34

4.9K 152 0
                                    

I accepted the double shift. Gusto ko na munang umiwas sa kanya. Naiinis pa din ako sa pangyayari na yon. Kailangan din muna namin ng space.

From: Yance

Hon..please. I'm so sorry. Patawarin mo ako sa nagawa ko.

To: Yance

We need time Yance. Asikasuhin mo muna ang dapat mong asikasuhin. Ayaw kong maging pabigat pa sayo. Nasasaktan ako sa nangyari sa atin pero baka kailangan natin ito.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi pa ako handa na kausapin siya after ng nangyari.

From: Yance

If that is what you want..

Hindi na ako nagreply pa sa kanya. Bakit ang sakit pa rin? Naiintindihan ko siya pero masakit pa rin talaga. Maybe I need this. I dont want to be unfair to her but then I need this for myself.

I can't eat. Wala akong gana. Nasasaktan at nalulungkot ako. Nung nalaman nya na nagdouble shift ako nagalit siya. I explained na kailangan talaga ako sa work at napapansin ko na napapadalas ang tampuhan namin. Mas naging busy pa siya ngayon sa trabaho niya.

"May problema ba kayo?" Tanong ni Pearl. Alam kong di ako makakaligtas sa kanya.

"Maayos din ito Pearl." Sagot ko sa kanya.

"Masyado ka kasing obvious. Kumain ka Yuri! Baka mapano ka na niyan!" Iritang sabi niya. Napangiti ako dahil mahal talaga niya ako kahit na sinusungitan niya ako ngayon.

"I'll be fine Pearl." I smiled at her.

"Pag ikaw nagkasakit, sinasabi ko sayi Yuri sasampalin kita! Nag doubleshift ka pa kasi para namang kailangan mo ng pera eh ang yaman yaman ng fiance mo. Teka fiancee o fiance ba?" Bigla siyang natawa.

"Haha whatever." Natatawa kong sabi. "Ayaw kong umasa kay Yance.. Hindi pwede na dedepende lang ako sa kanya.." tugon ko kay Pearl.

"Paano mo sasabihin sa nanay mo?" Tanong niya. Nakwento ko kasi sa kanya kung ano si mama.

"Maiintindihan niya din ako. Soon papakilala ko si Yance." Sagot ko. "Wala pa namam kaming plan so far."

"Sabagay.. Masyadong mabilis ee nagpropose agad. Wag masyadong magmadali ha." Natatawang sabi ni Pearl.

===

Hindi na kami gaanong nagkikita ni Yance dahil sa busy kami pareho. Mula nung nagkatampuhan kami di pa kami gaanong nag uusap. Alam kong galit at nagtatampo na rin siya sa akin kaya hindi rin ako mapakali.

Rest day ko na uli at masama ang pakiramdam ko. Sobrang sakit ng sikmura ko at kakauwi ko lang ng gabi sa condo. Nagluto ako para sa kanya sana magustuhan niya.

Inayos ko na ang sarili ko. Namimiss ko na siya kaya aasikasuhin ko muna. Hindi ako mapakali dahil late na masyado at wala pa din siya. Kumatok na sa pinto kaya nagmadali akong buksan yon. Nagulat ako dahil medyo lasing siya.

"Honey ko miss na miss na kita." Bigla siyang yumakap sa akin papasok at muntik pa kaming matumba. Ang bigat bigat pa naman niya.

"Yance, anong nangyari sayo? Galing ka bang bar? Bakit ka uminom dba busy ka? Naayos mo na ba ang mga dapat mong asikasuhin?"

"Honey ko pakiss naman ako.." paglalambing niya at pinaghahalikan ako. Hindi ako makaganti sa mga halik niya at hinaga ako sa sofa.

"Yance!? Ano ba ayos ka lang ba?" Pilit akong kumakawala sa kanya. Hinalikan siya ako sa labi ko at hinawakan na pareho ang wrist ko sa bandang ulo. Kinakagat niya ang lowerlip ko kaya medyo napaawang ang labi ko at pinasok niya ang dila niya sa bibig ko. I missed her so much and she made me kiss her back.

"I love you so much Yuri.." bulong niya. Yumakap siya sa akin. "Miss na miss na kita.."

"Yance May problema ba?" Alalang tanong ko sa kanya.

Yumakap lang siya sa akin.

"Pakiramdam ko ang layo mo na." Bigla niyang sabi. "Sabi nila iiwan mo din ako." Napatingin ako sa kanya. "We shouldn't be like this..right hon?"

Feeling ko naguilty ako.. Tinakasan ko siya sa mga panahong dapat ayusin namin ang di pag kakaunawaan.

"Hindi kita iiwan.." sabi ko sa kanya.

I guided her to our room. Pumasok na siya sa banyo para makapagshower. Inaayos ko na yong hinunad niyang damit nang mapansin ko ang lipstick dito. Red lipstick, nakatitig lang ako dito. Nanlamig ako sa nakita ko.

Nakatingin kang ako dito nang lumabas siya nakatapis lang.

"I feel better." Sabi niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko.

"I know what you were thinking." Biglang sabi niya at pnaharap ako sa kanya. Nakatitig lang ako sa mata niya.

"I broke up with my bestfriend." Sabi niya sa akin. Nagulat ako.

"Bakit mo yon ginawa?" Gulat na tanong ko. "Kahit hindi kami okay ni Bea dahil sa nangyari, you shouldn't do that." Medyo natataranta pa ako sa pagsabi at nilapat niya ang index finger niya.

"Complicated na hon.. Ang hirap maging bestfriend ang isang taong may gusto sayo." Sabi niya. "I admit na ex ko siya pero no special feelings at all at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Akala ko okay kami pero she is now desperate to have me back." Mapabuntong hininga siya at di ko alam ang sasabihin.

"She kissed me but I refuse. Thats why I got lipstick on my polo." Hinalikan niya ako sa noo. "She doesnt want the friendship that I offer so I told her that I cant because I love you hon. Only you." I feel her sincerity.

"Okay then, magbihis ka na para makatulog na tayo." Tugon ko dito. Nagulat ako nang itulak niya ako pahiga sa kama at pumatong sa akin.

"We are not going to sleep yet Mrs. GREY." She said sexily seductive and started kissing me.

"Yance, akala ko ba pagod ka?!" Reklamo ko dito. "Wag ka ngang makulit."

"Nakita na kasi kita kaya nawala na ang pagod ko. I so miss you hon..sobra." malambing na bulong niya sa akin. I missed her too.

I've Been Waiting For You (GxG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin