18 - Desperate...

1K 37 9
                                    

1 week later...

LIAM'S POV
        1 week ko ng pinagsisiksikan ang sarili ko dito sa pad ni Paris. At kahit alam kong ayaw nya akong nandito wala syang magawa. Her parents insist or uuwi sya sa mansion nila at doon kami titira. I'm thanking my parents and his parents for giving me this chance, I know Paris hates me but I can take that wag lang yung tuluyan syang mawala sa akin. Naalala ko tuloy kung paanong napapayag ko ang parents ni Paris na tumira ako kasama nito...

Flashback

      "Paris... Sweetheart let's talk please." Bungad ko ng makita ko syang lumabas ng elevator.

      Sa gulat nya at tangkang pag-iwas sa akin ay nadulas sya, huli na ng makarating ako sa kinatatayuan nya, napaupo na ito. Agad ko syang dinaluhan, ng makita ko ang mukha nya namumutla itong nakatingin sa mga hita nito.
      Nang sundan ko iyon ng tingin ay agad din akong namutla, may dugong umaagos sa mga hita nito, hindi pwedeng may masamang mangyari sa mag-ina ko.  Hindi na ko nag dalawang isip at pinangko ito.

      "Shhh... don't cry Sweetheart I got you. Hold on I'll bring you to the hospital okay? I'm sorry... please hold on." nanginginig kong sabi kay Paris. Agad na lumapit sa amin ang driver ni Paris.

      "Take us to the nearest hospital hurry!" at pumasok kami sa kotse, kandong ko si Paris habang wala itong malay.

      "Sweetheart please open your eyes..."  nanginginig kong sabi. Habang pinupunasan ang noo nito.

      Nang makarating kami sa ospital agad pinasok sa Emergency Room si Paris. Muntik pa ako magwala ng pigilan nila akong pumasok, ngunit wala pa akong nagawa kundi maghintay.

      Paglipas ng 20 minuto lumabas ang doctor at agad akong lumapit.

      "Doc how's my wife? And our baby?" pigil ang hininga kong tanong sa doktora na tumingin kay Paris.

      "She's okay now and the baby is safe too... You're baby is a fighter. Your wife needs to rest masyado syang stress at makakasama iyon sa bata. Masyado din maselan ang kanyang pagbubuntis. Ibayong pagiingat ang kailangan. At kailangan nya makainom ng vitamins on time. Ipapadala ko sa nurse ang mga kailangan bilhin na gamot, she need to stay here for observation. Maari na syang mailipat ng private room." mahabang sabi ng doctor. Agad akong nakahinga ng marinig kong maayos ang mag-ina ko. Agad kong inayos ang lahat bago tinawagan ang parents namin.

       Nailipat na sa private room si Paris ngunit wala pa din itong malay.
       Hinawakan ko ang kamay nya habang nakaupo sa gilid nya. Hindi ko maiwasang titigan si Paris.

       She looks like an angel, ang maamo nitong mukha na muli ng nagbabalik ang natural na mamulamula nitong kulay. Ang pilik nitong mahaba, ang pointed nose nitong tila ba nag-mamataas. At ang mga labi nitong natural na mapula. Napalunok ako ng maalala ko ang mainit na halik namin noon.

       Agad kong iniwas ang paningin ko doon. Napansin ko ding medyo nagkakalaman na rin siya. Agad akong napangiti, dahil sa rason niyon. Dahil sa baby namin.

       Agad akong napalingon ng biglang bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok ang parents namin pati na rin ang bestfriend kong si Jet kasama ang girlfriend nitong bestfriend naman ni Paris.

       Tumayo ako at marahang binitawan ang kamay ni Paris na hanggang ngayon ay wala pa ding malay.

       "What the hell did you do to my bestfriend?!" agad na angil sa akin ni Shane, agad naman itong hinawakan ni Jet na tila ba pinipigilan itong sugurin ako.

When I Met You...حيث تعيش القصص. اكتشف الآن