“TULONG!!” Pamilyar yung boses na yun ah.

“Teka.. si Allisha ba yung sumisigaw?” Sabi ni Patrick. Syempre kami ito tumakbo agad papunta sa table.

“O ano nangyari?” Sabi ni Kyle.

“Y-yung bag ko!!” Nagpapanic na siya. Tinuro niya yung lalaki na mabilis tumatakbo na hawak yung bag niya.

Tumakbo agad ako. Syempre, kaibigan ko pa din naman si Allisha kaya dapat kong tulungan noh. Hindi ko napansin na si Kyle din pala tumakbo. Ang nangyari tuloy ay nagunahan pa. Mabilis tumakbo yung magnanakaw pero nahabol din namin nung nagiba kami ng direction.

Nacorner namin yung lalaki. Hinila ko na yung bag ni Allisha. Si Kyle naman ang sumipa sa may tuhod kaya napaluhod siya. Ako naman binatukan ko. Nasa loob pa kami ng mall ngayon kaya nagtitinginan ang mga tao.

“Bakit mo ginawa yun ha?” Sabi ko habang hawak yung kamay niya sa likod. Ang violent namin, hahaha. Magpulis na lang kaya ako?

“M-may nag-utos lang.” Natatakot na ata. Nakabonnet pa din siya, hindi pa namin tinatanggal.

“Sino nag-utos sa iyo?” Inikot ko na yung kamay niya. Aray! Hindi ko maimagine kapag ako yung nasa pwesto niya. Masakit kaya matwist ang buto mo.

Hindi na siya nakasalita. Dumating na yung mga security guards. Pinosasan na siya at pinatayo ng mga guards. Tatanggalin ko na sana yung bonnet para makita na namin kung sino yun pero..

“Sir, wag niyo na po tanggalin. Kami na po ang bahala sa kanya.” Sabi nung isang guard. Sumunod naman ako.

Umalis na sila at sakto naman sumunod pala sa amin si Patrick at Allisha. Naiwan ata si Audrey para bantayan yung mga gamit na naiwan dun.

“Eto na bag mo. Ingatan mo na yan sa susunod ha baka manakaw na naman.” Inabot ko yung bag.

“Salamat, Kuya Rupert!” Ngumiti siya.

“Ako? Walang thank you?” Umeksena na naman si Kyle. Nakakapikon na din.

Pero bakit ba ako napipikon? Sa tingin ko kasi, masama itong Kyle at hindi nila dapat pagkatiwalaan. Ako lang naman ata ang nag-iisip nun. Sa kanila, ang bait bait nitong Kyle. Yun nga ang delikado, mabait masyado.

“Luh! Syempre, salamat po!” Hinug niya yung Kyle. Bakit niya hinug yung Kyle tapos ako ngingitian lang? Madaya ito ah!

“Tara, lumamig na yung pagkain dun. Kain na muna tayo.” Sabi ni Patrick. Bumalik na kami sa foodcourt.

Magkakatabi kaming lalaki at magkakatabi yung mga babae. Nasa harapan ko si Allisha. Nasa harapan naman ni Kyle si Christine. Nasa harapan naman ni Patrick si Audrey.

Nagsimula na kami kumain. Wala munang pansinan, gutom na eh. Pagkatapos kumain, dun na kami nagkwentuhan.

“Kyle, sabi ni Allisha, heartthrob ka daw sa school niyo?” Sabi ni Patrick.

“Umm. Hindi naman.” Ang angas ng dating niya. Nakakabanas! Kapag naiirita nga naman sa isang tao, lahat ng ginagawa nila naiinis ka.

“Ang sikat ay si Kuya Rupert! Hindi iyan si Kyle!” Sabi ni Christine.

“Hahaha. Hindi naman. Wala naman akong fans, friends lang.” Sabi ko. Friends ang turing ko sa kanila.

“Ang dami kaya niyang likers!” Sabi ni Patrick.

“Likers lang yan.” Iniinis ba talaga ako nito ni Kyle? Hay. Mananahimik na lang ako pero sa utak ko nakailang suntok na ito, hahaha.

“Pa-sweetan tayo kay Allisha, o ano?” Dagdag ni Kyle. Pa-sweetan?

“Ha? Anong pa-sweetan?” Sabi ni Allisha. Aba, basta si Kyle ang nagsasalita, magsasalita din siya!

“Pa-sweetan. Yung dapat maging sweet sa iyo. Dapat kiligin ka. Game?” Kaya ko ba yun? Eh itong si Kyle, kausapin lang si Allisha ay kikiligin na. Ano ba pwede kong gawin?

“Out ako diyan! Kung pa-bitteran o pa-inisan ay pwede pa. Hahahaha.” Sabi ni Patrick. Hahaha. Ang sama nito sa kapatid niya.

“Ikaw, Matt?” Mga kaibigan ko lang ang tumatawag sa akin nun. Sa pagkakaalam ko ay hindi kita kaibigan. Gustong gusto ko na sabihin pero ayaw ko maging mean. Teka, papayag ba ako?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE

Chapter 10 na pala? Meaning ay 10 weeks na ang ISWAR! Happy 10 weeks! Grabe, ang bilis ng panahon noh? Malapit na matapos ang 2013. Ano ang new year's resolution niyo? Tas, kilala niyo ba ang author nito? Yung iba parang kilala eh. :)

Anyways, may deal ako, nagawa ko na kasi yung chapter 11 at gusto ko magbigay ng regalo sa inyo pero sa isang condition, VOTE AND COMMENT! Gusto ko malaman ang comments o suggestions niyo eh. Mag double update ako kapag nakita ko na madami na kayong comment at votes :3 

Magpapadedicate ka ba? Comment lang po ha! Wag na kayo mahiya, hindi naman ako kumakain ng tao eh. Ingat kayo palagi. :) MERRY CHRISTMAS!

P.S. Pagkatapos ng It Started With A Reply, may susunod na fanfiction ulit ha. Support support din!

This chapter is dedicated to:

mrbinseu

ChezieMaanNava

ChoBerry

XweetieeBelle

jeeyana

Ultimatedaydreamer

cjh101596

DEERestLemonCandy

INSPIRITLaley

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now