Ch.46: The past (part three)

5.3K 103 3
                                    


"Please talk to me, baby. Can you hear me? Are you okay?" Rinig kong nag-aalalang tanong ni Santi sa akin. Hindi ako makasagot. Naramdaman ko na lang na hinihiga na ako sa stretcher. Nakarating na kaming hospital. Napalingon ako sa may bandang likuran ni Santi at nakitang nag-iiyakan si Gab at Bonie, samantalang si Savina ay nakatitig lang at halatang walang pakialam. Tumingin ako muli kay Santi. Nakita ko ang pangingilid ng luha nya. 



Gusto ko syang hawakan pero hindi ko magawa. Naaalala ko na ang lahat. Nag-migrate ang pamilya namin sa Pilipinas at maging ang pamilya nila tito at tita ay lumipat rin kasama namin. Hindi naging magandang ideya ang pagbalik namin ng Pilipinas dahil mas nakasira lang ito sa relasyon ng mom at dad dahil bumalik rin pala ng Pilipinas ang kabit ni dad. Naaalala ko pa kung paanong gabi-gabing nag-aaway ang mommy at ang daddy dahil sa isang babae noon. Babaeng kung tawagin ni mommy ay 'slut'.



 Naalala ko noong bata pa ako at sa Pilipinas pa kami nakatira, may pinakilalang babae sa akin si daddy sa isang coffee shop. Sobrang saya nilang dalawa, hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ni daddy sa babaeng iyon na hiwalay na raw sila ni mommy. Gusto kong tumutol at sabihing hindi 'yun totoo! Pero wala akong nagawa, wala pa akong muwang noon. Bata pa ako noon at sunod-sunuran lang sa kahit na sino. Makalipas ang ilang araw nilang pag-aaway ay sabay-sabay na namatay ang mom, dad at ang kabit nya sa isang car accident. Ang sobrang ikinasama ng loob ko ay ang pagkamatay rin ng baby sa loob ng tiyan ni mom. Buntis sya that time at nadamay ang kapatid ko sa aksidenteng iyon. 




Simula noon ay si tito at tita na ang nag-alaga at nag-asikaso sa akin, nang mag debut ako ay ipinakilala nila ako sa isang matandang lalaki na ang pangalan ay Damian. Doon na nagsimula ang lahat. Doon ko na natutunan na paglaruan ang damdamin ng iba, doon ko natutunan na lumaban at maging matapang, dahil wala na akong ibang kakampi sa buhay kundi ang sarili ko. Si Damian ang nagsilbing tagabigay ng lahat ng luho ko, at dahil naibibigay ni Damian ang mga pangangailangan namin, napapasunod ko ang tito at tita ko sa akin. Maliban sa pinsan kong si Syra na noon pa man ay malaki na ang galit sa akin. 




Ngayon ay alam ko na kung bakit nanatili akong hindi nagpapagalaw sa ibang lalaki sa loob ng maraming taon ng paglalandi ko, 'yun ay dahil gusto kong ibigay ito sa iisang lalaki lang, kay Santi.. sa lalaking mahal ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan nyang magsinungaling sa akin na kasal kami at mayroon nang anak? I now wonder who is Timmy in our lives? Hindi nag-match and DNA naming dalawa kaya sigurado akong hindi ko sya anak. Is he really Santi's son? At kung oo, kaninong babae naman? At ang isa pang gumugulo sa isip ko ngayon ay ang sinabi ni Savina kanina about sa 'deal' nilang dalawa ni Santi. Tungkol saan iyon?






"Doc, tulungan nyo po si Brey, please! Sumasakit daw po 'yung ulo nya!" Humihikbing sigaw ni Gab nang may dumating na doktor. Nakapikit lang ako at pilit inaalala ang lahat, pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil dito.








"Doc, kanina pa po sumasakit ang ulo n'ya. I think, hindi lang basta-bastang migraine 'yan, tingin ko may kinalaman ang biglaang pagsakit ng ulo nya sa pagbubuntis nya." Rinig kong sabi ni Bonie sa doktor. Gusto ko syang pigilan sa pagsasalita pero huli na. Nasabi na nya. Nasabi na nyang buntis ako-- at sigurado akong narinig 'yun ni Santi.








"She's.. She's pregnant?" Boses ni Santi ang huli kong narinig, pagkatapos nun ay nagdilim na ang paningin ko.

Slut's Instant Babiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن