Ch.39: Scarred

5.6K 96 1
                                    



Nanatili akong nakatayo lang doon at hindi alam ang gagawin hanggang sa marinig ko ang boses ni Santi sa labas ng bahay. Naalarma ako. Nanlalambot man mga tuhod ko ay pinilit kong akyatin ang hagdan hanggang sa makarating ako ng kwarto. Padabog kong isinara ang pintuan saka pinaghahagis lahat ng bagay na madampot ko. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi pinaghalong galit at pagkadismaya. Paulit-ulit kong naririnig ang boses ni Syra sa isipan ko. Tumatak lahat ng sinabi nya sa akin.




"That's not true! That's not.. true." Halos lahat ng babasaging muwebles ay pinaghahagis ko sa ere dahil sa sobrang galit ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba pagkatiwalaan ang mga nalaman ko mula kay Syra. Dapat ko bang ikatuwa na sa wakas ay may nakasagot na rin sa mga bagay na gumugulo sa isip ko, at sa wakas ay naliwanagan na rin ako? I am not that dumb, of course i knew at the very beginning na malaki ang tsansang niloloko lang ako ni Santi, maybe i was just in denial dahil habang tumatagal ay nagugustuhan ko na rin ang buhay kasama sila at ayokong isipin na niloloko lang nya ako, but heck, why would he go this far para lang saktan ako! Ano ba ang nagawa ko sa kanya para gawin nya sa akin ito?






"Mom.. Mommy.." Napatigil ako sa pagwawala at agad kong tinignan ng masama ang batang pumasok sa loob ng kwarto. He didn't do anything to me, i know, but i can't help but to get mad at him too. He's Santi's son, and i fucking loathe his father to death!






"Umalis ka dito, Timmy." Garalgal ang boses kong sabi habang pinupunasan ang walang tigil sa pagbuhos kong mga luha. Nakita ko ang takot sa ekspresyon ng mukha nya. Umiling-iling ako saka sya tinalikuran. Nagkulong ako sa banyo at doon ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Hindi ko akalaing dadating sa punto na ako ang maloloko ng isang lalaki, it should be the other way around! Minsan lang ako magtiwala pero sinira nya lang ito! Nahirapan akong magtiwala dahil nasaksihan ko mismo kung paanong masisira ka kapag ibinigay mo ng buo ang tiwala mo sa isang tao.






Mula noong pinagpalit kami ni daddy sa kabit nya, nasaksihan ko kung paanong gabi-gabing umiiyak mag-isa sa sala si mom at hinihintay ang dad kahit na wala nang pag-asang bumalik sya sa amin, sa tuwing sabay kaming kakain sa hapag, bigla na lang tutulo ang luha nya saka sya aalis para hindi ipakita sa akin ang pag-iyak nya, ang naramdamang sakit at lungkot ni mom noon nang lokohin sya ni dad. Lahat ng iyon ay ayokong maranasan. Tama na ang minsanang sakit, di ko na alam kung kakayanin ko pa ang dobleng sakit. Minsan na akong namanhid pero nabuhay muli ang tiwala ko nang makilala ko si Santi at Timmy.. Kaya hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang kasinungalingang ito. Masyadong masakit!





"Hija.. Anong nangyayari?" Naramdaman ko ang pagkatok ni Manang sa pinto ng banyo. Nanatili akong nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang tuhod ko. Gusto ko munang mapag-isa!





"Briana.. Briana, open the door.. What's wrong baby? Tell me.." Napahagulgol ako ng iyak nang marinig ang boses ni Santi. Paano nya nagagawang magpanggap na concern sa akin gayong hindi naman totoo lahat ng ipinapakita nya? What a fucking good actor!






"Mommy.. Why are you crying po, mommy?" Napayuko ako nang marinig ang nagsusumamong boses ni Timmy. His bastard father! Idinamay ang walang muwang nyang anak para lang saktan at lokohin ako!







"Hija.. Ano ba ang nangyayari? Hindi ka naman ganyan nung dumating si madam Syra dito kanina." Umiling-iling ako saka ibinaon ang mukha ko sa mga tuhod ko. I don't want to hear that name!







"S-Syra? Who's Syra, manang? And why are you allowing strangers inside my house?!" Nanginginig ang boses ni Santi nang itanong nya iyon. I knew it. Ayaw nyang malaman ng kahit sinong kamag-anak ko ang tungkol dito dahil siguradong masisira ang plano nyang lokohin ako!






"Briana.. Baby.. Please talk to me. Please tell me the reason why you are crying.. I can't stand the thought that my wife is crying and i don't even have a fucking idea why. Please, baby.." Umismid ako saka umiling. 'Wife', just wow, he's really good. He might actually win an award because of his acting skills. What an ass! Pinilit kong tumayo saka pinunasan ang namumugto kong mga mata. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan saka sila hinarap.

Slut's Instant BabiesWhere stories live. Discover now