Ch.40: Lies

5.8K 101 3
                                    


Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka ko sila tinignan isa-isa. Naramdaman ko ang paghigit sa akin ni Santi at ang mahigpit nyang pagyakap. Napairap na lamang ako sa ere.




"What's wrong? Why did you cry, baby? Does that.. Syra have something to do with it? Talk to me, please.." Tinitigan ko sya sa mga mata. Bulag na nga ata ako, dahil ang nakikita ko sa mga mata nya ay sincerity habang nagsasalita sya, but is he really sincere or talagang magaling lang syang magpanggap? Umiling-iling ako saka pilit na ngumiti.






"Let's talk. Tayong dalawa lang, Santi." Mabilis syang tumango saka sinenyasan si Manang na umalis muna at isama si Timmy sa paglabas. Nang isarado ni Manang ang pinto ay muli akong niyakap ni Santi. Nanatili lang akong nakatayo.






"Now, tell me the reason why you cried." Hinagod-hagod nya ang likuran ko. Napapikit ako ng mariin saka kumalas sa pagkakayakap nya. Tinitigan ko sya ng mabuti. This man, in front of me is a liar, and the same man who i fucking love.






"Syra is my cousin. Pumunta sya dito at sinabi nya sa akin na buhay pa daw ang kabit ni dad." Walang buhay kong sabi. Napabuga sya ng hangin saka tumango-tango. Ano, Santi? Nabunutan ka ba ng tinik dahil hindi ko sinabing alam ko na ang panlolokong ginawa mo?






"I don't know what to say, but i want you to know that i'll always be here. Right here beside you, and i will never leave your side." Ngumiti ako sa kanya, hindi dahil sa mga sinabi nya kundi upang ipakita na naniniwala ako sa kanya kahit hindi naman talaga. Alam kong napansin nya ang pagiging hilaw ng ngiti ko. Naiintindihan nyang pinapakita ko lang na malakas ako dahil sa mga nangyayari pero ang hindi nya alam ay hindi ko na sya pinagkakatiwalaan. Kahit ang simple kong pagngiti ay hindi karapat-dapat ibigay sa kanya. He's fake, and a fake smile from me is what he deserve.






"Anyway, Santi.. Bakit mo pala pinapalitan ang mga sheets at kurtina dito sa bahay? Why all of a sudden?" Nagtaas ako ng kilay. Nakita ko ang pagiging uneasy nya dahil sa tanong ko. Halatang nag-iisip pa ng idadahilan. Umiling ako saka sya nilagpasan. I can't believe this! Lahat ng possibilities na niloloko nya ako ay unti-unti nang lumalabas. And i am just so dumb to believe all these lies, all his lies!





Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now