Chapter 31: I Remember The Boy

Start from the beginning
                                    

+++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nang magising si Enrique ay mataas na ang araw. Napansin niyang wala na si Ronnie sa tabi niya.

Agad itong bumangon at nagpunta sa washroom para maghilamos at magtoothbrush. Nang makababa ito ay naabutan niya si Nadine sa garden area habang nainom ng mainit na kape.

"Good Morning Nadz. Nasaan yung iba?" tanong ni Enrique.

"Tulog pa silang lahat. Ako pa lang ang gising dito." sagot naman ni Nadine.

"Nakita mo ba si Ronnie? Wala na kasi siya sa kwarto nung nagising ako." tanong ni Enrique.

"Naku, hindi ko pa nakikita. Pero mag-iisang oras na ako dito wala pa akong nakikitang bumababa." sagot naman ni Nadine.

Biglang bumukas ang pintuan at pasok ni Enrique na may dalang mga plastic bag.

"Saan ka galing?" tanong ni Enrique.

"Gising ka na pala. Namalengke muna ako para sa kakainin natin ngayong umaga." sagot naman ni Ronnie.

"Bakit hindi mo ako ginising? Wala ka tuloy kasama." sambit ni Enrique habang tinutulungan si Ronnie sa mga dala.

"Ang himbing ng tulog mo kaya di na kita ginising. Tsaka hindi naman ako mag-isa. May kasama ako." sambit naman ni Ronnie.

Nang sabihin iyon ni Ronnie ay nakita niyang pumasok din kasunod ni Ronnie si Daniel na may dala ring mga pinamalengke.

"Good Morning." bati ni Daniel kay Enrique.

"Morning." ang tanging sagot ni Enrique. "Anong lulutuin mo?" dagdag ni Enrique,

"Hindi ako ang magluluto. Si John." sagot ni Ronnie.

Natigilan si Enrique at napatingin kay Daniel. "Ikaw? Kailan ka pa natutong magluto?" iba ang tono ng pagkakatanong ni Enrique. May halong galit na ayaw niyang ipahalata pero lumalaabas.

"Kailan lang ako natuto." ang tanging nasagot ni Daniel.

Nakita ni Enrique na medyo nasaktan si Daniel sa paraan ng pagkakatanong niya at naguilty siya kaya hindi na lang siya ulit nagtanong. Hinayaan niya na lang na pumunta ng kusina si Daniel kasama si Ronnie.

"Hoy." tawag ni Nadine kay Enrique. "Bakit ganun ka kay John?" dagdag pa nito.

"Alin?" tanong ni Enrique.

"Napansin ko sa tanong mo, may halong galit ka sa kanya." dagdag na tanong ni Nadine.

"Ang hilig mong magmisinterpret ng mga bagay bagay, Nadz." natatawang sagot na lang ni Enrique.

"Hindi eh. Iba ito. Never kang naging ganyan kahit kanino. Hindi ba, classmate kayo sa dati mong pinapasukan? Hindi ba kayo close?" pagtataka ni Nadine.

Naisip ni Enrique na sabihin na ang totoo kay Nadine. Kaya dinala niya ito sa garden kung saan walang makakarinig sa kanila.

"Naaalala mo ba yung kinekwento kong Ex Boyfriend ko sa dati kong pinapasukang school?" tanong ni Enrique.

"Oo. Ano nga bang pangalan nun? VJ? BJ? JB? Ah hindi! DJ!" sagot naman ni Nadine.

"Oo yun nga." sambit naman ni Enrique.

"Oh, ano namang meron dun?" matapos tanungin iyon ni Nadine ay may biglang pumasok sa isip niya. "Wait. DJ. John. Daniel. OH MY GOD! Si DJ na ex mo ay ang John na bestfriend ng boyfriend mo ngayon?" nanlalaki ang mata ni Nadine nang maisip niya ito.

"Wag ka munang maingay. Atin-atin lang muna 'to." sambit ni Enrique.

"Eh bakit classmate mo ang pagpapakilala mo sa kanya?" tanong ni Nadine.

"Yun ang unang lumabas sa bibig ko. At saka alangan namang ipakilala ko siya na 'Hey! Siya pala yung ex boyfriend na tinutukoy ko' mas pangit naman siguro yun." pagpapaliwanag ni Enrique.

"And I guess hindi pa alam ito ni Ronnie. Dahil kung alam niya, sigurado ako mag-iiba ang trato niya kay John." sambit naman ni Nadine.

"Pero dapat malaman pa rin ni Ronnie. Ayokong may itinatago sa kanya. Nahirapan nga akong makatulog ulit kagabi nung nagising ako ng madaling araw." sambit naman ni Enrique.

"I agree. He deserves to know the truth. Pero infairness, gwapo siya." nakangiting sambit ni Nadine.

Mya mya pa ay tinawag ni Ronnie si Enrique.

"Enrique. Pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Ronnie.

"Sige. Pero saan?" sagot naman ni Enrique,

"Basta. Malapit lang. Maglalakad lang tayo ng kaunti nandun na tayo." sagot ni Ronnie.

"Sige, pasok na muna ako sa loob Enrique at Ronnie. Gisingin ko lang muna yung iba." paalam ni Nadine bago umalis.

Kasunod na umalis ni Nadine sila Ronnie at Enrique. Lumabas sila ng gate ng bahay at naglakad. Dahil isa iyong exclusive subdivision ay magkakalayo ang mga bahay. Ilang minuto pa ay nakarating na sila Enrique at Ronnie sa dapat nilang pupuntahan.

************************************************
100 views for the next chapter.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryWhere stories live. Discover now