Cesia's POV
Pagkatapos ihanda ang mga gamit na dadalhin ko sa misyon, mabigat akong umupo sa dulo ng higaan, nag-iisip kung may oras pa ba ako para maligo.
"Cesia?" sambit ni Ria sa labas ng pinto. Tatlong mahihinang katok ang sumunod dito. "You ready to go?"
Mukhang wala na...
Nakakabit ang knapsack sa isang balikat at hatak-hatak ang maliit na maleta, lumabas ako ng kwarto kung saan sinalubong ako ni Ria. Ilang segundo niyang sinuri ang mga dala ko, saka niya ako sinenyasan na sumunod sa kanya.
"Tangina, 'tol." Nakapameywang si Chase habang hawak ang strap ng backpack na suot niya. Umiling-iling siya, sabay lahad ng mga palad upang ipakita ang kanyang dismaya. "Akala ko talaga, magbabakasyon na lang tayo sa natitirang mga araw ng school year na 'to. Pagkatapos ba naman nating sumabak sa digmaan, bakit pa tayo bumalik sa eskwela?"
"Kung ayaw mong sumama, eh di huwag," sagot ni Ria sa kanya. "It's not going to be our fault if you have to stay here to take summer class kasi kulang 'yong contribution mo sa missions natin."
"Tama ka," sang-ayon ni Chase. "Si Trev lang 'yong masisisi kapag nagkulang ako sa mission contribution."
"Dio," tawag ni Art kay Dio na nakaupo sa silyon habang nakatulala sa harapan. "Anong sabi ni Doc tungkol kay Kara?"
"We have to leave now." Tumayo si Dio. "I learned she just woke up when I stopped by the clinic on the way here." Kinuha niya ang kanyang bag. "I asked Doc not to tell her about us leaving for a mission. Not at least while we're still here."
Napa-hmm ako bilang sang-ayon sa sinabi niya. Kinutuban nga rin naman ako na kapag nalaman ni Kara na papaalis kami para sa misyon, sasama 'yon.
Si Ria ang nagbukas ng pinto. "Shall we?"
Isa-isa kaming lumabas ng dorm bitbit ang mga gamit namin. Kasabay ko sila sa paglalakad sa hallway nang maalala ko na naman ang sinabi ni Ria tungkol sa mga magulang namin.
'They never tried to understand us, and they never will...'
Hindi ko napansin ang pagbagal ng aking mga hakbang hanggang sa namalayan kong mag-isa na lang pala akong naglalakad sa gitna ng corridor.
Malalim na ang gabi. Mas lalong dumilim ang daanan, at sa sandaling napagdesisyunan kong habulin ang iba, napatigil ako nang makita ko ang isang matangkad na anyo, nakatalikod sa'kin, sa may unahan.
Bahagya akong pumiling nang makilala kung sino ito. Pagkatapos, napatikhim ako sa hiya at nagmamadaling tumungo kay Trev, na muling naglakad nang mapansin niyang papalapit na ako sa kanya.
Isang metro ang layo namin sa isa't isa habang nakasunod ako, at tanging ang mga gulong ng hinihila kong maleta ang pumupuno sa katahimikan.
"There you are!" bungad sa'kin ni Ria pagliko namin sa hallway, kung saan naghihintay pala sa'min 'yong iba.
Dumako siya sa'kin. "Did you forget something?"
Nginitian ko si Ria at saka umiling.
Malakas siyang bumuntong-hininga. "I have a favor to ask you." Tumabi siya sa'kin sa paglalakad.
Nilingon ko siya. "Ano 'yon?"
"Can you..." Hininaan niya ang kanyang boses. "Can you..." Tuluyan na nga siyang bumulong, "Can you command the boys to carry our bags?"
YOU ARE READING
The Last Elysian Oracle (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves, giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deiti...
