Prologue

174 1 0
                                    

Pag-ibig. Isang salitang hindi naman talaga kailangang bigyan ng kahulugan ngunit kadalasan eh laging nating itinatanong kung ano nga ba talaga ang ibig nitong sabihin. Maaring para sa akin ang kahulugan ng pag-ibig ay kahit na binaril ka na ng patalikod, iyong parin ang iyong nararamdaman. Maaring  namang sa iyo eh hindi, iba. Hindi tayo pare-pareho ng nararamdaman. May ilang ang turing sa pag-ibig ay isang laro. Para sa iyo, ano ang kahulugan pag-ibig? 

Ako si Rea. 2nd year high school student. Magulo ang mundo ko, magulo pero masaya, isip bata, hindi pa matured enough. “Ako iyong babaeng madaling ma-inlove kahit sa hindi ko kakilala basta nakikita ko araw-araw”. Dati para sa akin, ang pag-ibig eh the same lang as crush. Wala pa kong idea sa mga stages stages ng love na yan. Basta ang paniniwala ko, pag-crush kita, mahal kita. 

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang pag-ibig na hindi ko inaasahang mabuo, ang pag-ibig ko para kay Eddy. Ang nawawalang bata.

Sometimes Love Just Ain't EnoughWhere stories live. Discover now