Chapter 1

1.1K 17 1
                                    

"Kim, nandiyan na iyong customer mo, sabi sa kanya ni Gretchen.

Sige, Gretch, pupuntahan ko na siya, sagot niya sa babae. Napansin niyang nakangiti ito ng matamis kay Robi. Bumaling siya sa lalaki. "Bakit hindi mo tingnan si Gretchen?" sabi niya sabay kindat. Iniwan na niya ito para puntahan ang matandang customer.

Halos kasing-edad lang ito ng kanyang lolo. Minsang kumain ito roon at parang may malaking problema na dinadala, ginawa niya ang lahat para maging masaya ito. Ayaw niyang nakakakita ng mga taong nalulungkot lalo na kung matandang lalaki; nakikita kasi niya sa mga ito ang kanyang lolo.

Natuwa yata ito sa kanya kaya simula noon ay palagi na itong kumakain doon, at gusto siya palagi ang nag-e-entertain dito. Dahil natutuwa rin siya dito ay pinagbibigyan niya ito. Hindi ito umo-order ng pagkain hangga't hindi siya ang lumalapit.

"Good morning, Lolo," masaya niyang bati nang lapitan niya ang matanda. "Good morning din, Hija," nakangiting sabi ni Lolo Lucas. "Ano po ang gusto niyong kainin ngayon, Lo? tanong niya. Nakasanayan na niyang tawagin itong 'Lolo'. Hindi nga lang niya alam ang pangalan nito.

"Iyong lalaking kausap mo kanina, mukhang ang sweet ninyo tingnan. Boyfriend mo ba iyon, Hija? "Ah, si Robi po ba? Naku hindi ko po boyfriend yun, kaibigan at katrabaho ko lang po si Robi, Lo. Naisip ni Kim na baka nagseselos si Lolo Lucas kay Robi. Natapos ang trabaho ni Kim na walang problema. Lumabas na cya ng restaurant papunta sa sakayan ng jeep ng makita nya ang pares na nagki-kiss sa harap ng restaurant na walang iba kundi sina Xian at Melissa. Nainis siya dahil wala sa lugar ang ginagawa ng dalawa. Kaya hindi siya naka tiis at tinapik sa balikat si Xian pero hindi ata naramdaman ni Xian kaya nilakasan nya ang pagtapik dito. Hey! you young lady, what's your problem, tanong ni Xian kay Kim. Ah, eh baka naman pwedeng sa ibang lugar niyo na gawin yang milagrong ginagawa niyo, mukha ka namang maykaya bakit d mo dalhin sa hotel yang kasama mo sabay tingin kay Melissa. Do you know her Xi? tanong ni Melissa kay Xian. No. Sagot ni Xian. Then, what the hell is your problem, Miss? Tanong ni Melissa kay Kim. For now, wala pa pero kapag hindi nyo tinigil yang ginagawa niyo malaki ang magiging problema ko at kayo ang may kasalanan nun, sagot ni Kim kay Melissa. Kaya, kung ako sa'yo pare dalhin mo 'tong girlfriend mo sa hotel at dun nyo ituloy yang milagrong ginagawa nyo, sabi ni Kim kay Xian. Pagkatapos nun ay iniwan ni Kim sina Melissa at Xian, na nakatulala lalo na si Xian ng sabihin ni Kim ang salitang 'girlfriend'.

Pagkauwi ni Kim sa apartment nakahain na ng hapunan si Lolo Zach. Kaya mahal na mahal niya ang kanyang lolo dahil sobrang maalaga ito sa kanya. Lahat ay handang gawin ni Kim para sa kanyang lolo. Pagkatapos nyang kumain at hugasan ang pinagkainan nilang maglolo ay natulog na cya. Naalimpungatan cya ng mapanaginipan si Xian na may kahalikang babae at ang babaeng iyon ay walang iba kundi cya, kaya mabilis bumangon at nagpunta ng kusina para uminom ng malamig na tubig. Bakit kaya niya napanaginipan si Xian?

Lolo, bakit ang pagkabinata ko ang napapansin yon, nagbibirong tanong ni Xian kay Lolo Lucas. Alexander Xian, your old enough to get married, sabi ni Lolo Lucas sa kanya. Ito lamang at ang kanyang parents ang tumatawag sa kanya sa buong pangalan kapag seryoso ang pinag-uusapan. But Lolo, I'm still enjoying my life as a bachelor. Yeah, right still enjoying your life sa parang damit na papalit-palit mo ng girlfriend. But, Lo, wala naman akong sinasaktang babae, and aware sila na hindi pa ako handa sa commitment. YOU NEED A WIFE, matigas at seryosong sabi ni Lolo Lucas. Your, Lolo's right son, sabi ni Mommy Mary Anne. Mom, pati ba naman kayo, nagtatampong sabi ni Xian. Aba anak, paano mo kami mabibigyan ng 3 apo kung wala pa sa plano mo ang pag-aasawa. Mom, apo lang po ba you know I can easily giv that to you. Xian said in a mocking tone. Huwag na huwag mo kaming bibigyan ng apo salabas , Alexander Xian, histerikal na sabi ni Mommy Mary Anne kay Xian. Mom, relax, I'm just kidding. Alex, magkita tayo bukas sa restaurant, I need you to observe the place baka ikaw na ang mamahala doon next month, sabi ni Lolo Lucas. Akala ko ba ako ang mamahala ng lahat ng business natin including Twin Dragons. Ang Twin Dragons ay itinayo ng kanyang tito si Andy Wu Lim bukod dun ay paborito din itong restaurant ni Lolo Lucas dahil dito siya nagpropose ng kasal kay Lola Yolanda. Magbabakasyon, pala ako kasama ang kumpadre ko sa beach house natin sa Subic, paalam ni Lolo Lucas sa kanya. Nagtaka si Xian kailan pa nagkaroon ng close friend ang kanyang lolo.

AgreementWhere stories live. Discover now