Nawawalang Bata

99 1 0
                                    

Tandang-tanda ko pa iyong araw na unang beses ko siyang nakita. Recess namin noon. Nakatambay kami ng barkada ko sa lugar kung saan tumatambay yung mga ayaw kumain sa madumi at malansang pinggan sa canteen. Hawak ko ang isang baso ng iced tea at paboritong burger. Naglalaban ang ingay at katahimikan sa tainga ko. Dahan-dahan akong kumakain habang inililibot ang mga mata sa paligid gaya ng lagi kong gawain. "Another boring day", sabi ko sa sarili. Magpapaalam na sana ko sa barkada ko para umakyat ng matigilan ako sa nahagip ng aking mga mata. Isang pagala-galang nilalang sa campus grounds. Ibang awra ang naramdaman ko sa kanya. Para siyang si Superman, Batman , Wolverine at Spiderman na pinagsama-sama sa iisang katawan. Pakiramdam ko umuulan nang tsokolate noong mga sandaling iyon. Binansagan ko siyang nawawalang bata dahil para siyang nawawala noong mga sandaling iyon. Mga ilang segundo ko pa siyang pinagmasdan at doon ako ay natawa. Kung bakit, ewan.

Lumipas iyong mga araw na nawawala siya sa isip ko. Siguro dahil ito sa hindi ko siya kilala at  madalas makita. Isang araw, gaya ng dating gawi, nasa flowerbox kami noon ng kaibigan kong si Tin. Kwentuhan dito, kwento don, hanggang sa matigilan ako dahil nakita ko siyang papalapit. Pag-daan niya sa aming harapan ay biglang tumahimik ang paligid. Para bang may lumabas na aswang kaya nawala ang mga kuliglig. Para akong naka-nganga ng mga sandaling iyon kahit na nakita kong hindi naman siya ganoon ka-gwapo. Pagkaraan ng ilang segundo ay hindi na siya maalis sa isip ko. Para bang idinikit ng isang superduper might glue ang imahe niya sa aking isipan. May ilaw man o wala, naka-hubad man o hindi, walang segundo hindi siya nawala sa ulo ko. Lumipas ang mga araw na wala ako lagi sa aking sarili. Umiihi nang hindi nag-huhubad ng panty, tulo sipon at dahil doon pumuto ang aking bumbilya. "Gusto ko siyang makilala!", ilang linggong iyang ang laman ng aking utak na kahit na 1+1 e hindi ko na masagot.

“Pero paano?”  isang malaking hadlang na tanong.

Akala ko wala na talagang pag-asa. Nang may biglang nahulog na itik mula sa langit. Si Shiela, ang classmate ko na may kuya na classmate si Eddy. Hindi na ako nag-aksya ng kahit isang segundo. Agad akong lumapit kay Shiela dala ang isang ngiting daig pa ang prinsesa. Tinuro ko ang lalaking nagbibigay skittles sa buhay ko nang mga panahon na iyon. Nakikita namin siya sa di kalayuan kaya sabay  akong pumuslit ng tanong na, “Kilala mo siya?”. Parang kumukulo na ang tiyan ko sa kaka-hintay ng isang kasagutang mas madali pa sa 1+1. “Ayun? Si Eddy Reyes iyon. Teka, bakit? Crush mo iyon no?”, me tonong panunukso ang kasagutan ni Shiela. Nakuha ko na ang sagot. Ngunit pinabaunan niya pa ito ng tanong na akala ko’y mas madali pa sa 1+1 ngunit mas mahirap pa pala. Daig pa nito ang katanungang may formulang c2=a2+b2. 

"Ah eh...", pautal-utal kong sabi. Akala mo e kung sino na akong retarded dahil lang sa tanong ng classmate ko eh nagkaganun ako.  Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, oo ba o hindi. Dalawa lang naman iyong pagpipilian, pero ang pumasok sa isipan ko ay lagpas pa sa kung ilang taon ka na ngayon. Nakatitig ang mga nakangiti niyang mata sa akin, halatang naghihintay ng sagot. Wala akong nagawa kundi bumanat ng isang “Oo, crush ko nga iyon. Paano mo nalaman, ang galing mo ha!”. Matapos ang sandaling iyon e kumalat na sa loob ng aming section ang pagkakaroon ko ng crush kay Eddy. Hindi ko na lamang inintindi dahil alam kong wala namang mangyayaring masama doon.  Tuwang-tuwa naman ako dahil sa wakas ay nalaman ko na ang pangalan niya. Nawala ang kasiyahang iyong nang naisin kong mapalapit sa knaya. Nag-wish ako sa lahat nang mga nakita kong bulalakaw, umaasa na malaman ang number niya pero mukhang hindi sapat ang mga bulalakas na iyon para matupad ang aking wish.  Lumipas ang dalawang linggo at iyon, hindi ko pa rin alam. 

Sometimes Love Just Ain't EnoughWhere stories live. Discover now