44

5.2K 152 8
                                    

Minsan talagang may bagay na hindi mo alam ang gagawin. Na kahit nasasaktan ka na nagpapatuloy ka pa rin. Na kahit na nagmumukha ka ng tanga, sige parin dahil nagmamahal ka.

For her I can make sacrifices..

Nag usap kami..

Nasasaktan ako sa nalaman ko dahil alam kong nasasaktan din siya.

Riley was her first.. Her first love and everything. Kaya siya umalis ay dahil may sakit siya na akala niya mamatay na siya. Ayaw nilang mawala sa isat isa pero pinili ni Riley na iwan siya para kung mawala man siya hindi na gaanong masasaktan pa si Yance. She even said that Riley cant believe that she would survived the operation. She has cancer.

She cried in front of me while telling me the story.

All the pain went back to her and that proves that she still loves her.

But she chose me so I stay..

I will make her love and see only me.

She chose me so I promise that I will fight for her.

But once she gave up.. I will leave..

"Ikaw ang bumuo sa akin Yuri, mahal kita sobra. Patawarin mo ako kung naguguluhan ako ngayon. Pero kahit anong mangyari hindi kita iiwan." Narinig kong bulong niya sa akin kasabay ng pagpatak ng luha niya sa pisngi ko. Hinyaan ko lang siya at nagpanggap na akong tulog. "I know I was unfair.. Thank you for staying."

Sana tama ang desisyon ko.

Ako pa rin naman. Siguro this time kailangan ko ng lumaban. I showed my sweet side to her. I prioritized her in all matters.

========

Days passed at mukhang okay naman kami. Sana okay na talaga. She has been busy at work again. Naka restday ako at kasama ko si Jo at Jenna sa bahay ni Yance ngayon. Di Jenna may problema sila ni Minnah at si Jo sawa na daw makipag date. Pero sigurado ako na binabantayan lang nila ako.

Napansin ko sa mesa ang documents ni Yance. Alam kong mahalaga yon.

"Naiwan ata ni Yance ang documents niya." Napansin ni Jenna. "Likahatid natin. Jo hintayin mo nalang sila ako na sasama kay ate Yuri." Sabi nya.

"Sige. Iidlip nalang muna ako." Sabi ni Jo.

Umalis na kami ni Jenna papunta sa office ni Yance. Kabisado ko naman ito kaya dumeretso na ako. Si Jenna naman naiwan sa may hallway dahil may nakitang kakilala.

"Hi Miss Yuri. Napadaan po kayo." Bati niya.

"Naiwan kasi to. Nandiyan ba si Yance?" Tanong ko.

"Umalis po siya pero hindi po nagsabi kung saan pupunta." Sagot ng secretary niya na si Mikki.

"Ah ganun ba. Iiwan ko nalang ito sa office niya."

"Sige Miss Yuri, samahan ko na kayo sa loob." Tugon nito. Pinatong ko lang sa desk niya yong documents at nag iwan ng note. Papalabas na kami ni Mikki nang makita ko si Yance..

Kasama si Riley at masayang nagtatawanan. Nakakapit pa ito sa braso niya.

Ang aliwalas ng mukha niya. Nang makita ko kung gaano sila kasaya siya namang sakit ng nararamdaman ng puso ko. Napako ako sa kinatatayuan ko. Kailan pa sila nagkikita?

Iiwas na sana ako nang tawagin ako ni Jenna. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Yance.

"Ate Yuri! Sorry ang kulit kasi ng kakilala ko..ano.." bigla ding naputol ang sasabihin niya nang nakita si Yance at Riley na magkasama.

I've Been Waiting For You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon