Chapter 1 - First Job

Start from the beginning
                                        

Bago pa man ako makasagot ay bumukas na ulit ang pintuan ng confe room. Napasinghap si Tine pero nanatiling walang emosyon sa mukha ko habang tinitignan ang lalaking nakatayo doon.

Mukhang kabaligtaran ni Tine ang isang ito, kung si Tine ay masiyahin, ang isang ito ay mukhang seryoso. "Hi, I'm Tine." Tumayo si Tine at naglahad ng kamay.

Inabot naman ng lalaki ang kamay ni Tine at kitang kita ko kung paano namula ang buong mukha ni Tine. "Adam." Nanlamig ang buong katawan ko sa lalim ng boses niya. Akala ko aura lang niya yung nakakaintimidate, pati pala boses niya.

Nang balingan niya ako ng tingin ay umayos ako ng upo. "You are?" Anito at inabot ang kamay sa akin.

Tinanggap ko iyon at ngumiti ng bahagya. "Mira." Simpleng sabi ko.

Naupo siya sa upuan sa tabi ko. Nilingon ko si Tine at halos mabali na ang leeg niyo kakatingin kay Adam. Napailing nalang ako sa inaasal niya, para siyang bata pa kung magkacrush. It's so obvious.

Ilang minuto din kaming naghintay hanggang sa dumating si Miss Janet, ang manager namin. Binigay niya ang ID naming tatlo na magagamit namin para makapasok sa iba't ibang floor ng kompanya sa building na 'to. Inexplain niya na sa iisang team kami mapupuntang tatlo, at binigay niya narin ang kanya kanya naming laptops na gagamitin sa trabaho.

"She's Rica, siya yung magiging team lead niyo, at siya narin ang magtotour sainyo sa company." Sabi ni Miss Janet at tinuro ang katabing babae nito na sa tingin ko ay ka-edad lang namin. Matapos magpakilala ni Miss Rica ay nagpaalam na si Miss Janet para daw maitour na kami ni Miss Rica at maituro na sa amin ang basics ng trabaho namin.

Inilibot niya muna kami sa company. Delta Inc. has a total of 6 floors in this building--6,7,8,16,17 and 18. Bawat floor ay may pantry, sleeping quarters, private CR, at iba't ibang conference rooms na ang mga pangalan ay mga pangalan ng probinsya. Kanina ay sa Sulu kami, meron ding Bulacan, Cebu, Pampanga, Cavite, Cagayan at iba pa.

Salungat sa naisip ni Tine ay malalaki ang ibang conference rooms ng Delta. Malaki din ang pantry nito at maganda. Pinakilala narin kami sa 3 iba pa naming makakasama at mababait naman sila. Napangiti ako, mukhang mag-eenjoy ako sa trabaho ko, sa mga kasamahan ko at sa company.

Tabi tabi kami ng cube nila Tine at Adam. Bale napapagitnaan nila akong dalawa. Malaki din ang espasyo ng bawat cube at may drawer din kami para paglagyan ng iba pang gamit namin. Napangiti ako ng makita ang cork board sa cube ko, malalagyan ko iyon ng mga pictures namin ni Troy.

Nang maiayos ko na ang mga gamit ko sa cube ko ay saktong pagtunog ng cellphone ko. "Hello babe?" Sagot ko sa tawag ni Troy.

"How's your first day so far? Lunch na namin, kayo ba?" Magkasunod na tanong nito sakin.

Sumenyas si Tine kung bababa na daw ba kami para bumili ng pagkain. I nodded and signaled her to wait for me in the elevator. "Lunch narin, pero flexy time naman kami so anytime pala kami pwede maglunch." Sabi ko kay Troy.

"Saan kayo kakain?" Nagulat ako ng biglang magsalita si Adam sa gilid ko.

"Bibili kami sa baba ng kahit ano, tapos sa pantry nalang kami kakain." Sagot ko sakanya. "Sama ka?" Alangan kong pahabol.

"Sure. Let's go?" Ani Adam at tinanguan ko lang siya.

"Sino yun?" Sabi ni Troy mula sa kabilang linya at doon ko lang naalala na kausap ko nga pala siya.

I shook my head and grabbed my wallet. "Officemate ko. Bago din." Sabi ko kay Troy. "Si Michael kasabay mo kumain? Saan kayo kakain niyan?" Pag-iiba ko ng topic dahil nabosesan ko agad ang seryosong tono nito tuwing nagseselos.

"Sabay kayo maglulunch?" Mas sumeryoso ang boses nito.

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Syempre, kami kami palang magkakakilala, eh." Pagdedepensa ko.

Naiimagine ko na ang pagkunot ng noo ni Troy sa kabilang linya. "Tss. Sige na, kakain na kami." Anito at binaba ang tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero hindi na ito sumasagot.

Umandar na naman yung pagiging seloso niya. Tss! Tama bang magselos dito sa kaopisina ko eh ilang oras ko pa nga lang itong kakilala. Parang timang talaga 'tong boyfriend ko na 'to.

"Boyfriend mo yung kausap mo kanina?" Tanong ni Tine pagdating namin ni Adam sa may harap ng elevator.

I nodded but I didn't utter a word dahil busy ako kakacompose ng text para kay Troy para sabihin na wala siyang dapat ikaselos kay Adam.

He's just an officemate.

Trabaho lang ang namamagitan sa amin ni Adam. Iyon lang iyon. Hinding hindi ko ipagpapalit si Troy, kahit pa ilang beses na siyang nagloko sa relasyon namin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang siya itong walang tiwala lagi sa akin, pero siya naman itong palagi kong nahuhuli na nambababae.

All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)Where stories live. Discover now