2 - Falling into places (Part 1)

1.2K 32 5
                                    

CHAPTER TWO

JET'S POV

   Nakita ko ang pag-kabigla sa mukha ni Dad, nakatingin ito sa pahabang kahon na nababalutan ng skyblue na gift wrapper.

    "You don't have to say that to her! Hindi makakabawas sa kayamanan nyo kahit isang libong beses nya pa i-max out ang credit card nya! And it's not her fault why Jas died! It was an accident! Hindi nya ginusto, walang may gustong mangyari yun! Kung ako man ang nandoon gagawin ko din ang ginawa ni Jas. Sa tingin nyo ba sa ginagawa nyo si Jas lang ang nawala sa atin? Si Paris... kung hindi ngayon... unti unti na syang nawawala sa atin..."

    "Ang gusto lang naman niya, maramdaman nyong mahal nyo din sya. Ginagawa nya lahat para mapatunayan na karapatdapat din syang maging anak mo. I feel so sorry for her, hindi lang isa o dalawang beses ko nang narinig sa kanyang sana sya na lang ang namatay at hindi si Jas... para... para daw hindi ka nalulungkot ng ganyan... para hindi ka nagagalit ng ganyan. Laging ikaw ang iniisip nya, pero sya ba napagtuunan mo ng pansin? She work hard to gain your forgiveness, your love, yet you still hurt hurt her. Mas... mas magiging masaya ka ba Dad... kung si Paris ang namatay at hindi si Jas? Kasi ako? Hindi... hindi ko kaya. Alam kong ganon din si Jas Dad." naninikip ang dibdib kong sabi kay Dad habang naka-kuyom ang kamao. Pinipigilan ang luhang gustong kumawala.

     "And by the way Dad... that necklace... she buy that with her own money... she took a part-time job just to give you a gift na hindi nanggaling sa pera nyo, kinulang lang sya ng pera dahil yung unang plano nyang bilhin ay binili ko para sana ibigay sa kanya para maibigay sa inyo dahil hindi ko kayang makitang halos magpakamatay na sya sa pag-tatrabaho just to give you something na alam kong babalewalain nyo lang. I hope na yung mga sinabi nyo sa kanyang masasakit na salita nabawasan yung sakit na naramdaman nyo o mawala para sa susunod na makausap nyo sya hindi na kayo galit sa kanya." sabi ko at marahan nang inalalayan si Mommy na iyak ng iyak pa rin hanggang ngayon. I know, and I can feel that she's angry with Dad.

    "Jet... anak bring back my princess here, baka kung anong mangyari sa kanya. She's hurt, wala syang kasama... kawawa naman ang anak ko..."  sabi ni Mommy na tuloy pa din ang iyak na lalong nag-pasakit sa dibdib ko. Napapikit ako ng mariin, asking lord to please make everything alright.

    "Stop crying Mom, our Princess will be fine... Magiging okay din ang lahat. I'm sure pupunta sya kay Shane,  maybe we should let her rest for a while... magpahinga na din kayo." napa-buntong hiningang sabi ko. Hinatid ko na sya sa tapat ng kwarto nila ni Dad at hinalikan nya ito sa noo. 

     Nang maka-pasok si Mommy sa kwarto agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at dinial ko ang number ni Shane. Nakailang ring ito bago nito sinagot ang tawag ko.

     "What do you want?! Kung tatanungin mo kung kasama ko ang kapatid mo, she's on her way here. Now I already answer your question don't ever call me again!" nangiwi ako sa tinis ng boses nito, at napakamot na lang ako ng ulo dahil doon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PARIS POV

*RING RING RING*

     Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, si Kuya ang tumatawag, tinignan ko ang katabi ko. Tulog na tulog pa ito, kaya marahan akong lumabas ng kwarto para hindi ito magising.

       Agad kong sinagot ang tawag ng maisara ko ang pinto.

"Hello Kuya..." paos ko ng maiangat ko ang kabilang linya.

When I Met You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon