-Forty Three-

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakakahiya! Ang lakas ng loob kong humarap sa kanya. Gahd! Paano ako lalabas dito? At paano ko patutuyuin ang damit ko? Waaah! Anong gagawun ko? Buti nalang hindi umandar ang pagiging pervert nya.

Pwede bang magkulong nalang dito sa banyo? Paano ako lalabas sa banyo? Tsaka! Wala akong damit na dala. Nakakaasar!

"Nam, open the door." lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nag-init agad ang pisngi ko. What? Nababaliw na ba sya? Paano ako haharap sa kanya? Eh bakat na bakat pa rin hanggang ngayon yung bra ko. Nakakaasar!

"Nam I said, open the door or baka naman gusto mong ako pa ang magbihis sayo dyan?" alam kong tototohanin nya ang sinabi nya. Alam kong sa ngayon nakangisi na sya.

Binabawi ko na yung sinabi kong hindi sya pervert ngayon. Nakakainis! Sumilip lang ako sa pinto. Sinigurado kong hindi nya makikita ang katawan ko. Nakangisi sya habang nakatingin sakin. Ang manyak talaga!

"Wear it." ibinigay nya sakin ang t-shirt nya at umalis agad. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Akala ko.. Gahd! Ako ata ang pervert dito. Bakit ko ba naisip na papasok sya dito? Aarrrgh!

Isinuot ko na yung bigay nyang t-shirt. Ang bango ng shirt nya. Parang yakap-yakap ko sya ngayon dahil sa shirt nya.

Lumabas na ako ng banyo ng makita ko ang sarili ko na okay na. Nakita ko syang naka-upo sa couch at nanunuod. Napangiti nalang ako. I miss him so much. Kung pwede lang na yakapin sya nagawa ko na.

"Tapos ka na bang titigan ako?" nawala ang ngiti sa labi ko ng magsalita sya bigla. Napayuko nalang ako ng maramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Bakit kasi hindi mapigilan ang sarili ko? Huminga muna ako ng malalim bago humarap sa kanya. Itinaas ko ang kilay ko.

"H-indi ako tumititig sayo. Kapal mo talaga kahit kailan Evil Gangster." sabi ko sa kanya. Inirapan ko sya. Kaya mo yan Nam, alang-alang sa dignidad mo. Narinig ko ang mumunting tawa nya. Napatingin ako sa kanya ng diretso. "Pinagtatawanan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Umiiling sya pero halatang nagpipigil lang ng tawa. Aaaarrgh! Bakit imbis na sya ang inisin ko, ako yung naiinis? Nakakaaaar ha?

Tiningnan ko sya ng masama para kasing wala syang balak tumigil.

"Okay, okay. Titigil na ako." sabi nya.

Nanatili lang kaming tahimik. Tsk! Nakakaasar! Hindi ako sanay na tahimik kami. Nasanay na kasi ako na nagbabangayan kami. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.

"Im sorry, Evil Gangster." gusto kong mag-usap kami ng problema namin. Alam kong hanggang ngayon hindi pa rin kami okay.

Nagulat ako ng hapitin nya bigla ang beywang ko. Napasubsob ako sa dibdib nya. Narinig ko pa ang pagtawa nya. Ramdam na ramdam ko ngayon ang init ng katawan nya. Tumaas ang lahat ng balahibo sa katawan ko.

"It's okay, Honey." naramdaman ko ang paghalik nya sa ulo ko. Hindi ko alam pero agad ko syang niyakap. Gusto kong umiyak hindi dahil sa lungkot kundi sa saya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Isinubsob ko pa ang mukha ko sa dibdib nya.

"Sorry, Evil Gangster. Gusto ko lang naman na magkaayos kayo ng Mama mo." sabi ko.

Siguro ngayon naririnig na nya ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas. Narinig ko ulit syang tumawa. This time humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Ano ba Evil Gangster! Seryoso ako!" sabi ko sa kanya. Para kasing hindi nya sineseryoso ang sinasabi ko. Parang pinagtatawanan nya lang ako.

"Tsk! Honey, okay Hindi na ako tatawa. Just hug me again." hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi nya. Kinikilig ako pero hindi ko pinahalata.

"Ayaw!"

"Okay, kahit ano gagawin ko just hug me Nam." napangiti ako sa sinabi nya. Tiningnan ko sya ng seryoso. Ganon na ba nya kagusto ang yakap ko?

"Makipag-usap ka sa Mama mo." nakita ko ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha nya. Hindi ko maiwasang kabahan. Magagalit ba ulit sya? Nam, ang tanga mo! Bakit kasi walang preno 'tong bibig ko? Balak ko na sanang bawiin ang sinabi ko ng magsalita sya.

"Fine." hindi ko namalayan dahil sa sobrang tuwa nayakap ko agad sya. Natutuwa ako dahil binigyan nya ng chance ang Mama nya.

"Thanks Evil Gangster." sabi ko sa kanya. Ang lawak lawak pa ng ngiti ko habang sinasambit yan.

"May kapalit yan." nakangisi nyang sabi. Halos tumayo lahat ng balahibo ko dahil sa pagbulong nya. Feeling ko nanghihina ako. Husky ang boses nya.

"Kiss me. Just try my lips honey."

"Wha—"

Bago ko pa man tapusin ang sasabihin ko he kissed me. Parang nawala ang bigla ang ulirat ko dahil sa halik nya. Gusto kong sabihing tumigil sya pero mismong katawan ko ang pumipigil sa akin para sabihin yun.

Pinadausdos nya ang kamay nya sa beywang ko. Parang bigla nalang tumigil ang sistema ko sa paghaplos nya. Nakakapanghina pero ramdam na ramdam mo kung gaano ka nya kamahal.

"Jarvis baby— Gosh! What are you doing?!"

Naitulak ko agad si Evil Gangster. Napatingin ako sa babaeng nasa pinto. Jarvis Baby? What the! Sweet endearment.

Tiningnan ko si Evil Gangster. Tahimik lang sya. Hindi man lang sya mag-eexplain? So talagang guilty sya?

to be continued...

***

Sorry kung short update lang. Dedicate again kay imlovehazel. Thanks dahil patuloy kang sumusuporta. Deserved mo itong dedication.

My Prince Is A Gangster?! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon