Tatlong taon ang kinuha sa akin ng nakabaong sugat na kanyang ginawa. Sa tuwing naririnig ko ang kantang ito, hindi ko maiwasang maalala ang lahat. Kung paano ko nagawang saktan ang sarili ko, hayaang mamatay ang sikmura ko sa gutom at lunurin ang puso ko sa paulit-ulit na sakit. Hindi ako naging emo, hindi kailan man. Labis lang akong naging emosyonal na ginusto kong maramdaman ang sakit para maintidihang totoo pala talaga ang lahat at kailangan kong tanggapin na sadyang may mga pagkakataong hindi nagiging sapat ang pagmamahal lang para sa isang tao.All Rights Reserved