14 - Bumalik ka na sa akin...

1K 25 1
                                    

JET'S POV

Pare-parehas kaming tahimik nila Mom at Dad sa kotse. Ihahatid ko sila sa mansion. Pagkatapos ng nangyari sa ospital parang walang gustong mag-salita. I see Mom is still crying, she's been crying since Paris left the hospital. And Dad, I see regret in his eyes. Alam kong nabigla lang ito kaya niya nasabi ang mga iyon kay Paris.

Since Paris left 3 months ago, Dad didn't stop to find my sister. Alam kong gusto nyang makabawi dito. But maybe because he's too worried and relieved at the same time lalo na at nalaman nyang buntis ni Paris na miski ako ay nabigla. Kung ano-ano ang nasabi nya kay Paris.

Napabuntong-hininga ako at napailing. Hindi pa nga tapos ang problema ko kay Shane, at hindi pa nga kami okay ni Paris mas gumulo pa ang sitwasyon. Dumagdag pa ang kaalaman na ang ama ng dinadala ni Paris ay ang bestfriend ko.

Nang makarating kami sa mansion. Hindi pa rin nagsasalita si Mom, umupo lang ito sa sala namin at nakatingin sa family portrait namin.

"Mom, I'm going... I need to find Paris... I bring her home." sabi ko kay Mommy, agad lumipat ang tingin nya sa akin at tumango.

"Bring back my princess Jet. She's hurt, she needs me... she needs us more than ever. My poor baby." umiiyak na sabi ni Mommy. Tumango ako at hinalikan ito sa noo bago umalis.

Nang makalabas ako sa mansion, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang taong inutusan kong sundan ang si Paris at Shane.

"Where are they?" agad kong sabi sa kausap ko ng sagutin nito ang tawag. "Okay... I'm coming..."

Gulat at nagtataka man ng sabihin ng inutusan ko na nasa SIRE Tower ang dalawa agad akong pumunta doon. Alam kong ang SIRE Tower ang isa sa prestigious condominium sa pilipinas. At piling piling tao lamang ang nakakabili ng unit doon.

Nang makarating ako doon agad akong pumasok. Ngunit ng makarating ako sa receptionist at sabihin ko ang aking pangalan at kung sino ang pakay ko, nagkatinginan ang mga ito.

"Sorry po sir, mahigpit pong ipinagbabawal na hindi po kayo maaaring papasukin." sabi ng isa sa receptionist. Kumunot ang noo ko at di ko na napigilan ang tumaas ang boses.

"What do you mean na hindi nyo ako maaaring papasukin?! My sister is here and my fiancee is here! Asan ang manager nyo at kakausapin ko?! Or better yet call the owner and I'm going to talk to him or her!" galit na galit kong sabi. Pero napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang isang matangkad na lalaki na buhat-buhat ang kapatid ko.

Agad akong tumakbo at hinarang ang mga ito. "Anong nangyari sa kapatid ko! At sino ka? Anong karapatan mong hawakan ang kapatid ko!" sabi ko at kinukuha si Paris mula dito.

"What's happening here?!" malakas ang boses na sabi mula sa likuran ko. Ang boses na kilalang kilala ko. Agad akong lumingon doon at nakita ko ang babaeng gumulo sa mundo ko. Ang babaeng napakaganda kahit pa napakalaki na ng tyan nito.

Doon naman nagising si Paris. "Kuya Jet, what are you doing here?" sabi ni Paris sa akin. Pero hindi ko na iyon nasagot ng biglang lumapit sa akin si Shane at hinampas nito sa akin ang kulay pink na maliit na unan.

"At dito ka pa talaga nag-i-eskandalo sa teritoryo ko Villamayor! Hindi ka na nahiya!" galit na sabi ni Shane at tuloy-tuloy pa din sa paghampas sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila ito payakap, ngunit sinigurado ko na hindi maiipit ang baby namin.

"Baby... please sorry na oh... bumalik ka na sa akin. Walang kahit anong namamagitan sa amin ni Jenny. I already fired her. Ikaw lang ang mahal ko, kayo ng baby natin. Wag mo naman akong iwan oh. Sorry na baby. I didn't mean to say those words, masama lang ang pakiramdam ko non and you know me kapag umaatake ang migraine ko. Please baby wag mo na ko pahirapan oh miss na miss na kita para na kong mababaliw nong iniwan mo ako. Sabihin mo kung anong gusto mong gawin ko para lang mapatawad mo ako... Gagawin ko lahat, gusto mo lumuhod ako dito? Gusto mo halikan ko paa mo para mapatunayan na di ko kailangan ng ibang babae dahil ikaw lang ang sinasamba nitong puso ko?" tuloy-tuloy kong sabi at lumuhod ako sa harapan ni Shane at niyakap muli ito, ng matapat ako sa malaking tyan nito, naluha ako at di ko napigilan halikan iyon.

"Tumayo ka dyan..." sabi ni Shane sa akin. Pero hindi ako tumayo, hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan. Kinuha ko ang kahita sa bulsa ko at nilabas iyon.

"Hindi ako tatayo dito baby hanggat hindi mo ako pinapatawad. Marry me baby... kahit ngayon mismo." sabi ko dito at tinignan ito sa mata. Nakita kong umiiyak ito kaya agad akong tumayo at hinawakan ang mukha nito. Pinunasan ko ang luha nito at hinalikan ito sa labi.

"I love you so much Baby... Ikaw lang ang kilala ng pusong ito sa tingin mo ba maghahanap pa ako ng iba? At sa tingin mo ba ipagpapalit kita? Hindi pa ako nababaliw Baby... gaya nga ng madalas mong sabihin sa akin... kung ipag papalit kita para akong nag-tampo sa bigas." madamdamin kong sabi dito. Muli naman ako nitong hinampas ng unan na hawak nito.

"Gago ka! Pina-iyak mo na naman ako! Ang bigat-bigat ng anak mo! Gusto ko ng strawberry shortcake at gatas!" umiiyak parin na sabi nito, natawa naman ako at muli itong hinalikan sa labi.

"Bibilhan kita kahit ilan pa Baby at ipagtitimpla kita ng gatas. At sorry na kung pinaiyak na naman kita... sa kilig." Natatawa kong sabi, at muli akong lumuhod para hawakan ang malaking tyan nito. "Anak, wag mong pahirapan masyado si Mommy ha. Mahal na mahal ka namin." sabi ko  dito at hinalikan ang tyan nito. Nang tumayo ako kinuha ko ang kamay ni Shane at sinuot dito ang engagement ring namin na iniwan nya ng umalis ito.

Paglingon ko kay Paris umiiyak itong nakangiti sa aming dalawa. I walk towards Paris habang hawak pa din ang kamay ni Shane.

Nang makalapit ako kay Paris agad kong hinawakan ang pisngi nito kung saan ito sinampal ni Dad.

"Princess... I'm sorry for all the words I've said... I know hindi tama na sayo ko naibunton ang inis ko. I didn't mean it, alam mong hinding-hindi ako magsasawang intindihin at alagaan ka. I love you so much Princess. Kung nandito lang si Jas malamang sinapak na ako non dahil pinaiyak ko ang prinsesa namin." sabi ko dito, agad naman itong yumakap sa akin at umiyak sa dibdib ko.

"Sorry Kuya for disappointing you, sorry I've made a mistake again. " umiiyak na sabi nito.

"Shhh... Princess I'm not disappointed okay. You know how proud I'am to have you as my sister. And its okay to commit mistakes, as long as you learn from it. Let's go home nagaalala na sayo si Mommy." sabi ko dito, ngunit agad naman itong napalayo sa akin at matigas na umiling.

"Ayoko kuya, hindi na ako babalik doon." matigas na sabi nya sa akin. Napabuntong-hininga ako. at hinawakan ang kamay nito.

"Princess... Nabigla lang si Dad, please come home with me... ayusin natin ang problema. Alam kong yun din ang gusto ni Jas noon pa man. You are wrong princess na lahat ng lalaki na mahalaga sayo iniwan ka sa ere. I'm here, and Dad. Masyado lang syang nag-alala lalo na ng malaman nyang buntis ka." malumanay kong sabi dito. Agad naman itong natigilan, at tumingin kay Shane. Tumango naman si Shane dito.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. Agad kong inalalayan ay dalawang babaeng napaka-importante sa akin bukod kay Mommy patungo sa sasakyan ko.

"Baby... pwede bang si John na lang ang mag-drive? Dito... dito ka na lang sa tabi namin ni Paris." alanganing sabi sa akin ni Shane. Napangiti naman ako at inabot sa tinawag nitong John ang susi ng kotse ko at inalalayan ang mga ito na sumakay. Nauna si Paris at napapagitnaan namin si Shane.

Habang nasa byahe kami tahimik lang ang mga ito at maya-maya pa napansin ko na nakatulog na ang mga ito.

"Sa Ciudad tayo." mahina kong sabi pero sapat para marinig nong John. Tumango naman ito. Mahigit isang oras din ang tinagal ng byahe. Nang makarating kami sa mansion nagising si Paris ngunit tulog na tulog pa din ang aking reyna. Kaya binuhat ko na lang ito papasok.

Ngunit hindi lang pala sila Mommy ang magugulat kundi kami din. Ang buong pamilya ng Santillan ay nasa pamamahay namin. At napansin kong dugo ang labi ni Liam at galit na galit naman si Dad.

Nang mapansin nila kami agad tumakbo si Mommy papunta kay Paris.

"Princess! My baby buti bumalik ka na." niyakap ni Mommy si Paris habang umiiyak agad naman itong pinaupo ni Mommy. At ilang minuto pa nagising na si Shane kaya agad ko syang ibinaba at inakbayan.

"Mom... Dad... Tito... Tita... This is Shanika Eris Del Rio. My soon to be wife." sabi ko sa mga ito napanganga ang mga ito sa akin. Pero agad din namang nakabawi si Mommy at lumapit sa amin.

"Its nice seeing you again Shane... welcome to the family. At pasensya ka na sa kaguluhan na nangyayari." apologetic na sabi nito kay Shane.


When I Met You...Where stories live. Discover now