Sana tatlo ang puso mo

63 0 0
                                    

Ika-labing-anim ng Agosto nang sagutin ng mga bulalakaw ang hiling ko. Kasama ko noon si Tin nang may itinuro siyang isang bagong nilalang. “Rea, tignan mo iyong lalaking iyon. Siya yung sinasabi kong crush ko na ka-text ko”. Pag-tingin ko sa crush niya ay nakita ko si Eddy, katabi ang crush ni Tin na si Uge na nag-kataong bestfriend ni Eddy.

Pop! New idea!

Nag-init ang bago kong bumbilya sa utak. Nag-makaawa ako sa kaibigan kong hingin ang number ni Eddy kay Uge at doon nagsimula ang pagiging text mate namin. Globe ako ng mga panahong iyon at si Eddy smart, pero dahil gusto ko siya maka-text wala akong nagawa. Hindi ako kumakain para lang may pang-text ako sa kanya.

“Elow poe..” ang mga katagang una kong tinext sa kanya.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa aking alaala ang lahat. Naghintay ako, nagbaka sakali na mag-rereply siya pero kinalaunan ay nawalan na rin ako ng pag-asa. Inisip ko na lang na hindi siya magrereply dahil smart siya. Itatapon ko na sana iyong cellphone ko nang biglang tumunog at nagdisplay ang 1 new text message received. Excited na excited na ako, umaasa na siya iyon at parang biglang nasunog ang bahay naming up and down dahil sa sobrang saya ko. Si Eddy nga ang nagreply!

“Hu u poh?!”.

At doon nag-simula ang pagiging text mate namin. Lumaon ang mga linggo at lagi na kaming magka-text. Ginagamit niya ang Globe ng Tito niya para makagamit kami ng UNLITEXT. Lagi niyang tanong kung paano ko nakuha ang number niya at syempre pinili kong wag sabihin ang totoo. Nahihiya kasi akong sabihin na “Pinakuha ko ang number mo kasi crush kita.”. Akala ko ay hindi na matatapos ang mga maliligayang araw ko pero nagkamali ako. Dumating iyong araw at nalaman kong may girl friend pala siya. Si Genelle, kasing year niya iyon. Doon ko nalaman na dalawa pala iyong minamahal niya. Si Genelle na girlfriend niya at si Jelly, ang first love niya. Palagi niyang ikinukwento sa akin kung paano siya nahihirapan dahil sa iisa lang ang kaniyang puso pero dalawa ang mahal niya. 

Si Jelly ang first love niya na nakilala niya noon first year high school pa lang sila. Tatlong taon niya ng iniibig ito ngunit sa kasamaang palad eh me boyfriend na ito - si Erik. Ang kakambal ng bestfriend niyang si Eugene. Kahit na lihim na akong nasasaktan ay hindi pa rin ako tumigil sa pakikipag-textmate sa kaniya.  Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan pero ang alam ko e ayaw kong maputol iyong ugnayan namin. Hanggang sa dumating ang December 31, 2005. Ang araw nang sakluban ako ng langit at lupa.

Nakatanggap ako ng isang text from an unknown number. 

"Putang-ina mo Rea! Hayop ka, ang landi mo. Bakit ka nangkakati ng boyfriend nang may boyfriend ha. Si Genelle toh. Gusto mo sirain ko pag-aaral mo? Marami akong kakilala sa school naten. Dahil sa’yong puta ka nag-break kami ni Eddy”.

Galing yan kay Genelle. Agad na umagos ang luha ko matapos kong mabasa iyong text message dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama para masabihan nang ganoon. Iyon ang unang beses na makatanggap ako ng isang hate text message. Agad akong nag-text sa globe niya. Maya-maya'y ang Tito niya na ang nagreply sa akin. Sinabi niyang nag-break daw si Genelle at si Eddy dahil ako na daw ang gusto ni Eddy at alam kong hindi iyong totoo. Hindi ko akalain na gagamitin ako ni Eddy para makawala sa relasyon nila ni Genelle. Sa labis na kahihiyan at sakit, pinilit ko ang aking sarili na itigil na nag komunikasyon ko sa kanya. Simula noon ay hindi ko na siya tinext. Nagpalit ako ng bagong numero at nagpanggap na kailanman ay hindi ko siya nakilala. Dumaan ang mga gabi na hindi siya nawala sa isipan ko at doon, unti-unti kong naramdaman na gustong-gusto ko na siya. 

At marahil ay, mahal ko na siya.

Sometimes Love Just Ain't EnoughNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ