Goodbye

43 0 0
                                    

Weekend noon kaya dalawang araw na walang pasok. Pinigilan ko ang sakit at pansamantala ko itong nakalimutan. Monday, Chemistry ang first subject. Maaga akong pumasok. Parang wala lang nangyari. Tahimik akong nakikinig sa teacher namin at sinusulat ko ang mga notes.  Lumipat  na si Tin ng ibang school kaya tatlo na lang sa matalik kong kaibigan ang kasama ko sa school. Si Div, Lyna at Sica. Si Div, Lyna at ako ay nasa iisang section pa din, samantalang si Sica naman ay nalipat sa mas mataas na section. Ikinuwento ni Div ang nangyari kay Lyna dahil hindi niya pa ito alam. Nang matapos ang kwentuhan, lumapit sila sa akin at doon ako kinausap. Wala pang tatlong segundo ay pumutok na kaagad iyong tear gland ko. Tumulo lahat ng luha ko sa notebook, ang pagsusulat na ginagawa ko hindi ko na naituloy. Nasa unahan pa naman kami noon kaya lumipat ako sa gitna dahil baka makita ako ni Ma’am Asuncion.

Wala halos teacher buong araw. Kaya nagawa kong umiyak. Iyak ako ng iyak, lahat ng classmate ko nagtataka bakit ako humahagulgol nang ganoon. Wala akong kinakausap, hindi ako nagsasalita. Niyakap lang ako ng niyakap ng mga kaibigan at classmate ko. Pag-akyat ko sa room, galit na galit ako, gusto kong magwala. Sumipa ako ng ilang upuan pero hindi ko din naituloy dahil may nagkaklase sa kabila. Tinanong ako ng mga kaibigan kong lalake kung gusto ko daw bang asikasuhin nila iyon, pero tumanggi ako. Hindi ko kayang masaktan siya. Kahit na sinaktan niya ako ng sobra hindi pa din ako papayag. Mas mabuti pang ako na lang ang saktan ng lahat kaysa siya. 

 Tinext ni Div at Lyna si Triz at hindi din ito umaamin. Best friends lang daw sila ni Eddy. Best friends? Alam ko nayan eh, bulok na yan. Alam kong nag-sisinungaling siya dahil confirm na namin ang totoo at tska may kriminal bang umaamin sa krimeng ginawa niya? Sa ngayon ou, pero noong panahon na iyon, wala.

Noong uwian, nakita ko sila ni Triz, magkasama at mukhang sabay sila sa pag-uwi. Lalo akong nasaktan. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit sa akin hindi niya nagawa yun?

Niloloko niya lang ba talaga ako?

Hindi niya ba talaga ako minahal? 

Nagpasiya akong makipag-kita sa kanya. Hindi ko alam kung dadating siya pero umasa ako at naghintay. Lumipas ang ilang oras hanggang sa dumating siya sa harapan nang Kids at Work, iyon iyong mataas na building kung saan sinasabing tagpuan nila ni Triz kapag hapon. Pinag-usapan namin ang problema. Kung matino, asa ako. Hindi niya naman ako sinagot ng matino. Inamin niya ang katotohanan at hindi ko na napigilang maiyak. Matagal kaming hindi nagsalita. Wala akong narinig na isang salita sa kanya, gusto ko sana siyang sampalin para kahit isang ganti lang maagawa ko pero hindi ko magawa, hindi ko nagawa.

Wala na akong nagawa kundi sabihin ang, “Mahal kita na mahal kita, alam mo iyon pero hindi sapat sa iyo na pagmamahal lang”. Pagkatapos ng mga salitang iyon na naglaho kasabay ng hangin, naghiwalay kami nang landas.

“Alam ko na naman. Matagal na. Nararamdaman ko iyon. Ganoon katalas ang pakiramdam ko pag alam kong mayroon ng mali“. Iyon na lamang ang nasabi ko sa sarili ko habang papalayo na ako sa kanya. Alam kong wala ng mangayari pang maganda sa relasyon na iyon. Kung tutuusin, wala naman talagang nangyari. We're just lovers on text. Kailan man walang nagawang maganda ang pakikipag-relasyon sa cellphone. Wala tong magandang patutunguhan. Kaya nang mga sandaling iyong mas minabuti ko nang paghiwalayin ng tuluyan ang aming mga landas.

Sometimes Love Just Ain't EnoughWhere stories live. Discover now