, alam kong nanginginig ang boses ko, I need to be out of here fast... dahil hindi ko alam kung sa susunod na minuto kaya ko pang pigilan ang mga luha kong nag-uunahan na sa pag-patak. Kaya dali dali akong tumayo  at tumungo sa loob ng hotel kung saan ginanap ang debut ko.

      Nang makalayo ako doon, agad na nag-patakan ang luha ko, I don't know where to go. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Akala ko magiging okay na ang lahat dahil naging maayos na kami ni Dad...

      Nagulat ako ng may humawak sa braso ko, nang lingunin ko iyon... It was Shane agad akong yumakap sa kanya at sa balikat niya umiyak ako, nilabas ko ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.

      "Best... It hurts so damn much... please please... get me out of here I can't take this..." pag-break down ko sa harap niya. Agad niya akong niyakap at tumango, inakay niya ako papunta sa kotse niya. Pero bago pa niya paandarin iyon tumawag ito kay Kuya, informing na mag-kasama kami at uuwi na dahil biglang sumama ang pakiramdam ko, I mouthed her thank you at pinikit ko na ang mata ko. At dumiretso kami sa apartment kung saan nag-pakalasing ako para makalimutan ko ang sakit. When I woke up nasa kwarto ko na ako sa apartment namin.

     Nang tignan ko ang kabilang kwarto, I smiled... because I saw the two person I love most sleeping... Si Kuya at ang bestfriend ko.

     Bumalik ako sa kwarto ko at muling nahiga, andon na naman yung luhang tila di maubos-ubos. Tumunog ang cellphone ko, tinignan ko iyon...

1 Text Message...

From: Liam

     Goodmorning Sweetheart, I hope you're okay now, Jet said your not feeling well kaya bigla kang nawala sa party mo... get well soon...

     Agad ko iyong binura at dumapa ako sa kama, bakit ganon? bakit hindi na lang kasi ako? Bakit hindi nya ako kayang mahalin... Kung ganda rin lang pag-uusapan meron naman ako noon, kung talino naman lalong di naman ako nahuhuli doon at kung sa katawan kahit sino magsabi kayang kaya ko makipagsabayan. Pero bakit ganon? Di pa rin nya ko magawang mahalin.

    Napabalikwas ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko nang tignan ko iyon... Si Liam ang tumatawag, I reject his call... after a few minutes muli iyong tumunog this time hinayaan ko lang iyong tumunog... Hanggang sa tuluyan iyong mawala, I know nag-tataka siya kung bakit hindi ko nirereplyan ang text nya lalo na at di ko sinasagot ang tawag nya.

When I Met You...Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz