30

5.1K 146 1
                                    


Naging pareho kaming abala sa mga trabaho namin. Mas napapansin ko din na lagi niyang kasama si Bea. Hindi ako nagtatanong. I trust her kaya hinahayaan ko lang pero hindi pa rin ako mapakali.

Madalas na din nya akong hindi masundo sa trabaho pero ayos lang sa akin kasi kaya ko namang mag commute at malapit lang din at umaga naman ang pasok ko. Naiinis lang sa tuwing late na siyang umuuuwi at lagi pang nakainom halos araw araw ganun. Sa bar nya lang naman daw sya galing. Hindi nalang ako kimikibo pero napupuno na ako. Puro nalang si Bea! Kesyo pasama sa business, sa mall sa pagpunta ke ganito ganoon. Nakakasawa na!

I hated my self kasi masyado akong mabait o masyado lang akong tanga o martir?

Nawalan na siya ng oras sa akin. Lahat na kay Bea na..

And..

It hurts me..

Napaisip ako..nagkulang ba ako?

"Yuri?" Agaw pansin ni Pearl kasama si Rikka at Drea.

"Hey guys! Anong ginagawa niyo dito? Hapon na ah." Tugon ko sa kanila.

"We missed you.. Rest day namin ngayon. Mall naman tayo!"'aya ni Rikka.

"Sinadya ka talaga namin dito kaya di ka pwedeng di sumama.." segunda ni Drea.

Napangiti ako at saglit na nawala ang mga naiisip.

"Ang susweet nyo talaga! Oo naman sama ako. Libre ko kayo sa unli cakes and coffee." Masayang aya ko sa kanila.

"Wow galante!" Natutuwang sabi ni Pearl at Rikka.

"Sige ha! Promise yan!'nakakamiss din bonding moments natin. Mula ng nag kagf ka na at naging trainer ka na di na tayo ganong nakakalabas." Nakangusong sabi ni Drea.

"Kayo naman.. Anytime naman pweee tayo magbonding!" Nakangiti kong sabi habang inaayos mga gamit ko.

Napaisip ako..sa tuwing malungkot ako nagiging takbuhan ko ang sweets.

Nakarating kami sa mall at gamit namin ang kotse ni Pearl. Nagtingin tingin muna kami ng gamit at naisipan naming mag salon.

I decided to change my hairstyle. Sana magustuhan ni Yance ang new look ko. Pinaiksian ko ng medyo shoulder lenght na straight ang buhok ko tapos may bangs.

"Bagay sayo yan ate Yuri!'sana nagpakulay ka din." Sabi ni Rikka.

"Feeling ko bagay sayo ang blonde!" Si Drea.

"Hindi na. Mas gusto ko kasi black hair lang."'sagot ko. Nagwindow shopping kami at nag iisip ng pwedeng mabili. Habang naglalakad sa isang botique I saw them..

Yance and Bea.. Holding each others hands.. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagseselos ako. I dont know what to do. Nagbago ang mood ko..

Sana hindi nila ako nakita.. Umiwas ako. Mukha silang masaya. Pero di ko mapigil ang sarili ko na sundan at tingnan sila. Am I really turtoring myself?

This is part of being inlove..getting the pain..

Nanlamig na ang kamay ko.. Gawain ba talaga to ng magbest friend?

I dont want to over think..

Lumakad na ako papalayo at nakasalubong ko sila Pearl.

"Saan ka pumunta? Bigla kang nawala." Iritang tanong ni Drea.

"Uhmmm wala naman.. May nakita lang ako."'pilit akong ngumiti. "Tara na guys.. Cake na tayo." Aya ko sa kanila. Ayaw ko na makita nila si Yance kasama si Bea. Knowing Pearl who has been broken, Drea who is a protective friend and Rikka who doesnt want to see me get hurt..

Pumunta na kami sa unlimited cakes at pinilit kong itago ang nararamdaman ko pero hindi ako nakaligtas sa kanila.

"Now Yuri! Spill it out." Biglang sabi ni Pearl. Napasubo ako ng cake bigla.

"Im okay.." sagot ko sa kanila.

Tumahimik sila.

"No you are not." Seryosong sabi ni Rikka.

Hinawakan ni Pearl ang kamay ko.

"Tell us.. Minsan kailangan mo ilabas yan baka mapuno ka na."'segundo ni drea.

Tahimik lang ako.

"Guys, I so love you.. Thankfull ako kasi andiyan kayo. Pero sa ngayon hayaan nyo muna ako." Pinipigil ko ang luha ko. Tumahimik sila. Si Rikka seryosong nakatingin sa labas. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya.

"Is she faithfull?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman.." sagot ko.

"So tell me? Who's that girl!" Iritang sabi ni Rikka. Nagulat ako.

"Best friend ni Yance..si Bea." Sagot ko.

"The hell?" Nanlaki din ang mata ko kasi hinalikan ni Bea si Yance sa pisngi at ngiting ngiti pa ito.

"Mag magbestfriend bang mukhang magjowa!" Inis na sabi ni Drea. Agad namang tumayo si Pearl at pumunta sa kinaroroonan nila Yance. Napasunod ako agad pero pinigil ako ni Drea.

Nahalata ko na nagulat si Yance sa pag approach ni Pearl sa kanila at mukhang naiirita naman si Bea.

Napabuntong hininga naman ako at kinakabahan. Tinuro ako ni Pearl at napansin ko namang papalapit na si Yance.

"Hon.. Bakit ka andito?" Tanong niya sa akin pagkahalik sa pisngi ko.

Gusto kong itanong anong ginagawa nila ni Bea dito pero di ko magawa.

"Niyaya namin ang kaibigan namin. Kawawa naman kasi eh laging mag isa." Makahulugang sabi ni Drea.

Si Rikka umoobserba lang.

Si Pearl masama ang tingin kay Bea.

"Sorry hon. May pinuntahan lang kami ni Bea at may kailangan lang bilhin." Pagpapaliwanag niya.

"Ang sweet nyo namang mag bestfriend." Biglang sabi ni Pearl. "Holding hands and kiss in the public place."

Napatingin siya sa akin at umiwas lang ako.

"Hon, please dont give a meaning.." mahinahon niyang sabi.

"Yance? Matagal pa ba? May kailangan pa akong puntahan." Naiinip na sabi ni Bea. "Yuri pahiram muna sa beat friend ko."

"Uy uso na pala yon." Biglang sabi ni Drea. Narinig ko ang buntong hininga ni Yance. Im.trying my best to hide my feelings. Hindi ko naman mapigil ang mga kaibigan ko.

"Hon, halika na hatid na muna kita." Pag aaya niya sa akin.

"No need. Im okay. Sige na umalis na kayo. Magbobonding pa kami ng mga friends ko." Sagot ko sa kanya.

Napakunot ang noo niya.

"Uwi na tayo." Pilit niya.

"Hayaan mo muna ako. Malapit lang naman ang condo dito. Kaya ko ng umuwi."

"Yance tara na." Aya ni Bea. Hindi na ako umimik. Hinalikan nalang niya ako at umalis na siya.

Nakita kong naiinis sila Pearl pero hindi na sila umimik o gumatong pa. Naisipan naming magmovie. Pinilit kong tumawa pero ang puso ko dumudugo pa din.

Inabot kami ng gabi at dahil may pasok pa ako kinabukasan hinatid na nila ako sa may condo.

Nadissapoint ako.. Wala si Yance. She is still with Bea and didnt even text or call me.

Nang makapagbihis nahiga na ako sa kama at di ko na napigil ang pag iyak ko hanggang sa makatulog.

Sana mali ako sa mga naiisip ko.

I hate my instinct..

I've Been Waiting For You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon