60

6.3K 160 0
                                    


Yong akala mong perfect na at okay na ang lahat ay hindi pa pala.

Riley is back.

Hindi ko inaasahang makikita ko siya sa baba ng office.


"Yuri. I need to talk to you." She looks pale and weak.


"Riley please, hayaan mo na kami ni Yance." Kalmado kong sabi sa kanya.

"Yuri, I am sick and dying. I need her." Pigil iyak niyang sabi.


"I need her too.. Riley, ang tagal naming nagkahiwalay. Nagpaubaya ako kasi naguluhan siya at akala ko.mahal ka pa rin niya. Pero ako ang mahal niya kaya this time ilalaban ko na siya. Sorry, selfish man ako pero hindi ko na kayang mawala pa siya." Kalmado pa rin ako.



"Paano naman ako? Ako ang nauna. Bakit kasi dumating ka pa." Pigil iyak niya.


"Nagparaya na ako. Sorry Riley di ko isusuko si Yance."


"You know what. Yong bahay niya pinagawa niya yon para sa akin." Nagulat ako sa sinabi niya. "And the bar.. That was name after me. My full name is Riley Sofia. She used to call me Sofia kaya yon ang pinangalan niya doon."


"I admit hindi ko yon alam.. Pero all of those are all part of the past. Iba na ngayon." May kunting selos pa rin akong nadama pero ang alam ko ngayon ako ang mahal niya.



"Yuri! How much do you need? I can give it to you!" Sigaw niya.


"Yance is priceless. Hindi siya bagay na nakukuha sa pamamagitan ng pera. Riley, love yourself. I respect you. Katulad din kita na nagmamahal din. Hwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo at si Yance."


Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko.


"Please Yuri, ibalik mo na siya sa akin. Mas kailangan ko siya."


"Riley please tama na. Tumayo ka na." Pilit ko siyang pinapatayo. "Look girl, you are damn gorgeous, hindi lang talaga si Yance ang para sayo. Please..understand Riley."


Hindi ko malaman ang gagawin dahil iyak siya ng iyak.


"Hon? What happened? Riley?" Gulat na sabi ni Yance. Agad siyang tumakbo kay Yance at yumakap.


"Yance! Please come back to me. I beg you. I need you."


"Riley please it's all over tama na. Si Yuri ang mahal ko."


Isang sampal ang narinig ko na kinagulat ko.


"I will make you and her life miserable!" Galit na sabi niya at umalis. Lumapit ako kay Yance at hinawakan ang pisngi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at umalis na rin kami.


Ang gulo talaga kapag andito si Riley. Hindi ko siya maintindihan. Nabanggit din ni Yance sa akin na may sakit ito. Sana lang wag niyang gamitin ang sakit niya para agawin sakin si Yance. Bakit ba ang tindi ng kalaban ko kay Yance kahit ako napaparanoid.


Naging usap usapan ang nangyari na yon sa office. May nag sasabi na inagaw ko si Yance. That I am a gold digger. Nakakasawa na sila. Insecurity really kills.

Pinapabayaan ko nalang at trabaho ko nalang ang inaatupag ko.

Naghihintay ako kay Yance nang may dalawang lalaki na lumapit sa akin.

"Miss Yuri! Pinapatawag ka po no Miss Yance!"'sabi nong isa.

Kumunot ang noo ko. Hindi ito ugali ni Yance. Tatawagan ko na siya gamit yong phone na binigay niya sa akin pero hinawakan nung isang lalaki ang braso ko na kinagulat ko.


I've Been Waiting For You (GxG)Where stories live. Discover now