15 - I don't need you...

1.2K 28 4
                                    

PARIS POV

Ang bilis ng mga pangyayari. I decided to go back home. Para ayusin lahat ng gusot sa buhay ko. At bigyan ng chance na mapawi lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Sobra akong nabigla kung bakit nasa bahay namin ang buong pamilya ng Santillan. Agad akong napatingin kay Liam na dumudugo ang gilid ng labi nito. Habang ito naman ay nakatingin sa baby bump ko. Nakita kong parang kumislap ang mata nito. Pero agad ko ding inalis iyon sa isip ko.

"Anak..." marahang tawag sa akin ni Tita Casey ang mama ni Liam. Malapit kaming dalawa sa isa't isa. At hindi na iba ang turing niya sa akin. At ganon din ako. Agad itong lumapit sa akin at naluluhang niyakap ako.

Ngumiti ako at niyakap din ito. "Tita... I didn't expect you here... ano pong meron?" sabi ko dito.

"Where here to..." tumingin pa ito kila Daddy at Liam pati na din kay Tito Zander  na para bang humihingi ng tulong.

"Paris hija... andito kami para... hingiin ang permiso ng mga magulang mo na maikasal kayo ni Liam." sabi ni Tito. Para naman akong sinabugan ng bomba sa narinig ko. Si Kuya at Shane ay parang hindi makapaniwala sa pinag-sasabi ni Tito Zander.

"Look Tito... you don't have to do this. Hindi nyo kailangan pilitin si Liam na pakasalan ako ng dahil sa bata. If you want to see my child that's fine. Hindi ko ipagdadamot ang anak ko. Pero marrying your son... that's too much. I already had too much. And one more thing mas gugustuhin kong matawag na disgrasyada kesa tawaging mangaagaw." mariin kong sabi sa mga ito. Napatingin si Mommy sa akin ganon din si Daddy na halatang hindi sang ayon sa sinabi ko pero hindi ito nagsalita. Well honestly I'm preparing myself dahil alam kong hindi papayag sa gusto ko si Daddy. But this is my life. And I am the one who will decide.

"Anak... Liam and Sam's wedding is off natawagan na namin lahat ng mga imbitado sa kasal. Hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan kung anong nangyari... Ang gusto namin ay ayusin ang sa inyo ni Liam... Hindi ako makakapayag na lumabas ang apo ko ng hindi Santillan ang dinadalang apelyido." muling pilit ni Tita. Umiling naman ako at nagsalita habang hawak ko pa ang maliit ko pang tyan.

"Look Tita Casey I know na gusto mo maging maayos ang lahat. But its not easy, hindi dahil hindi na tuloy ang kasal nila mag dedecide na kayong magpakasal kami. No! Hindi ako papayag. Kung ang pagiging Santillan ng anak ko ang inaalala nyo then don't wala akong balak ipagkait sa anak ko ang apelyidong nararapat sa kanya. But Tita I'm really sorry but. Hindi ako pumapayag sa gusto nyo na magpakasal kami." sabi ko kay Tita Casey. Kita ko sa mukha ni Liam na nasasaktan ito sa mga sinasabi ko pero wala akong pakialam.

"Why hija? Hindi ba... mahal mo naman si Liam. You always told us before that you want to marry him." sabi ni Tita Casey sa akin. Napangiti ako ng mapait at umiling.

"I'm done loving him Tita Casey I'm sorry. Magpapahinga na po ako." sabi ko at tumalikod na dirediretso ako sa hagdan paakyat sa kwarto ko. Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin si Liam.

"Let's talk sweetheart..." biglang sabi nito. Nagulat akong napalingon dito. Nakita ko sa mga mata nito ang sakit. Pero kung ikukumpara ang sakit na nararamdaman nya sa nararamdaman ko. Walang wala iyon ni sa kalahati.

"I already made myself clear I'm not going to marry you. Look Liam, you don't have to do this. I already accept the fact that you don't love me at kahit kailan hindi mo ako mamahalin! At sobrang naiintindihan ko na... na ayaw mo sa anak ko. Tama na Liam ang sakit na kasi eh... I'm letting my feelings go... sinusuko ko na... noon pa dapat." sabi ko kay Liam na umiiyak. Lumapit naman ito sa akin ngunit agad ko syang tinulak.

"Paris... hindi ko sinabing ayaw ko sa bata. Bakit aayawan ko ang sarili kong anak? Listen to me... I think... no scratch that... I love you Paris... I love you Sweetheart... Aaminin ko na sa sarili kong naging indenial ako. Hindi ko maamin sa sarili ko na nahuhulog ako sayo. Na naiinlove ako sa nakababatang kapatid ng bestfriend ko na itinuturing ko ding nakababatang kapatid. Pero nong may mangyari sa atin at umalis ka ginulo mo ang mundo ko at puso ko pero hindi ko pa din matanggap, dahil ilang buwan na lang ikakasal na ako." sabi sa akin ni Liam. Nagulat ako sa sinabi nito na mahal nya ako. Napakasarap sanang pakinggan. At muli itong nagsalita.

When I Met You...जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें