Prelude

10.1K 165 12
                                    

Copyright 2014 © Yeppeun

Demon's Game Nightmare | COMPLETED

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

* * *

PRELUDE

Isa, magtago ka na.

Dalawa, hahanapin kita.

Tatlo, tumakbo ka na.

Apat, susundan kita.

Lima, papatayin kita.

MULA sa kinatatayuan ko naaaninag ko ang isang maitim at namumulang pustura ng isang pang lalaking katawan hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Naramdaman kong unti-unting sumisiklab ang takot sa buong katawan ko, hindi ako makagalaw at hindi ako makasigaw. Madilim dito at halos wala akong nakikita... Tanging siya lang, ang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa akin. Halos nanlilisik ang mga mapupulang mata nitong diretsong nakatingin sa akin.

Sa mariing pagtitig ko sa kanya bigla akong nagulat sa dahan-dahang pag-angat ng magkabilang dulo ng kanyang labi at kasabay 'non ang dahan-dahang umaalingawngaw niyang paghalakhak.

Agad akong napatakip sa tainga ko at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko mapigilang manginig sa takot na nararamdaman ko, para bang nanggagaling sa lupa ang bawat paghalakhak niya at habang tumatagal iyon naririnig ko na ang paghalakhak niya malapit sa aking tainga na naging dahilan kung bakit nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Sunod-sunod akong humugot nang malalim na paghinga at pilit binabaliwala ang halakhak na iyon.

Hanggang sa naglakas loob akong imulat muli ang aking mga mata.

Doon ko na lang napagtantong nakahiga pala ako sa kama ko.

Hingal na hingal akong napailing sa sarili ko at pinunasan ang pawis na tutulo sa aking noo. Inilibot ko nang bahagya ang apat na sulok ng kwarto ko.

Hindi pala ako nag-iisa.

Kasama ko pala siya at muli kong nakita ang pagngisi niya.

Agad akong pumikit at nagdasal ng tahimik habang kapit na kapit ang dalawang kamay ko sa kobre kama ng hinihigaan ko... Pilit umaasang panaginip lamang ito. Isang bangungot.

Tumahimik.

Ngunit nararamdaman ko ang mainit na hanging dumadaplis sa mukha ko. Lalong nag-alab ang takot sa nararamdaman ko...

Dahan-dahan akong dumilat.

At sa pagdilat ko bumungad sa akin ang nakakatakot niyang mukha lalo na ang namumula niyang nanlilisik na mata.

"AH!!!"

Hingal na hingal at pinagpapawisan akong napabalikwas ng bangon...

Panaginip na naman.

Pinaglalaruan na naman niya ako...

Demon's Game Nightmare (COMPLETED)Where stories live. Discover now